"Almira!" Napamulat ako ng aking mata. Bumungad sa akin ang asul na ulap. Ang ganda! Ang liwanag! Napatingin ako sa paligid.
Parang pamilyar. Yun agad ang nasa isip ko. Madaming bulaklak at iba't-ibang hardin. Pamilyar ako sa lugar na ito.
Pero bakit ako nandito? Nasaan ako? Nasa langit na ba ako? Kaya ba pamilyar kasi nasa langit na ako? Patay na ba ako? What if nagkatotoo yung sinabi ko na ako na lang, hindi namatay si Ate Claire, at ako ang namatay?
Lord, bakit naman agad-agad? Hindi mo ba muna pinag-isipan? Hindi mo rin ba ako favorite? Talaga bang kinuha mo na agad ako?
"Almira!" Narinig ko na ang tawag ng isang matanda. Ito na ba ang susundo sa akin. Papipiliin ako kung sa kaliwa o kanan? Pero Lord, hindi ko po alam. Saan po ba? Kanan po ba ang langit at kaliwa ang impyerno? Paano po kapag mali ang napili ko? Hindi ko kasi nabasa kung saan ang langit at impyerno.
Narinig ko na ang yapak ng tagasundo ko. Pumikit ako. Hindi ko pa kayang harapin ang kamatayan. Wala pa akong nararating at napapatunayan. Hindi pa ako nagkakaboyfriend! Lord naman! Ulitan tayo please!
"Almira, tara na! Para maaga tayong makarating!" Parang galit na sabi ng tagasundo.
Nang malapit na malapit na siya sa akin ay agad akong lumuhod sa kanya. Kailangan kong magmakaawa.
Bakas ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Teka! Parang pamilyar din ang babaeng ito. Napanood ko ba ito sa K-drama? Pero hindi siya mukhang Koreana eh. Ah! Basta! Kailangan ko magmakaawa, kahit ireincarnate nila ako bilang si Humpy, yung pusa namin.
"Sorry po! Sorry po! Bigyan niyo po ako ng isa pang chance! Promise po! Babawi ako, kahit maging pusa ako, okay lang po. Ayaw ko pa pong mamatay! Please po!" Tumingin ako sa kaniya at parang natatawa siya na ewan. Tagasundo ba siya ni Satanas? Bakit naman sa impyerno ako? Alam kong sobrang laki ng kasalanang ginawa ko pero di'ba si Lord nagpapatawad? Bakit sa akin hindi?
"Nagmamakaawa po ako sa inyo" Todong-todo na talaga ang pagmamakaawa ko dito. As in binigay ko na ang buo kong pagkatao. Malay mo di'ba?
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Hindi na ata niya napigilan ang malakas na pagtawa. Masakit na din ata tiyan nya dahil nakahawak siya dito.
Napatahimik na talaga ako. Siguro ito na talaga ang oras ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga taong mahal ko. Si Nanay, Tatay, Ate Sophie at lalo kay Ate Claire. Ate Claire, mahal kita. Sinakripisyo ko ang buhay ko para sa'yo. Sana proud ka. Palakasin mo ang katawan mo at tulungan palagi si Nanay. Sa pusa ko, si Humpy, huwag kana sana kumain ng ulam sa lamesa. Wala ng mapapagalitan kasi wala na ako. Ikaw na papagalitan. Haysss. Dito na natatapos ang kwento k-
"Almira! Huwag mo na akong dramahan at malalate na tayo sa graduation ng Ate Claire mo, dalian mo na dyan! Kanina ka pa hinihintay ng Mama at Papa mo"
GRADUATION?
ATE CLAIRE?Nandito si Ate Claire? Namatay na din si Ate Claire? What!!!!!? Nagsakripisyo ako pero pareho mo kami kinuha? Paano na sina Nanay at Tatay? Siguradong malungkot mga yun. Hays!
At tsaka gagaraduate siya? Ano! May graduation sa langit? Para san? Para makapaghanap ng trabaho? Magtatrabaho siya dito? May ganun dito? Pano ako? May discrimination din ba dito sa langit?
"Kailan po ako gagraduate?" Tanong ko sa tagasundo ko. Aba! Magaling na ng malaman. Gusto ko na din makahanap ng trabaho, mahirap ata ang buhay dito sa langit.
"Matagal ka pa! Highschool ka pa lang" Ha!?Anong highschool, 27 na ako. Nababawasan din ba ang edad kapag namatay ka?
"I-ilang tao-on na po ba si Ate?" Naguguluhan na talaga ako sa lahat.
"Ang dami mong tanong Almira! Pwede bang magbihis ka na lang at gumayak na. Magagalit na sayo ang Mama at Papa mo" alam kong naiinis na siya sa akin. Sorry na. Ang gulo na kasi dito sa langit, diko akalain na ganito pala dito.
Teka-
"Mama? Papa? Ha?" Bakit may Mama at Papa ako dito sa langit? Mga bago ba namin silang magulang since wala pa dito yung mga totoo? Ano ba yun?
"Almira, hindi na ako natutuwa sayo ha? Sasama ka ba o sasama ka?" Ewan! Parang natakot ako sa banta niya. Atat na atat na siyang ihatid ako sa huling hantungan. Hays. Bahala na nga.
Tumayo na ako at sumunod sa kaniya. Tumingin ako sa paligid, lahat ng ito ay pamilyar sa akin. Ang hardin, mga bulaklak, ang malaking punong iyon, ang mga upuan, ang duyan.
Paakyat na kami sa hagdan papasok sa malaking bahay. Wow! Malaking bahay! Alam kong di ito tulad ng mga sikat na malalaking bahay pero malaki ito kumpara sa bahay namin. At ang nakakapagtaka, maging ito ay pamilyar sa akin.
Bakit lahat ay pamilyar na parang nakarating na ako dito? Na parang madalas ako dito? Na parang dito ako nakatira?
Sigurado ako na nakita ko na ito?
Kung saan? Hindi ko alam......

YOU ARE READING
My Life in the Parallel World
FantasyWhat if dreams become reality? This story is based on my imagination. Please do enjoy reading. ~☕🎽