CHAPTER 5
Chairs
Black na t-shirt, denim jeans, at rubber shoes yung sinuot ko para naman hindi ako magmukhang yagit sa birthday ni Kat. Dahil mayaman sila, malamang, puro mayaman din ang mga bisita niya.
Pasado alas nuebe kami umalis. Hindi naman gaanong puno, pero traffic dahil may ginagawang kalsada. Pasado alas onse na rin kami nakarating.
Pumasok kami sa McDonald's at nagtanong si mama sa isang staff kung saan yung room ng birthday party at in-assist naman kami roon. Closed na yung pinto dahil nagsisimula na yung party.
Inangat ko ang tingin ko kay mama, "Mama, nahihiya ako. Baka maagaw ko po yung atensyon nilang lahat tapos—"
"Kaklase mo ba 'yon, 'nak?" May tinuro si mama sa loob.
Napangiti ako nang makitang palapit si Karim sa amin para siguro pagbuksan kami.
"Hi, Phoebe," ngumiti siya sa akin at bumaling kay mama, "Good morning po, ma'am."
"Kaibigan ka ba nitong si Phoebe, hijo?" Tanong ni mama.
"Opo. Ako po si Karim, yung kuya po nung birthday celebrant. Pasok po kayo..." humakbang siya patalikod nang isang beses para bigyan kami ng daan.
"Ay, hindi na ako papasok, hijo. May pupuntahan din kasi ako, hinatid ko lang si Phoebe rito. Anong oras ulit matatapos itong party para masundo ko siya?"
"2 PM po, ma'am," magalang na sagot ni Karim.
"Tita na lang ang itawag mo sa akin, kaibigan ka naman ng anak ko. O siya, mauuna na ako, ha? Phoebe, mag-iingat ka at mag-enjoy."
"Opo, ma." Humilig ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Ingat ka rin po."
"Karim, kayo na ang bahala sa Phoebe ko, ha?" Hinaplos ni mama ang ulo ko.
First time na hindi ko makakasama si mama sa labas bukod na lang kapag nasa school ako. Sa tuwing may field trip naman kasi, si papa ang palaging sumasama sa akin. Kaya baka nag-aalala rin para sa akin si mama.
"I'll take care of Phoebe po, tita." Tumingin sa akin si Karim at ngumiti nang maliit bago bumaling na ulit kay mama, "Ingat po."
Hinintay lang naming makaalis na si mama bago ko naramdaman ang kamay ni Karim sa likod ko. "Let's go? Excited na si Kat na makita ka."
Eh si Karim kaya, excited din na makita ako?
Phoebe, onse anyos ka palang! Crush crush lang muna!
"Hi," bati ko kina Donovan at Gavin nang nasa lamesa na nila ako.
"Akala namin, 'di ka na sisipot, eh! Ang OA mag-alala nitong si—Aray!" Napangiwi si Gavin nang masiko siya ni Karim nang naghila siya ng upuan.
"Sorry, aksidente lang," aniya kay Gavin bago humarap sa akin at tinapik ang upuang hinila niya, "Dito ka na. I'll sit here," turo niya sa upuang nasa kanan ng hinila niya.
"Salamat," nginitian ko siya at naupo na nga roon.
Pagkaupo niya ay tiningnan niya ulit ako. "Anyway, yung sinasabi ni Gavin, nag-aalala si Kat kasi baka raw nagbago yung isip ng mama mo."
"Ahh..." tumango tango ako, "...Hindi. Na-traffic lang kasi may ginagawang kalsada papunta rito."
"Go, Kat!" Hiyaw ng ibang bata kaya napatingin ako sa mga naglalaro ng plastic cups.
Si Kat yung nasa gitna. Mayroong dalawang lalaking mukhang hindi taga-school namin.
"Hindi kayo naglaro?" Tanong ko sa mga kasama ko.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...