CHAPTER 8

5 1 0
                                    

Note: Grammatical errors

NAGISING ako sa yugyog sa'kin ni Charity. Pagmulat ko ay nakita kong nakaligo na silang tatlo. It was 5:30 in the morning so I took a bath. May pasok pa kasi ngayon at bukas na ang midterms namin. Nakabalot pa ng tuwalya ang buhok namin ng lumabas kami ng kwarto. Kakalabas lang din ni Calix at Keanne kaya sabay-sabay kaming bumaba.

Pagkababa ay nakita ko si mama na nagkakape habang nakaupo sa couch at may hawak na cellphone.

"Good morning Tita Amelia" anila.

Napatingin si mama sa'min "Morning" tamad na tugon nito at binalik ang atensyon sa cellphone.

Nagtungo kami sa dining para kumain ng agahan. Naglagay ng utensils ang kasambahay kaya umupo kami at kumuha ng kanin. Bacon, ham, scrambled egg at nuggets ang ulam, kumuha ako ng tig kakaunti sa mga ito at nagsimulang kumain.

Matapos kumain ay bumalik kami ng kwarto para magsipilyo. Ako ang naunang matapos sa pag toothbrush kaya nagsuot na ako ng uniform. Naglagay lang ako ng kaunting makeup at hinintay silang matapos. Kumuha ako ng isa sa vitamins ko at nilunok iyon. Sinigurado ko munang naka lock ang sliding door sa veranda bago umalis.

Hinatid kami ng driver gamit ang van. Nagpunta muna kami sa bahay nila para ibalik ang mga gamit bago tumungo sa CLU.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng gate kaya nagsibabaan kami. Pagkapasok ay agad namin pinakita sa guard ang Id at pumasok na. Nagkakagulo ang mga estudyante lalo na't kasama namin si Calix at Keanne. Feel na feel naman ng mga mokong at nagawa pang magwave.

"Keanne, kailan ka muling magl-live stream?" tanong ng isa sa mga babae.

"Kapag matapos ang midterms" sagot naman nito.

"Calix paki shout out naman ako sa next mong stream" sigaw naman nong isa.

"I got you, babe" aniya sabay kindat. Nangisay naman ang babae sa kilig.

Napangiwi na lang kaming apat hanggang sa may biglang pumasok na sasakyan sa gate. I frown, akala ko ba bawal ang magparking dito. Even though mga teachers nga ay hindi nagpa-park dito. Lumabas si Bright na nasa driver seat at si Dwight naman ay mula sa front seat. Malapit sila sa pwesto namin kung saan sila nagpark. Halos lapitan na sila ng mga babae na parang isang diyos na sinasamba.

"Bakit dito sila nagpark?" I asked.

"Hindi mo alam?" tanong ni Sam sa'kin. "They own this University"

Ngayon ko lang nalaman na sila pala ang nagmamay-ari nito. Damn! Sinagot-sagot ko pa naman siya dati. I'm just lucky that he didn't kicked me out. Nagulat ako ng may biglang tumulak sa'kin na hindi ko kilala at kamuntikan na kong madapa ng may brasong pumulupot sa bewang ko.

Si Dwight.

"Be careful next time" He whispered on my ears. I know that he was smirking.

Naitulak ko siya at tumayo ng tuwid. My heart is beating so fast as I saw him staring at me. Rinig ko din ang bulong-bulungan ng iba. I started to get irritated so I walk away and I left my friends there.

"Good morning Kiara" bati ng mga lalaki na nakasalubong ko. I just nodded to them and continue walking until I reached our room.

As I sat down I can still feel his hot breath in my ears. Maya-maya pa ay pumasok na din ang lima habang nagtatawanan.

"Sana natisod din ako" ani Freyja.

"Ang landi mo" si Sam.

"Kiara, bakit ka nagwalk out?" ani Charity at umupo sa tabi ko.

"I just don't want the atmosphere there" sagot ko.

"Gagi, do you know that I'm so flattered when he catched you? Sana ako na lang yung itinulak" natawa si Freyja.

The Forbidden Love Where stories live. Discover now