" Ano ang katotohanan na hindi ko alam, Kiro? "
" Ipangako mo muna na hindi ka magagalit sa akin, Ate " saad niya
" Pangako kong hindi ako magagalit. " saad ko at tinaas ang kanan kong kamay.
" Anim kaming magkakapatid, Ate. Bunso ang kambal ko pero hindi lang kaming dalawa ang kambal sa pamilya. Ang sumunod sa panganay namin na Kuya ay kambal din. Ngunit nawala ang isa. " saad niya habang diretsyong nakatingin sa mata ko.
" Paanong nawala ang isa? " kunot noo kong tanong
" Nagkakagulo ang kaharian noong panahon na iyon. Dinukot ng mga rebelde ang bunsong anak ng Hari. Si Papá ang namumuno sa mga kawal pandigma kaya upang hindi sila mahabol ni Papá ay dinukot din ng mga kalaban ang isa sa kambal. Ngunit tinuloy ni Papá ang paghabol sa mga kalaban kahit na batid niya na nawawala ang isa sa kambal namin na kapatid. Naibalik ni Papá ang Prinsepe pero hindi ang kapatid namin. " patuloy ako sa pakikinig kay Kiro.
" Noong sinabi ko sa'yo na pupunta ako sa bayan upang bumili ng libro, hindi iyon totoo. Nagpadala ng sulat sa'kin ang Kuya. Dahil may ibibigay daw siya. Ang Kuya ko din ang dahilan kung bakit nagkagulo sa bayan. Pinakawalan niya ang mga bilanggo para hindi makita ng mga kalaban na makikipagkita ako sa kaniya. Ngunit sa kasamaang palad, nakita ako ng panganay kong kapatid. Dinala ako ng dalawa kong Kuya sa bahay namin at doon n'ya binigay ni Kuya Caleb ang isang kwintas. Ang sabi niya kapag naging kulay puti at umilaw ang perlas sa kwintas ibig sabihin ay malapit lang sa akin ang nawawala kong kapatid. " saad ni Kiro
Ang perlas daw ay iilaw at magiging kulay puti? Teka, nakita ko na yon ahh. Napatingin ako kay, Kiro. Tila hinihintay n'ya ang magiging reaksyon ko. Kung ganoon ay....
" Mag-kapatid tayo, Ate. Ikaw ang nawawala kong kapatid. " saad niya
Hindi ko namalayan ang sunod-sunod na pagbagsak ng aking luha. May kapatid ako? May pamilya ako sa buhay ko na ito? Hinahanap nila ako? Anong gagawin ko? Ayoko, ayoko, ayoko, isa silang aristokrat, ayoko sa kanila. Katulad lang sila ng ibang aristokrat, karangalan at kayamanan lang ang iniisip. Ipapakasal nila ako sa taong hindi ko kilala katulad ng ginagawa ng ibang aristokrat.
Nalunod ako sa sarili kong iniisip, hindi ko man lang napansin na umiiyak na si Kiro. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
" Ayaw mo sa akin, Ate? Magagawan ko naman ng paraan 'yan, wala na akong halaga sa pamilya namin. I will beg Papá to disown me, Ate. Please, don't hate me, Ate. " pagmamakaawa sa'kin ni Kiro.
Mas lalo akong nasaktan ng makita si Kiro na ganito. Anong ginawa nila sa kan'ya para magkaganito s'ya?
" I don't hate you, Kiro. Ate, loves you very much. Tahan na, nasasaktan ako pagnakikita ka na naiyak, hindi kita iiwan, Kiro. I promise... " saad ko habang pinupunasan ang mga luha ko
" Kapag nalaman nila na kasama kita kukunin ka nila sa akin Ate... " aniya habang na hikbi.
" Hindi ako sasama sa kanila, Kiro. Lalayo tayo sa kanila para hindi nila malaman. " saad ko habang yakap ko s'ya.
Humigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin. Tumagal ang aming pagyayakapan. Ang hirap pala patahanin ng kapatid ko...
Kinuwento n'ya sa akin ang lahat ng nangyari sa buhay n'ya simula nung bata s'ya. Nasabi n'ya kung paano s'ya tuksuhin ng mga batang Aristokrat noon dahil s'ya ang naiiba sa pamilya nila. Ngayon hindi na lang s'ya ang naiiba kasi parehas kaming kakaiba.
Marami akong nalaman sa pamilyang kinabibilangan namin. Ang kambal ko ay lalaki at ang pangalan niya ay Caleb Anthony. Ang panganay naman ay si Chase Oliver at ang sumunod sa'min ni Caleb ay si Beatrice May. Ang kambal naman ni Kiro ay si Aiden Luke.
Nagulat ako ng malaman na Marquess pala ang tatay namin. Dahil ang Marquess ang kanang kamay ng hari, alam ko na ang pangalan n'ya. Tungkol naman sa nanay namin ang nalaman ko ay siya ang gustong-gusto akong mahanap kahit walang kasiguruhan kung buhay ako. Ngunit, bakit ako ang hinahanap nila na walang kasiguruhan na buhay? Samantalang si Kiro na alam nilang buhay ay hindi nila hinanap. Nakakainis sila, ako na lang ang mag-aalaga kay Kiro.
Nalaman ko rin na malapit lang ang paaralan na papasukan ng mga kapatid namin sa Zabini Academy kaya kailangan kong mag-ingat kasi may kwintas din daw sila na may kakayahang malaman kung malapit ako. Nakakatakot naman iyon. Nagpatuloy ang pagkukuwento ni Kiro sa akin, sinabi n'ya ang dapat kong malaman bilang isang may dugong bughaw.
Ang Zabini Academy ay institusyong walang pinapanigan. Ang layunin lamang nito ay turuan maging isang ganap mga Mage ang mga walang kakayahan makapag-aral sa paaralan ng mahaharlika. Ngunit kahit na mababang aristokrat at pang karaniwang tao ang nag-aaral doon ay palagi pa rin silang nanalo tuwing nagkakaroon ng patimpalak kaya nababahala ang mga aristokrat. Dahil maaaring rebelde ang mga nasa Zabini Academy. Ngunit wala silang magagawa sa Zabini Academy. Dahil malaki ang utang na loob ng buong kaharian sa Zabini Academy at kahit subukan man nila itong kalabanin ay hindi sila mag-wawagi. Dahil halos lahat ng mga talentadong Mage ay mula sa Zabini Academy.
" Malalim na ang gabi, Kiro. Kailangan na natin matulog. " saad ko. Ginulo ko ang kaniyang buhok at tumayo.
" Aldrich Lian Pana " aniya sabay halik sa likod ng aking kamay.
I tilted my head and look at him.
" That's my real name, Ate. You should start calling me in my real name. Ang totoong pangalan ko ang kailangan kong gamitin kapag pumasok na tayo sa Zabini Academy " saad niya
" Ano ang tawag nila sa'yo? " tanong ko. Halata sa mukha niya na hindi niya maintindihan kung bakit ko tinanong iyon. " Ano ang tawag sayo ng mga kapatid natin sayo? "
" Lian, ang tawag nila sa akin. " aniya
" Then, I'll call you Al. " saad ko
" Al? " kunot noo niyang tanong
" Pinaikli ng Aldrich ay Al. " saad ko, napatango naman siya..
Hinatid ako ni Al sa kwarto ko pero ayaw n'ya umalis. Mas nauna pa nga siya mahiga sa'kin.
" Hoy, bumalik ka sa kwarto mo. " kunot noo kong saad.
Napansin kong tulog na s'ya kaya hinayaan ko na lang. Tinabihan ko s'ya at kinumutan. Bago ko ipikit aking mata ay tinitigan ko mabuti si Al at inayos ang kumot niya.
" Ngayon alam ko na kung bakit gwapo ka. " bulong ko sa sarili ko. Gwapo siya kasi ako ang Ate n'ya. Ang ganda ng pinagmanahan mo.
YOU ARE READING
Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess Family
FantasyTagLish Currently in Hiatus [Photo is not mine. Credit to the rightful owner]