Chapter 6 (Goblin and The Grim Reaper)

1 0 0
                                    

"Are you okay na, anak?" Ayaw tumigil ni Mama sa pag-eenglish, di ako sanay.

"Opo." Nagkatinginan silang lahat. Hindi ko pa rin matanggap. Pero ito na siguro ang tadahana, totoo nga yung kasabihan na"the family that prays together, stays forever."

Dumating na si "tagasundo", "Ready na ang sasakyan. Tara na." Ayan na! Sabay-sabay na niya kaming ihahatid. Pakulo lang na graduation, ang totoo ihahatid na talaga kami.

Nakangiti na tumayo silang lahat. Ako lang ata ang hindi masaya. Pagkalabas namin pinagmasdan ko ang paligid, pamilyar din ha? Infairness. Napakibit-balikat na lang ako.

Nakita ko na ang sasakyan. Isang mahabang van na puti. Dati takot ako dito kasi nangunguha daw ng bata. Ngayon kaluluwa naman ang kinukuha, hays.

Sumakay si "tagasundo" sa unahan, katabi ng driver na nakablack. Sidekick ata 'to ni Goblin. Si Grim Reaper. Ahhhhh! Si "tagasundo" si Goblin and si Grim Reaper yung "driver." Ayos din pala parang K-drama. Pero mas okay kung lalaki si Goblin, parang si PSJ para sana pag nainlove siya sa akin, di na niya kami kukunin. Maiisave ko ang family ko, pero hindi e. Babae si Goblin, at matanda pa! 😭😭😭😭

Hays! Nakailang buntong-hininga kaya ako ngayon. Hindi ko na malaman. Hays!

Biglang tumigil ang sasakyan, nandito na siguro kami. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok na kami. School ata itong pinuntahan namin, napakalaki! Ang daming tao! Lahat ba ito ay patay na? Ang dami palang namamatay sa isang araw. Totoo nga ang sinasabi nila.

Pumasok na kami sa loob ng gymnasium. Umupo kami sa may bandang likod ni Ate Sophie, Goblin at Grim Reaper. Si Ate Claire naman at sina Nanay at Tatay ay doon sa unahan. Ayos din ah! Para ring graduation talaga. Pero graduation ng mga patay, hehe!

Ayun!!!! Alam ko na!!! Kung bakit may graduation! Dahil pinaparanas ni Lord ang mga hindi namin naranasan noong nabubuhay pa kami. Katulad ko, gustong-gusto kong maranasan na may malaking kwarto, may ref sa kwarto at may terrace sa kwarto at naranasan ko yun. At ngayon, dahil di naranasan ni Ate Claire na gumaraduate, pinaranas sa kanya. Ngayon naiintindihan ko na ang mga nangyayari.

Pero aware kaya sila na patay na kami? Alam kaya nila ang sitwasyon?

"Ahm...Ate?" Matalino si Ate Sophie, siguradong alam niya.

"Yes? Ano yun?" Abala siya sa pagtatake ng selfie. Hays! Di naman ganito si Ate Sophie, hindi siya mahilig sa cellphone. Puro aral lang siya. Ewan ko ba?

"Bakit ka namatay?" Pabulong kong banggit sa kaniya. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya sa sobrang gulat. See? Sabi ko na eh. Alam ito ni Ate Sophie. Aware siya at aware kami lahat.

"What's that nonsense Claire!?" Napatingin ang mga nasa unahan namin sa lakas ng sigaw ni Ate.

"Napaka OA mo. Aware naman ako, okay lang yun Ate. Gusto ko lang talaga malaman, kasi napakaimposible eh. Bakit? Paano Ate?" Tanong ko ulit?

"Paano what?" Parang naiinis na siya sa akin, lahat na lang naiinis sa akin. Nagtatanong lang eh.

"Ka namata-"

"My God Almira Nicole! Stop that bullshit!" Ha? Bullshit? Si Ate Sophie nagsasalita ng ganun? Wow! Bago yun ah.

"Eh kasi Ate, impos-"

"I don't want to hear anything. Stop that. Shut your mouth or else I'll tell Papa!" Ha? Bakit Papa pa rin tawag niya.

"Tatay!" Pagtatama ko, napasigaw na rin ako. Tumingin sa akin si Goblin at pinanlakihan ako ng mata. Umiling siya at nagsign ng quiet.

Ha? Ano? Ako lang may alam na patay na kami! Pinatahimik ako ni Goblin, so ibig sabihin ayaw niyang sabihin ko sa mga kapatid ko na patay na kami, pati kay Nanay at Tatay?

Bakit hindi ko pwedeng sabihin? Bakit hindi sila aware?

Hindi ba nila tanggap ang pagkamatay nila?

Napatigil na lang ako nang nagsalita ang speaker.

"BRAVO, CLAIRE STEPHANIE A., MAGNA CUM LAUDE" At nakita ko ang malaking graduation picture ni Ate sa screen.

Magna Cum Laude si Ate? Pati iyon pinaranas ni Lord. Wow ha? Favorite na favorite? Nakita kong umakyat sila Nanay at Tatay. Halata sa mukha nila na proud na proud sila.

Nakakaginhawa sa puso na ganito ang mga magulang ko. Sana totoo ito.

SANA.........

My Life in the Parallel WorldWhere stories live. Discover now