"Lahat ba ito kuha mo?" tanong nitong kaharap ko na si Parker.
Kasakuluyan kaming magkaharap ngayon sa coffee shop na sinasabi niya habang tinitingnan ang DSLR ko na kinuha namin kanina sa org.
Nagpasama muna ako sakanya na kunin ang camera bago dumiretso dito dahil naiwan ko nga pala ito doon last time.
Buti na lang walang kumuha.
"Yup. Need improvement no?"tanong ko sakanya pagkatapos kinain ang ensaymada na libre niya.
Yes, libre niya niya lahat ng kinakain ko ngayon.
I insist na magbayad, pero hindi raw.
"But not bad for beginner like you. Super ganda nga ng shot mo" pangbobola naman niya at halatang tutok na tutok sa camera ko.
Sus.
Hindi ko mapigilan na sulyapan ang buong paligid dahil maliban sa bago sa paningin, sobrang cute ng lugar na ito at maliit lang. Sakto lang ang dumadayo at parang 'di pa nga alam ng karamihan.
"Hindi ba sabi mo may org kayo, malamang may mga seminars 'yon for this. If you want maging super galing sa buong mundo, pwede ka naman mag-aral for that" saad niya habang busy pa rin sa pagkalikot sa camera ko.
"Busy pa ang coordinators ng org at 'di naman mayaman org namin. Kailangan ng pundo syempre." paliwanag ko dahilan para tumingin siya sa akin.
May kakaiba sa tingin niya ngunit hindi ko na ito pinansin.
Well, para magkaroon ng mga ganong projects, kailangan ng matinding pagsuyo sa administration, at hindi naman talaga pera ang kailangan. Backer.
"Apply kayo for fund.... sa president" napunto naman ni Parker ang sagot pero hindi ko mapigilang mapangiti kasabay ng pag-iling.
Sa kahit anong sabihin niya, may rason ako.
"Naitatambak lang sa desk dahil daw sa daming ginagawa ng president. Sayang no?" paliwanag ko naman.
Hindi ko naman masisi ang nasa higher chairs for that. Hindi ko alam kung ilang mga meeting and gatherings ang ina-attendan nila sa isang araw. Those things can really wait naman siguro pero minsan unfair lang din.
Kung sino ang malapit na member ng faculty, naaasikaso agad.
"Matagal mo nang gusto 'to?" tanong naman niya.
Tumango lang ako sakanya.
Dati paaaa. Naalala ko pa na iniyakan ko ito kay mama at noong nabilhan ng camera, sobrang tuwa ko sa puntong pwede na ako mamatay.
"Hays, dream" yun lang ang binanggit ko pero mukhang nakuha naman ni Parker ang pinupunto ko.
Lahat naman tayo may gustong gawin kung hindi lang nag ma-matter ang pera, opinyon, at sasabihin ng ibang tao.
Minsan kaya natinn sundin yung gusto natin, kaso may mga bagay talaga na pipigil sa atin.
And maybe, hindi talaga para sa atin.
YOU ARE READING
It Didn't End With A Happy Ending
Acak"Believe me is I say that it didn't end with a happy ending."