Kumusta na nga ba ang puso mo?
Sa mga sama ng loob na ibinigay sayo ng ibang tao
Kumusta na nga ba ang puso mo?
Sa sunod-sunod na problemang dinaranas mo at sa galit sayo ng mundo
Sana ay mahanap mo na ang kapanatagan
Sa mga bagyong sumasalanta sa iyong isipan
Sana unti-unti nang maghilom ang mga peklat na naging marka ng iyong paglaban
Upang kasiyahan ay muli mo na ring makamtan
Salamat sa pananatiling matatag
Sa paglaban kahit mahirap
Salamat sa hindi mo pagsuko
Nawa'y makamit mo na ang mga pangarap na palaging pinagdarasal ng iyong puso
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga Tula
PoetryNais kong maging malaya sa aking mga tula Iba't ibang klase ng damdamin ang nais kong iparating Nawa'y inyo sanang basahin Ang mga katagang nais kong sabihin