CHAPTER 6
Mike
The rest of the week after Kat's birthday was normal... for my friends. Pero ako, simula noong ganoong encounter namin ni Karim, halos hindi na ako mapakali kapag nandyan siya. Kahit lagi ko naman siyang abot-kamay at tanaw dahil nasa iisang group of friends lang kami at kaklase ko pa siya.
Maybe this is puberty. Natutunan ko rin iyon sa Science at Health classes namin. Boys and girls my age are starting puberty or have already started. I guess this is just normal. Magbabasa na lang ako ng mga tungkol sa puberty para maintindihan ko rin yung sarili ko at yung mga nakapaligid sa akin.
Kasama ko si Gavin na pumunta sa cafeteria para sa lunch. Nandoon na raw si Donovan at Katianna, at si Karim naman ay may kailangan pang asikasuhin para sa report ng group niya sa subject pagkatapos ng lunch.
"Pheebs, what do you think of Ariana?"
Kumunot ang noo ko at napatingin kay Gavin. "Ha?"
"Si Ariana... anong tingin mo sa kanya?"
"Uh... maganda? Matalino?"
"Hmm..." tumango-tango si Gavin habang naniningkit pa ang mga mata, parang malalim ang iniisip. "Eh sa kanila ni Karim?"
Sa kanila ni Karim? "A-Ano bang... mayroon sa kanila ni Karim?" Mahinang tanong ko.
Sinubukan kong isipin yung mga pagkakataon na nahuhuli ko silang magkausap, lalo na tuwing groupings. Tapos yung mga ngiti ni Ariana sa kanya at yung mga pagsagot ni Karim sa mga tanong niya. Noong PE, sila ang magka-partner sa sayaw habang ibang lalaking kaklase naman ang akin.
Imbis na isipin ko yung tanong ni Gavin tungkol kay Karim at Ariana, mas naisip ko yung nararamdaman ko.
Minsan, naiinggit ako kay Ariana. Kasi sila ang magkatabi at laging magkausap. Minsanan lang kami makapag-usap ni Karim kapag sa klase, kadalasan, pasahan pa ng papel dahil malayo kami sa isa't isa. Pero kapag break time naman, madalas kaming mag usap.
Naiinggit din ako dahil sila yung magpartner sa PE. Nahahawakan ni Ariana ang kamay ni Karim at malapit sila sa isa't isa. Tulad ngayon, hindi namin makakasama si Karim dahil may kailangan siyang asikasuhin sa group project na ka-grupo niya si Ariana. Ibig sabihin, magkasama pa rin sila.
Sinusubukan ko namang huwag mainggit dahil masama daw iyon sabi ni mama at papa. Kapag daw nai-inggit, hindi ka sasaya, lalo na kung laging cino-compare ang sarili sa iba. Bababa yung tingin mo sa sarili mo.
Pero habang tumatagal, hindi na rin yata inggit ang nararamdaman ko sa tuwing sila Ariana at Karim ang magkasama. Kasi alam ko ang ibig sabihin ng inggit. Nalulungkot ka dahil mayroon sila ng wala ka.
Ngayon, nalulungkot ako dahil wala si Karim sa amin. Pero kapag si Donovan naman ang hindi makakasama sa amin, hindi ako nalulungkot. Wala rin sa akin kapag may kinakausap na ibang babaeng classmate si Gavin. Kay Karim lang ako nakakaramdam ng ganitong klaseng kalungkutan.
"Wala pa naman," sagot ni Gavin.
"Pa naman?" Ibig sabihin, pwedeng magkaroon?
"Hindi ko alam. Pero halata namang may gusto si Ariana kay Karim, 'di ba? Last year pa 'yan si Ariana, kaklase rin ni Donovan at Karim. Alam mo na si Donovan, naku-kwento rin niya sa akin kaya madalas namin silang kinakantiyawan."
Humawak ako sa strap ng bag ko at pinagmasdan ang nilalakaran ko.
Ano naman ngayon kung may gusto si Ariana kay Karim at si Karim kay Ariana? Ano naman sa akin kung maging sila nga balang araw? Kaibigan ako ni Karim kaya dapat sinusuportahan ko siya sa mga ganito. Hindi ko pa alam kung paano ba maging kaibigan dahil ito ang unang beses na nagkaroon ako, pero hindi ba, ganoon ang tungkulin ng isang kaibigan?
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...