Chapter 8

79 1 0
                                    

CHAPTER 8

Aso

Ang last class namin sa tuwing Fridays ay ang PE. Naka-dalawang rundown lang kami ng steps na tinuro pagkabalik ng teacher pagkatapos ay dinismiss na rin. May sampung minutong nilalaan para makapagfreshen up pa ang mga estudyante.

Dahil may usapang pagkatapos ng klase ay pupunta sa Mall of Asia para i-celebrate namin ang birthday ni Karim, kinuha ko na ring pagkakataon iyon para magbihis ng t-shirt at pantalon. Sa loob na rin ako ng cubicle nagpulbos at nagsuklay ng buhok. Tinali ko pa para mapreskuhan naman ako.

Pagkalabas ko ng cubicle, naroon pala si Ariana at ang tatlo niyang kaibigan. Natigil sila sa pag uusap. Nagtinginan ang mga kaibigan niya habang sinusundan naman niya ako ng tingin mula sa salamin.

Nginitian ko lang siya nang maliit at lumabas na rin ng banyo. Kamuntikan pa akong mapatalon nang makita ko si Karim na naghihintay sa tabi lang ng ladies' CR.

"N-Nandyan ka pala..." napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Did I startle you? I'm sorry," marahan niyang sabi at tinago ang cellphone sa bulsa.

Tulad ko, nakabihis na rin siya ng casual attire niya.

"Si Gavin pala?" Tanong ko at nilibot ang tingin.

"He's refilling his jug. Ikaw, are you well-hydrated?"

"Ah, hindi pa ako nakakainom. Inuna ko kasi yung pagbibihis."

Tinanggal ko sa pagkakasabit sa balikat ko ang aking bag at hinanap doon ang bote ng tubig. Napanguso ako at pinakita sa kanya iyon.

"Magrerefill lang din ako."

"Huwag na. Ito na," aniya at yumuko para buksan ang bag.

Nilabas niya roon ang malaki niyang tumbler na kapag natumba ay mayayanig ang buong silid dahil sa ingay noong metal.

"Kaka-refill ko lang din niyan."

"Ha? Pwede naman akong magrefill—"

"Malayo yung drinking fountain."

Oo nga. Nasa fourth floor kami at nasa third floor yung drinking fountain.

"Okay lang! Bababa rin naman tayo—"

"Just drink from here..." mas nilapit niya sa akin ang inumin niya, "...O nandidiri ka sa laway ko?"

"Excuse me!"

Agad akong napatabi dahil sa nagsalita sa likod ko, pero tumama na ako sa dibdib ni Karim. Humawak agad siya sa braso ko, pinipigilan akong matumba.

Si Ariana at ang mga kaibigan niya. Magkasalubong na naman ang kilay niyang tumingin sa akin at sa kamay ni Karim na nasa braso ko.

"S-Sorry..." mahinang sabi ko.

Nang lumipat kay Karim ang tingin niya, lumamlam ang mga mata niya. Umayos naman na ako ng tayo at pinasok sa bag ko ang wala nang lamang bote.

"Karim, thanks for helping me with the steps kanina, ha? Medyo nalilito rin ako sa tinuturo ni ma'am."

Tumango lang sa kanya si Karim at bumalik sa akin ang tingin niya. Nilahad ulit niya ang kanyang inumin.

"Pheebs..."

Tumikhim si Ariana, "Bye, Karim!"

Isang tango lang ulit ang binigay sa kanya at tumingin sa likod ni Ariana. "May dadaan," malamig niyang sabi.

"Oh!" Humagikhik si Ariana at tumabi, halos magdikit na sila ni Karim.

Umatras si Karim at pumuwesto sa likuran ko mismo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magsiksikan pa kaming tatlo rito?

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon