Chapter 18: History

164 23 4
                                    

History

────⊱🥀⊰────

Kianna's Point Of View

"Ayos ka lang ba talaga?" sabay na tanong ni Rae at Jaden.

Napabuntong hininga ako. 

"Pang ilang tanong niyo na 'yan" puna ko sa kanila habang patuloy pa rin kami sa paglalakad papuntang Memoir Building.

"Kanina ka pa kasi tahimik" kamot-batok na sabi ni Rae.

"Huwag mo masyadong dibdibin 'yong sinabi ni Zyko. Sadyang uminit lang ang ulo niya dahil hindi siya nakabawi roon sa Garciang iyon" pagtatanggol ni Jaden kay Zyko.

"So nagalit siya dahil hindi siya nakabawi sa suntok na ibinigay ni..." natigilan ako. Hindi ko pwedeng banggitin ang pangalan ni Kieth dahil magtataka sila kung bakit ko siya kilala.  "...iyong Garciang sinasabi mo?" tanong ko.

Tumango si Jaden. "Hindi para bumawi sa panununtok sa kanya, kun'di para makabawi sa panununtok ng Kiethong na 'yon sa kaibigan namin." sabi ni Jaden.

Nangunot ang noo ko.

"Kiethong?" takang tanong ko.

"Oo. Kiethong ang pangalan non." may bahid ng pangungutya ang tono ng pananalita ni Jaden habang sinasabi iyon.

Kung hindi ko lang kilala si Kieth ay malamang sa malamang na maniniwala ako sa sinasabi nitong si Jaden.

"Tong, tong, tong, tong, paKiethong-Kiethong
Alimango na Garcia
Pikunin at masungit
Mahirap mahuli
Sapagkat nanununtok!" Kanta ni Rae. 

Napailing-iling ako at malakas siyang binatukan. 

"Aray! Para saan 'yon?" mangiyak-iyak niyang tanong sa'kin.

"Sintunado kang kumanta. Sakit sa tenga" puna ko na siyang ikinatawa ng malakas ni Jaden.

Napakamot na lang si Rae sa batok niya dahil sa sinabi ko. 

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila. Natigilan naman silang dalawa sa paglalakad at takang napatingin sa'kin ng mapansin nilang tumigil ako sa paglalakad.

"Pero bakit magagalit sa'kin si Zyko? Inawat ko lang naman sila para hindi na lumala 'yong away nila kanina" inis na sambit ko.

"Ayaw niya kasi talagang pinipigilan o inuutusan siya. Hindi niya rin gawaing makinig sa utos ng iba dahil sarili niya lang ang sinusunod niya." sambit ni Rae.

Pero tumigil naman siya noong sinabi kong itigil na nila ang ginagawa nila dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon...

Pero sa tingin ko, tumigil lang siya dahil umalis na rin ang kaaway niya, sina Kieth.

"Emrys" Tawag sa'kin ni Jaden. Napatingin ako sa kanya pero natigilan ako nang makitang seryoso ang kanyang mukha.

"Beware of the Garcias." Seryosong babala niya sa'kin.

Taka ko siyang nilingon.

"Bakit?"

"They are dangerous." seryosong sambit ni Rae.

Kinabahan ako bigla sa paraan ng pagseryoso nilang dalawa. Madalang ko lang kasi sila makitang ganito ka seryoso.

"Don't ever get involved with them. I swear that they'll only make your life a living hell." dagdag pa ni Jaden.

The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)Where stories live. Discover now