CHAPTER 7
Ganito
Pagdating ko sa classroom, naka kumpol sila Kat, Donovan, at Gavin sa upuan ni Karim. Agad na kumaway sa akin si Kat nang makita niya ang pagpasok ko at kumaripas ng takbo palapit sa akin.
"Your secret admirer gave you flowers and chocolates!" Kinikilig niyang sabi at tumuro sa lamesa ko.
Kung hindi pa ako hinila ni Kat, nabato na ako sa kinatatayuan ko nang makita ko nga ang lamesa ko. May isang tangkay ng rosas doon at pa-heart na case ng chocolates.
Nang lapitan ko iyon, may nakaipit ding papel sa ilalim ng tsokolate. Binaba ko muna ang bag ko sa gilid ng upuan bago iyon binasa.
I hope I picked your favorite flower and if you haven't tasted these chocolates, try it! This is one of my favorites.
Mike.
Wala sa sariling napangiti ako. Hindi ko man siya kilala pero na-a-appreciate ko itong mga binigay niya.
"Uy, ngumingiti si Phoebe!" Kantiyaw ni Gavin at lumapit sa akin, kasunod niya sina Donovan at Karim.
"Crush mo na?" Si Donovan at nakangising humilig sa upuan ng kaharap ko.
"Masaya lang ako..." ngumuso ako.
Wala pang nakakagawa sa akin nito bukod kay papa.
"Ang corny nga, eh! Very traditional yung panliligaw," si Kat.
"Corny ba?" Tanong ni Karim na nakapatong ang siko sa balikat ni Donovan.
"Hindi... ang thoughtful niya..." bumaba ulit ang mata ko sa lamesa ko, binuksan yung lagayan ng chocolates at kumuha ng isa. "Gusto kong malaman kung sino siya para makapag thank you naman ako."
"Ang tanong, magpapakilala ba 'yan?" Nagpamaywang si Gavin.
"Karim, buti nandyan ka na! I-check mo nga 'to. Okay na ba 'to?" May lalaking kaklase na kapapasok lang ng classroom.
Napakamot sa batok si Karim at lumapit doon sa lalaki.
"Ganito... if he doesn't expose himself before Christmas break, huwag mo na ever bigyan ng chance. Just a suggestion! Don't get me wrong! Kasi naman, if he really wants you, he'll show up! If he's scared like what he said sa first letter, then maybe you're not worthy para i-set aside niya yung fears niya for you."
Tumango ako. May point naman din si Kat. Paano ko rin sasagutin kung hindi ko naman alam yung tunay na pangalan at hindi ko nakikita kung sino?
"That's fair," tumango si Donovan. "But the decision lies with you, Pheebs. Ano, game ka ba sa suggestion ni Kat?"
"Hmm..." hinaplos ko yung petals ng rosas.
"Ano, Pheebs?" Si Gavin na pinatong ang siko sa balikat ni Donovan.
"Sige, ganoon na nga. Paano ko rin magiging boyfriend kung hindi ko naman kilala?"
"Boyfriend?" Nanlaki ang mga mata ni Gavin. "Gagawin mong boyfriend?"
"Hindi ko alam... kapag nagustuhan ko siguro?"
Huminga nang malalim si Gavin at tumango, sinulyapan si Donovan.
Subject bago yung lunch, nakaramdam ako ng sakit ng tiyan. Nakahawak na lang ako sa tiyan ko habang pinipilit ang sariling makinig sa lessons.
Inisip ko yung mga kinain ko kanina. Yung sandwich na may egg, cheese, at bacon na bigay ni Karim palang naman. Maraming beses na rin niya akong binigyan ng tinapay na ganyan ang palaman pero ngayon lang din nangyari ito.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...