Sa Cafeteria.....
"Girls.. what if yung mga napapanaginipan natin lahat yun totoo. What if? Nangyayari sya sa totoong buhay pero nasa parallel world siya. What if lahat ng nangyayari sa'tin yun yung kabaligtarang nangyayari sa kanya?" Tiningnan lang ako ng dalawa kong kaibigan habang umiinom ng milktea nila.
"I mean, bakit ba natin yun napapanaginipan in the first place? Bakit parang totoo yung panaginip? Bakit parang nararamdaman natin?" Pagpapatuloy ko. Pero hindi pa rin sila umiimik.
"Oo na! Lumawak na naman ang imahinasyon ko" Napairap lang sila sa'kin.
"Alam mo Mira, itigil mo na kakapanood mo ng K-drama" Iyan ang palaging sinasabi ng non-chalant kong kaibigan na si Mary. "Nung isang araw lang sabi mo, what if nasa Korea talaga destiny mo pero di ka pa makakapunta sa Korea kaya single ka pa din"
Napangiti na lang ako. Tama siya, masyadong malawak ang imahinasyon ko. Feeling ko lahat ng bagay may dahilan. Lahat ng nangyayari hindi lang basta sya nangyayari.
Kahit sa panaginip, feeling ko kaya tayo nananaginip kasi nangyayari sya o mangyayari siya.
"Ganyan ka na since college tapos hanggang ngayon ganyan ka pa din". Parang naiinis na sakin ang napaka OA kong kaibigan na si Neri.
Since college, madami na akong what if's. Yung mga what if's na napakaimposible pero what if pwede. Ayan na naman ako sa what if ko! HAHAHA. Kapag mag-isa na lang ako feeling ko, yung other me ko, nandun sa parallel world, masaya ang buhay. Lahat nakukuha niya.
Samantalang ako, eto, average girl lang. Wait- average nga ba ako? Feeling ko kasi lower than average pa ako! Haha. I'm just a bare minimum girl. Yung work, sakto lang. Di kayang pakainin ang buo kong pamilya. Parang ako nga lang ata ang kayang pakainin.
Anyways, office staff ako sa isang company. Minimum wage earner kumbaga. Trabaho dito, tulog doon. Parang yun lang ang cycle ng buhay ko.
Since college, work lang ako ng work.
"May pinapadede ka bang bata? May binubuhay ka bang pamilya?" Yan ang laging biro sa akin noon ng mga kaklase ko tuwing aalis ako para sa part time job. I was second year college that time.
Anong dahilan bakit nagwork ako? Feeling ko kasi sayang yung time na ilalaan ko sa bahay. Minsan naman wala akong ginagawa o k-drama lang. Pero main reason talaga, financial problem. Nakikita ko kasi na ang hirap ibigay sa akin ng mga kailangan ko sa school.
Parang ang hirap-hirap humingi. That time dalawa kami ng ate ko ang nag-aaral. My ate was fourth year college that time, and nag-aaral sya sa isang mamahalin na school. Kaya naisip ko, what if magtrabaho ako? Kaya ko ba?
Out of curiousity, nag-apply ako sa isang convinient store bilang part-timer and luckily naman natanggap ako. O diba? Dahil sa what if, nakapagwork ako. By then, hindi na ako humihingi sa parents ko, at ako na din nagbibigay sa kanila kahit konti.
Hindi naman naging mahirap ang pagpapart-time ko, mababait ang kasama. Alam ko naman na lahat ng trabaho mahirap, kaya inexpect ko na na mahirap kaya siguro madali na rin ako nakapag-adjust.
Until fourth year college, nagpart-time pa din ako. And before graduation, nagresign ako. Why? Kasi tapos na ako! Pwede na akong mag-apply sa field na pinag-aralan ko, which is Accountancy.
Mataas ang expectation sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin, at maging ako, mataas ang expectation ko sa sarili. Kaya after graduating, naghanap agad ng work.
PERO HINDI MADALI.....
HINDI PALA MADALI..........
YOU ARE READING
My Life in the Parallel World
FantasyWhat if dreams become reality? This story is based on my imagination. Please do enjoy reading. ~☕🎽