Chapter Four

534 9 0
                                    

CHAPTER FOUR

PAGKAGALING sa airport ay nagtuloy kaagad si Marriane sa ospital. Inihabilin na lang niya ang kanyang mga anak kay Nena nang sunduin sila nito. Hindi na siya makapaghintay na malaman ang kalagayan ng kanyang mga magulang. Nang nagdaang araw lang niya natanggap ang telegrama ni Rey pero hindi kaagad siya nakaluwas dahil sa libing ng kanyang asawa. Hindi niya napigil ang mapaiyak nang maalala ang sunud-sunod na trahedya sa kanyang pamilya. Namatayan siya ng asawa dahil sa kagagawan ng mga taong walang konsiyensiya. Biktima ng holdup ang asawa niyang si Alex. Pagkatapos limasin ang pera at alahas ay walang-awa itong pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin. Kung hindi lamang sa dalawang anak niya ay mas gugustuhin na rin niyang mamatay. Lalo pa siyang pinanghinaan ng loob nang mabalitaan ang nangyari sa kaisa-isang kapatid na si Maybelle. Sa kagustuhang madaluhan siya sa oras ng pagdadalamhati ay ito ang napahamak at nagbuwis ng buhay. Sa pagkawala nito ay lalong lumala ang karamdaman ng kanilang ama, na labis na nakaapekto sa kalusugan ng kanilang ina. Mula nang magkaisip siya, nakita na niya ang katatagan ng kanyang ina. Mas matibay ang loob nito kaysa sa kanilang ama. Ngunit sa mga nangyari, tila nais na ring sumuko nito. Nauwi sa hagulhol ang pag-iyak niya. Tila pinanghihinaan na rin siya ng loob.

“Nandito na po tayo, Ma’am,” pukaw ng driver ng taxi sa kanya.

Iniabot niya ang bayad dito, saka siya bumaba.

“M-Marriane... ikaw si Marriane?” tanong ng lalaking nadatnan niya sa labas ng emergency room.

Nahulaan na niya kung sino ang kaharap. “O-oo.”

“Ako si Rey, ang fiancé ng kapatid mo.”

“Yes, I know you. Naikuwento ka na niya sa akin. Kumusta na? May balita na ba sa paghahanap kay Maybelle?” tanong niya rito.

Marahan itong umiling. “Wala pa ring development. Hindi pa tapos ang pagsusuri sa mga hindi pa nakikilalang mga biktima. Maaaring isa sa kanila ay bangkay ni Maybelle,” malungkot na pahayag nito.

Napatango na lang siya. “Kumusta na ang Mama at Papa?”

Napayuko ito. “Marriane, I’m sorry. Ginawa na ng mga doktor ang lahat ng paraan para maisalba ang buhay ng papa mo pero—”

“Y-you mean...? No! Hindi maaari.” Hindi na niya napigil ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata.

Nilapitan siya nito at inalo.

“Hindi ‘yan totoo, Rey. Hindi ‘yan totoo.”

“Calm down. Tama na. May dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.”

“A-ang Mama? Nasaan siya?”

“Nasa emergency room. Hinimatay siya nang malaman ang nangyari sa papa mo.”

“God!” Nasapo niya ang noo. “Bakit kailangang mangyari sa amin ito? Bakit?”

Hindi na niya nakayanan ang pagdadalamhati at tuluyan nang nagdilim ang kanyang paligid. Nang magkamalay siya ay agad niyang tinungo ang silid na kinaroroonan ng kanyang ina. Nabaghan siya nang mapagmasdan ang hitsura nito. Payat, namumutla, at humpak ang mga pisngi nito. May nakakabit pang dextrose sa kamay nito.

“Mama...” Umiiyak na napayakap siya nang mahigpit dito. “Wala na si Maybelle at si Papa. Bakit kailangang mawala sila sa buhay natin?” Hinawakan niya ang isang kamay nito. “Alam ko kung ano ang nararamdaman n’yo. Katulad ninyo’y nawalan din ako ng asawa. Pero dahil sa mga anak ko’y pinipilit kong labanan ang mga pagsubok sa ating buhay. Sana gano’n din kayo, alang-alang po sa akin at sa dalawa ninyong apo,” namamaos na pakiusap niya rito.

“M-Marriane,” ani Rey na hindi na niya namalayang nakapasok sa silid ng kanyang ina.

Nag-angat siya ng mukha.

Limutin Man Kita by Isabela BallesterosWhere stories live. Discover now