..
Daniel
Napatitig ako kay Zayche dahil sa kaniyang pag-sigaw, hindi ko maintindihan bakit sobra ang galit niya gayong sinuot ko lang naman ang isa sa mga damit niya.
May sentimental value ba ito para ganito na lang ang maging reaction niya? Binigay ba to ng nanay niya? Ng ex niyang mahal na mahal niya?
Naguguluhan ako kung bakit.
"S-sorry, huhubarin ko na lang...." Nautal kong sambit at tatalikod na sana nang bigla itong ngumiti sabay tawa nang malakas.
Natigilan ako sa pagtalikod ko dahil sa naging reaction niya. Nakakunot ang noo kong tumingin kay Kyleen na naguguluhan din sa kuya niya habang si mang Karo ay naiiling na lang sa kabaliwan ng anak niya.
"Joke lang! Ito naman takot na takot." Saad ni Zayche nang makabawi siya sa pagtawa.
Ngumiwi ako sa kaniya, "Sinong hindi matatakot? Sa laki mo ba naman at kung sumigaw ka akala mo'y kriminal ako." Singhal ko rito at tinalikuran para maupo sa sofa nila.
"Oa mo kasi masyado, kuya." Saad naman ni Kyleen na nangingiwing umalis papunta sa kwarto niya.
"Oh siya! Ako'y magluluto na muna ng pagkain natin, maiwan ko na kayong dalawa." Paalam naman ni mang Karo bago nagpunta sa kusina.
Pagkaalis ni mang Karo ay nagkatinginan kami ni Zayche, kita ko ang pawis niya sa suot niya, kaya yung biceps niya bakat na bakat na lalo sa kaniyang polo.
Napaiwas na lang ako nang tingin sa iba dahil baka kung ano pa ang sumagi sa isip ko eh magkasala pa ako.
"Sorry kanina." Saad ni Zayche nang walang magsalita sa amin, naupo naman siya sa pang isahang sofa at nagtanggal ng sapatos niya.
"Okay lang, kanino ba galing to para magpaka oa ka kanina?" Tanong ko sa kaniya kaya natigilan siya bago tumingin muna sakin saglit bago pinagpatuloy ang ginagawa.
"Sa first love." Simpleng sagot niya kaya tumango na lang ako, ayaw ko naman mag-usisa pa dahil baka matawag pa akong chismoso.
Pinagmasdan ko na lang yung pagtanggal niya ng sapatos niya, pagkatapos non ay niluwagan na niya yung neck tie niya saka sumandal sa sofa para magpaypay ng sarili gamit ang kamay niya.
"Oo nga pala, pinapatawag ka ng Boss ko sa office niya bukas." Saad niya makaraan ang ilang minuto kaya napakunot ang noo ko.
"Ha? Bakit daw?" Tanong ko, at bakit naman niya ako ipapatawag? May nagawa ba akong mali? Sa naiisip ko ay siya ang may kasalanan kasi kung hindi bigla bigla niyang isinusulpot ang kotse niya hindi ako mababangga.
Nagkibit balikat siya, "May babayaran ka raw. Di ko lang sure." Sambit niya saka tumayo at mukhang papunta na sa kaniyang kwarto.
Hindi ko na siya naintindi dahil nahinto ang isip ko sa nasabi niya. Ano na namang babayaran ko? Eh wala nga akong utang don! Baka naman yung damage sa kotse niya? Eh hindi ko naman sinasadya yun, it was an accident! Ako pa nga ang na-hospital! Oh baka naman yung pinangbayad niya sa hospital na hindi ko naman hiningi at kusa siyang nagbayad!
Ewan ko rin sa mga taong to at patuloy na nagpapakabobo sa buhay. Pati ibang tao idadamay pa sa katangahan nila.
Naiiling akong tumayo para pumunta sa kusina, balak ko sanang panoorin si mang Karo sa pagluluto pero pagdating ko ron ay kakatapos niya lang magluto.
"Ohh tamang tama, tapos na ako magluto. Tawagin mo na sila." Nakangiting sambit ni mang Karo.
Nagtataka akong lumapit sa kaniya, "Ang bilis niyo naman po yata magluto?" Takang tanong ko at natawa naman nang bahagya si mang Karo.
"May natira pa kasing pritong manok sa Chick-Chicken, kaya chicken soup na lang ang idinagdag kong ulam para naman hindi masyadong tuyot ang ulam natin." Sagot ni mang Karo habang naglalagay ng mga pinggan at kubyertos sa lamesa, "Tawagin mo na sila nang makakain na tayo." Ulit ni mang Karo kaya napatango na lang ako.
Naglakad agad ako papunta sa hagdan paakyat sa kwarto nung dalawa. Una kong pinuntahan kwarto ni Kyleen, kumatok muna ako ng tatlong katok bago buksan ang pinto.
"Kyleen, kakain na raw." Sambit ko at napatingin naman sa akin si Kyleen na nasa study table niya na may isinusulat sa notebook niya.
"Okay! Thanks!" Sambit ni Kyleen at nagsimula nang maglipit ng gamit niya.
Isinara ko ang pinto niya pagkatapos at sa kwarto naman ni Zayche ako pumunta. Kumatok muna ako bago ko buksan yung pinto since wala naman nagsalita.
"Zayche, kakain na raw——" natigil ako sa pagsasalita nang saktong pagpasok ko ay paglabas ni Zayche sa banyo niya na nakatapis ng tuwalya sa bewang habang may maliit na towel sa balikat niyang pinangkukuskos niya sa buhok niya.
Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya, the muscles in his body is creaming! Na para akong tinatawag na hawakan nila! Lalo na ang biceps niya na namumutok at parang gusto akong headlock-in——huyyy!
Ang 8-packs abs niya ay talaga namang kulang na lang ang mainit na kape! Kung walang matigas na tinapay sa mainit na kape, pwes may matigas na abs sa mainit na kape!
"Huy! Ano sinasabi mo?" Tanong ni Zayche na nakapagpabalik sa wisyo ko kaya napaayos ako nang tayo at tumikhim.
"A-ano... K-kakain na raw..." Nauutal at hindi ko maituwid na sagot sa kaniya dahil sobrang nakaka-distract ang katawan niya!!!
"Ahh sige susunod na lang ako, magbibihis lang ako." Sambit niya kaya napatango ako, "Ay teka pala! May pinabibigay si Chloe——" natigil si Zayche sa sasabihin niya kaya napatingin ako sa kaniya na pinagsisihan ko rin naman agad.
Napaawang ang labi ko sa nakikita at si Zayche naman ay nanlalaki ang matang napatingin sa tuwalyang nahulog dahil sumabit sa bangko niya sa study table kaya nahulog ito.
Napatitig ako sa katawan niyang hubad sa harapan ko. Napapalunok na lang ako dahil hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa ibaba niya. It. Was. So. Big! Big and long! What the——
Kaagad akong tumalikod nang makabawi kami parehas, siya ay kaagad na kinuha yung tuwalya at ibinalot sa sarili. Walang nagsalita sa amin at kapwa kami nahihiya. Napapaypay ako sa sarili ko dahil parang biglang uminit sa kwarto ni Zayche.
"Ahh mauna na——na ako sa baba, ha? Sunod ka na lang! Bye!" Sigaw ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya at malakas na naisara ang pinto nito.
Napakapit ako sa dalawang pisngi ko dahil sa nag-iinit talaga yung pakiramdam ko. Sumagi na naman sa isip ko kung gaano siya kalaki——gosh! Erase! Erase!
Lalakad na sana ako pababa nang lumabas naman bigla si Kyleen sa kwarto niya at nagtatakang napatingin sa akin
"Ohh bakit namumula ka?" Tanong ni Kyleen na ikinatigil ko.
Napakagat labi ako bago sumagot, "Mainit kasi! Tara na, naghihintay na papa niyo." Sambit ko at nauna nang bumaba ng hagdan at hindi na hinintay ang tugon ni Kyleen.
Huhu
______<13>______
Happy Pride Month!
🏳️🌈
BINABASA MO ANG
Mafia Series #4: The Mafia's Psychopathy [BxB]
AcciónMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy This is a work of fiction. Names, characters, business, song, places, events and incidents are either product of Author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living...