The Book.

5 0 0
                                    

sorry for the grammatical errors ahead, have fun crying.
taglish but more on filipino words, and have a lil bit of Spanish.

Bawat pag patak ng oras, siya ring kumukupas ang mga bagay sa kasalukuyan, sa bawat pagikot ng mundo, mga bagay ay maaaring maglaho, sa pagdaan ng panahon, sa paghakbang ng ating mga paa, tayo'y nagbabago, maging mga bagay sa mundo.

Hinakbang ko ang aking kanang paa, sa mundong punong-puno ng walang kasiguraduhan, tila ba'y sa'king bawat paghakbang, mundo'y s'ya akong pinagmamasdan, aking sinulyapan ang ibabaw, mga ibon na kay sayang kumanta, maging mga ulap ay napapasayaw sa kasiyahang dala ng mga ibon, napatanong sa sarili, ano kaya ang mayroon sa likod ng mga ulap na nagmamasid sa'tin? sa kalangitan na kung saan tayo'y nanggaling?

"Napaka misteryoso, ngunit ito'y napaka gandang misteryo."

Sa pag-ihip ng hangin, dala ang buhok kong nakikipaglaban sa malakas na hangin, maging katawan ko'y kalaban ang init ng panahon, napakataas ng temperatura ng pinas, akala mo'y lulutuin tayo nito ng buhay, sa pagbagsak nang aking hininga'y, siya ring libro'y bumagsak sa'king harapan, sumulyap ako sa misteryosong lalaking tumakbo paalis, iniwan ang librong kay luma kung titingnan. Akin itong pinulot at tinitigan, mga salitang nakaukit, ay hindi ko kinagisnan. Anong nais nitong ipahayag? Isipan ay binalot ng katanungan, puso'y binalot ng kasiyahan, sapagkat– may misteryosong nilalang ang nagiwan nang misteryo sa aking harapan.

Sa'king paguwi, akin itong muling tinitigan, aking inihiga ang katawan sa kama at hinayaang balutin ako ng mga katanungan, anong salita ang nakaukit? anong lengwahe ang ginamit? sino ang sumulat? tumayo ako't umupo sa upuan, balot nang katanungan, akin itong binuksan. Sa unang pahina'y nakasulat ang mga salitang lalong nagtulak sa'kin upang ito'y basahin.

Almas Conectadas.

“puso'y dalawa, ngunit tinitibok ay iisa,
kaluluwa'y aking isasakripisyo, para sa'ting dalawa,
handang libutin ang mundo, mahanap ka lamang.,
akin kitang mamahalin, maging sa aking susunod na buhay.
sa mundong ito na puno ng walang kasiguraduhan, handa akong hintayin ka't hanapin, mayakap ka lamang sinta–”

Sa pag hawak ko ng susunod na pahina, liwanag ang aking nakita, parang akong hinihigop nito papunta sa kan'ya, ipinikit ko ang aking mga mata, ngunit sa pagmulat ay nabigla ako sa'king nakita, lugar na kung saan ako'y hindi pamilyar. Inilibot ko ang aking tingin, mga bagay ay luma na kumpara sa aking kinagisnan, maging mga damit ng mga tao sa bayan na ito, ay kakaiba. Mga kabayo na buhat buhat ang mga kalesa, mga damit ng mga tao'y mahaba, na parang saya, nasaan ako? hindi ko maintindihan, ang libro– ako'y hinigop ba nito? sa isang istorya, isang istorya na hindi ako ang bida, ngunit sino nga ba ang bida sa loob ng librong ito? hindi ko mawari.

Sa pagmamasid, nabigla ang mga mata sa nakita, mga tao'y naglinya't nagiwan nang espasyo sa gitna, mga tao'y tahimik sa pag daan ng isang gintong kalesa, sa pagtataka'y akin itong nilapitan.
Bumaba ang isang ginoo mula sa kalesa, mukha niya'y napakaseryoso, maging tikas ng katawan ay halatang siya'y matapang at palaban, malamig ang dating, aura'y napakadilim.

Abong mga mata, matalim na mga tingin, labi'y kulay rosas, hindi kakapalan na mga kilay, mata'y ka'y singkit, ilong na kay tangos, sino nga ba sya sa istoryang ito? prinsipe? o hindi kaya'y anak ng isang kriminal, aking mga labi'y ngumiti, dahil sa kabaliwang naisip. Ngunit, mga mata'y nagulat, maging katawan ay inasahan ang kilos nito, may parang humila sa'kin papunta rito, sa gilid ng ginoo. sa gulat ko'y, ako ay napaatras, bulungan ang aking mga narinig, ako sumulyap sa ginoong nasa aking harapan, mga mata'y matalim na nakatingin sa'king ginawang kabaliwan. Sinulyapan ang aking daliri, tila dito'y may nakatali.. at ako'y hinila papunta sa kaniya.

"quién eres?" ha? ako ba'y kaniyang minura? boses niya'y kay lamig.. gulat ko'y, ako ay napayuko, ano ang kaniyang isinambit?
Nakaramdam ako ng mga presensya sa aking likod, mga ginoong kakaiba ang suot, guwardiya? parang nakita ko na ito noon, oo! mga kastila, pero saglit! ako ba'y kanilang ikukulong?? ano ba naman itong aking pinasok? maaari niyo na akong lamunin, mahiwagang daan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nuestras Almas Conectadas.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon