12

232 6 0
                                    

Pagkababa ko sa first floor ay nakita ko siyang nagsisintas ng kanyang itim na leather shoes, naka formal siya ngayon, sa tingin ko ay may dadaluhan siyang meeting or important appointment. Tahimik akong naglakad sa likuran niya pero napansin parin niya ako.

"Ihahatid na kita"

"Hindi na kailangan, baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo" pilit akong ngumiti para ipakitang ayos lang talaga ako

Tumayo na siya at binitbit ang pambahay niyang tsinelas para ilagay sa shoe rack. Lumapit siya sakin at aktong hahawakan ang bagpack ko nang bigla ko itong ilayo kaya naiwan ang kanyang kamay sa ere.

"Okay lang talaga ako"

"Hindi ko tinatanong kung okay ka, at hindi ako humihingi ng permiso mo para ihatid ka. You will come with me whether you like it or not."

Tahimik ako habang tinatahak namin ang daan papuna sa university. Many students are seen rushing to avoid being late while others are competing for seats inside a jeepney or a mini bus. I was once like them, naalala ko pa noong 20 pesos lang ang bitbit ko papuntang school, pamasahe ko na yun for back and fourth, hindi rin ako nagbre-break time para tipid habang sa lunch naman ay nagbabaon ako. I used to live in a small boarding house alone, 3500 ang renta sa isang buwan, hindi pa kasali ang tubig at kuryente, pati bigas, ulam, and other basic necessities. I am meek girl, mahiyain ako at tahimik, pero hindi ko alam kung anong nakita niya saakin to give me this kind of life.

Tinignan ko siyang nagmamaneho nang tignan niya din ako pabalik kaya kaagad akong umiwas at tumingin sa harapan. To be honest, I also had a small part of me that enjoyed the kind of life that he gave me, I got to buy things I couldn't afford before, had so much enough allowance na pwedeng pwedeng magkasya sa dalawang linggo, lived in a big house with comfortable rooms.

Pero..ang pag trato niya saakin ang siyang nagdudulot sakin ng takot at motibasyon para umalis sa ganitong klaseng pamumuhay.

If only..he could be a good man..

I would be willing to stay.

Dumating kami sa parking at ilang beses siyang umikot-ikot sa basement kasi halos puno na lahat ng spaces pero mabuti nalang at nakahanap siya. Nagtaka ako kung bakit siya nag-park kasi ang ginagawa lang naman ni manong na naghahatid saakin noon ay hihintayin niya lang akong makapasok sa university bago siya aalis kaagad.

Bigla niyang kinuha ko yung bagpack ko at aktong bubuksan na yung pintuan ng kotse pero kaagad kong inagaw pabalik ang bag ko.

Huwag niya sabihing may balak siyang ihatid ako?!

"What are you doing, Miss Ferrer?"

"D-dito ka lang." kinakabahang sambit ko na may bahid ng kaunting pagbabanta

Bumuntong-hininga ito at tumingin sa harapan "Kaya nga kita ihinatid para IHATID diba?" tumaas ang kanyang kilay at para bang nawawalan na siya ng pasensya sa kaartehan ko

"Akin na yan" he grabbed my bagpack pero syempre hindi ako nagpatalo at inagaw ulit ito pabalik

Mahigpit kong hinawakan ang bag ko habang nakatingin sakanya na para bang mga batang nagaagawan para lang sa isang stuff toy. Tinignan niya ang kamay ko na mahigpit ang hawak sa strap nito at sinamaan ako ng tingin.

"Malalate na ako sa klase ko..m-mauuna na ako"

I opened the door but he suddenly grabbed the handle and closed it again before I could even go out. He was so close to, as if we were about to kiss each other. Napalunok ako dahil sa kanyang pag-titig.

"Not so fast baby." he looked at me "Are you denying me as your husband?" ang tono niya ay para bang sarkastiko ang datingan

"Of course not." i answered at ipinakitang matapang ako kahit na nanghihina ako sa posisyon naming dalawa

Bigla niyang kinuha ang bag ko mula sa aking mga kamay nang mapatakip ako saaking bibig dahil sa gulat.

Napunit ang bagpack ko at natapon ang mga notebook at ballpen ko sa loob ng sasakyan.

Tumahimik siya at tinitigan naming dalawa ang mga gamit nang lumipat ito saakin. "Saan mo pinupunta lahat ng binibigay ko sayong allowance CATLEYA?" diniinan niya ang pagbanggit sa pangalan ko

Napapikit ako dahil ayoko sabihing iniipon ko lahat ng yun sa bangko. Kinagat ko ang labi ko at nahihiyang kinuha ang bag ko mula sa mga kamay niya na hinayaan lang akong kunin ito pabalik. Nakatingin lamang siya sakin habang pinupulot ko ang mga gamit kong nahulog.

Hindi ako nagsalita at lumabas na kaagad mula sakanyang kanyang kotse at patakbong pumunta sa elevator. Kaagad kong pinindot ang floor button dahil natatakot ako na baka bigla na naman niya akong sundan, nang magsara ang pintuan ay sumandal ako ako inis na tinignan ang mga gamit kong hawak-hawak ko. Very wrong timing.

Nang makalabas ako ay napadaan ako sa malaking trash bin at napatingin sa bagpack ko, since sira na rin, itatapon ko nalang, siguro oras na rin para bumili ng bago. This has been with me since noong 1st year college pa ako, at ngayong graduating na ako ay tsaka lang siya nasira.

I walked fast cause I had to rush, late na ako ng limang minuto because of what happened awhile ago sa parking lot. Napatigil ako nang may bigla akong nakita sa hallway ng second floor. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Eric habang kausap si Sir Fajardo! Sumilip ako at nakitang siya nga, nakatayo silang dalawa sa gilid habang nag-uusap. Mabuti nalang talaga at walang gaanong mga estudyante ngayon dahil lahat ay nasa kanya-kanyang klase na.

Tumalikod ako kaagad nang biglang tumingin dito sa itaas si Eric. Ano bang ginagawa niya dito?! at sa lahat talaga ng teacher na pwede niyang kausapin ay si Sir pa? kaagad kong kinuha ang cellphone ko at dali-daling nag-send ng message sakanya sa pinaka unang pagkakataon. Naiinip akong naghintay sakanyang reply nang sa wakas ay nabasa niya rin ito after 5 minutes.

[ Anong ginagawa mo dito? akala ko umalis ka na kanina? ]

Naiinip akong naghintay sakanyang reply nang sa wakas ay nabasa niya rin ito after 5 minutes. [ Why? are you worried that I might catch you for not using my surname? Miss Catleya FERRER. ]

Gulat akong napalingon nang masaktohang seryoso itong naka-tingin sakin mula sa ibaba nang biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Nalaman na niyang hindi ko ginagamit ang kanyang apeliedo.

A Politician's ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon