"Ma'am Eya..."
1
"Bumangon na po kayo at maaga pa ho kayo sa interview."
2
"Ma'am Eya...."
3
"Ma'am Eya...."
4
Dahan dahan na tawag sa 'kin ng kasambahay. She's stopping herself from yelling at the back of the door. Maybe she's been knocking on my door for a while now that's why.
Kumatok pa ulit ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto ko ang isa sa mga kasambahay namin.
"Ma'am Eya...."
5
Apat na beses akong tinawag at isang rason kung bakit ako kinakatok. Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ko at tumambad sa 'kin ang nagulat na si Yaya Nilda.
"Pasensya ka na Ma'am."
Dumungaw sya sa kuwarto ko. Nagkaron sya ng chance masilip 'yon dahil malaki ang pagkakabukas ko ng pintuan.
She's checking my room if it's clean. I know that. She always does that. Not only her, some of my other yaya do that. When she was satisfied how my room was clean and neat she looked back at me and smiled as if she was very proud of me.
"Nako..." she tsked. "batang ito talaga. Dapat iniwan mo na sa 'min ang paglinis ng kwarto mo. Alam kong gising ka na kanina pa at naglilinis ka lang ng kuwarto habang tinatawag kita."
Tama s'ya at ayoko.
I don't want when someone else is touching my things and I don't want someone entering my room besides, ayoko na dumagdag pa sa trabaho nila. I'm already 23 years old. I can handle myself. I am old enough to be dependent and rely on them.
"Okay yaya Nilda."
Iyon na lamang ang sinabi ko at ayoko na makipagtalo dahil hahaba lang ang usapan.
"Okay Yaya... okay yaya," she mocked me. "Pero hindi mo naman kami hinahayaan linisin ang kwarto mo. Malalagot kami kay mama mo." She whispered the last words. kumunot ang noo ko. Bakit naman sila malalagot? Bago pa ako makapagsalita ay inunahan nya na ako.
"Oh s'ya sige na! Mag breakfast na raw kayo sa baba at kanina ka pa hinihintay ng magulang mo roon."
"Okay."
Hinintay ko muna si Yaya Nilda umalis sa harap ko bago ko sinara ang pintuan. I checked my room once again to see if may hindi ako naayos. Nang makita ko ang laylayan ng kumot ko sa dulo ng kama ko na medyo may lukot ay kaagad kong kinuha ang steam iron ko at lumuhod doon.
After a while niligpit ko at binalik sa lalagyanan ang steam iron. Pinagpag ko ang suot kong pajama bago lumabas ng kwarto at bumaba para sa umagahan.
It's already 5:30 in the morning at may kaunting liwanag na sa labas. Ganito kami sa bahay every weekdays especially Monday ngayon. Maaga ang work ng magulang ko. Ako naman ay pupunta ng interview para sa papasukin kong trabaho.
Rinig ko ang boses ni mama sa sala pa lang. Mas lumakas 'yon nang pumasok ako sa dinning area. May kausap sya sa telepono nya at sa tingin ko ay tungkol ito sa trabaho. Nakakunot ang noo at halos sabunutan nya na ang sarili n'yang buhok. She was wearing her usual corporate clothes.
On the other hand, my father is seated in the middle of the 12 seater table, who's currently browsing his Ipad, also wearing his corporate clothes. Nililingon at hinahawakan niya ang kamay ni mama kapag tumataas ang boses nito. Pinapakalma nya si mama.
