Paglapat ng mga mata sayo nakita,
Pagbabago na aking nadarama.
Pag-asang muling makikita,
Ang saya sa iyong mga Mata.
Ang pag-ibig ay sadyang kay pait,
Puso mo naman ay magigipit.
Sa patalim na lalong ipinipihit,
Bagkus bulag kayat pinipilit.
Pag-ibig na hindi kayang ipadama,
Isinulat sa isang pirasong pahina.
Mga katagang iyong nais ipatama,
Sa puso niyang puno ng pagdududa.
Hindi napagod sa lahat ng gawin,
Kasalanan niya ay nais patawarin.
Panahon na iyong gugugulin,
Sisirain ng matalas na patalim.
Tulang isinulat sa kapirasong pahina,
Ninanais mo na kanyang mabasa.
Pag-ibig na hirap mong maipadama,
Sa kapirasong pahina ito'y inlathala.