CHAPTER 7

3 1 0
                                    

Note: Grammatical errors

ILANG araw na lang ay midterms na namin kaya halos lahat kami ay nagsusunog-kilay. I decided to invite them na dito na mag review sa mansion at pumayag naman sila. Kumuha si Dad ng driver ko para hindi na maabala si Jerome sa trabaho niya pero minsan siya parin ang naghahatid-sundo sa'kin.

Nasa van kaming anim papunta sa mansion. Sumama ako sa pagsundo sa kanilang mga bahay para less waiting na. Last na sinundo namin ay si Keanne dahil medyo malayo ang bahay niya kumpara sa iba. Nang makarating sa gate ay agad iyon binuksan ng guard kaya pinapasok na ni manong ang sasakyan.

"Wow ang lawak naman ng villa niyo, Kia. First time kong makapunta" ani Freyja.

"Halos lahat naman tayo first time makapunta sa Lastimosa mansion, maliban kay Charity" ani Calix.

Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansion ay bumaba na kami at umakyat sa hagdan papunta sa pintuan. Binuksan iyon ng mga kasambahay at binati kami. Pagkapasok ay halos lahat sila pinupuri ang ganda ng mansion.

"Manang pwede po bang ipagluto kami ng meryenda?" sabi ko sa mayordoma.

"Anong meryenda ba ang gusto mo,Hija?" tanong nito.

"Lasagna, graham tas umm" nag-isip pa ako.

"Carbonara, Kia" ani Keanne at Cha.

"Sige" aniko. "Lasagna, graham at carbonara na lang po tsaka juice na lang sa inumin. Paki hatid na lang po sa library room"

"Sige, Hija" anito.

"Salamat po" sabi ko bago ito umalis.

Niyaya ko sila sa library room kaya umakyat kami ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng mansion.

"May library sa mansion nyo? Astig" anas ni Keanne.

"Oo, don kami tumambay ni Charity kapag nagrereview pero mas madalas sa kwarto ko" sabi ko.

Nang makarating sa pinto ng library ay agad ko iyon binuksan. Pagpasok pa lang ay amoy na agad ng mga libro ang bumungad. Pinaandar ko muna ang aircon at hinayaan silang libutin ang library.

"Ang lawak ng library mo, Kia. Triple ang laki nito sa library ng bahay namin" ani Samantha.

"Walang library sa bahay pero may gaming room lang" ani Keanne.

Nakapunta na kami sa bahay ni Keanne dati at oo may gaming room nga siya. Halatang mahilig sa online games at minsan nagl-live din. Famous streamer kasi ito, pareho sila ni Calix.

Nang magsawa ay umupo kami sa long table at nilabas ang mga librong at highlighter, gagamitin mag review. Walang ni isa ang nag-ingay sa'min dahil halos lahat ay fucos na fucos sa pag review.

I highlighted the important words and phrases na sa tingin ko ay lalabas sa exam. After I highlighted the important, I started to memorize it.

Maya-maya ay may kumatok at pumasok ang kasambahay bitbit ang mga meryendang pinaluto ko. Nilagyan nila kami ng kubyertos isa-isa at sa gitna nilagay ang mga pagkain at inumin. Nagpasalamat kami abago sila lumabas.

Habang nagr-review ay sinimulan naming lantakan ang mga pagkain. Muling may kumatok sa pinto at pumasok ang pinsan kong bagong ligo dahil sa basa nitong buhok. Napatigil sa pag review sina Freyja at Samantha at tulalang nakatingin kay Jerome.

"Did I disturb?" anito at ginulo ang buhok nito.

Umiling-iling naman ang dalawang tulala kaya napangiti naman ang pinsan ko na halata namang inaakit ang dalawa. Namula ang mukha ni Freyja at ganon din si Sam.

The Forbidden Love Where stories live. Discover now