CHAPTER 9
Puberty
"Mama, ito po, o!"
Inabot ko sa kanya ang mga litratong kuha namin sa photobooth. Ngiting ngiti naman si mama habang pinagmamasdan niya iyon, lalo na ako. Bumabalik sa akin ang mga ginawa namin kanina, mga asaran, at kung gaano talagang kasaya na kasama ko sila habang nasa Timezone kami, nagra-rides, at kahit noong kumain kami sa Korean Barbecue House.
"Mukhang nag enjoy talaga ang anak ko, ha?" Masayang sabi ni mama. "Kitang kita sa mga mata mo, 'nak."
Tumango ako at binalikan ang pictures. "Sobra po, mama. Salamat po, pinayagan niyo ako."
"Anak kita kaya alam ko kung saan ka malulungkot at kung saan ka sasaya. Bakit hindi kita papayagang maranasang maging masaya kasama ang mga kaibigan mo? Basta lang ay hindi ka mapapahamak, kahit ano pa iyan, papayag ako. Gusto kong masaya palagi ang unica hija ko."
Buong weekend, nagtagal pa yung mga alaala na kasama ko ang mga kaibigan sa Mall of Asia sa utak ko. Lalo na yung mga interaction namin ni Karim. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako noong tinuruan niya akong sumayaw noong PE, yung mga paghawak niya sa akin, yung inalukan niya akong uminom sa tumbler niya, yung sa akin siya tumatabi at sumama noong nasa mall, at partida ang maalala kung paano niya ako tingnan at ngitian.
Natatawa na lang si mama at tinatawag ako dahil nahuhuli niyang nangingiti ako. Dahil ngayon lang din naman nangyari sa akin ito. Ngumingiti na ako habang nagpa-plantsa, naglalaba, naghuhugas ng mga pinggan, at kahit ang pagsasandok ng kanin.
But that ended quickly when it dawned on me that it was already Monday. Maaga kaming nagising muli ni mama at gumayak para hindi kami ma-late kung punuan ang mga jeep.
Kinakabahan ako dahil baka magbago na yung tingin ni Karim sa akin. Tulog naman si Katianna noon kaya hindi rin niya alam, wala rin si Donovan at Gavin. Pero may posibilidad na sabihin ni Karim sa kanila.
"Phoebe, ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Pagkasarado ng pinto ni mama ay napansin niya ang pagiging aligaga ko.
"Okay lang po ako, ma."
Pinakiramdaman niya ang noo at leeg ko. "Sigurado ka ba?"
"Opo. Tayo na, mama. Baka ma-late pa tayo."
Kung iiwasan na nga talaga nila ako, maiintindihan ko. Masasaktan ako, syempre, pero naiintindihan ko. Sino ba kasing may gustong makipagkaibigan sa tulad ko? Lalo na kung mayaman kagaya nila?
Nakatungo ako habang naglalakad paakyat sa building namin. Nakahawak lang ako nang mahigpit sa strap ng bag ko, hinahanda ang sarili sa oras na makita ko na sila Karim.
"Phoebe!"
Napaangat ang tingin ko. Si Jeremiah, kasama ng mga kaibigan niya ang nakabungad sa classroom namin.
"Kumusta ang weekend?" Tanong niya.
"Maayos naman! Nagreview lang ako at gawaing bahay. Ikaw?"
Natawa siya at dahil kinakausap ko siya, sinundan ko siya noong lumayo siya nang kaunti sa mga kaibigan.
"Ang productive mo naman! Pumunta sa bahay yung mga pinsan ko kaya naglaro lang kami ng PS5."
"Hmm..." tinanguan ko siya at ngumiti nang malapad, "Mukhang masaya 'yon, ah?"
Somehow, I'm feeling a bit lighter. Kinakausap ako ni Jeremiah nang ganito, na parang interesado talaga siya. Ibig sabihin ba nito, kaibigan na rin ang trato niya sa akin? Madadagdagan ang mga kaibigan ko!
"Hindi ka ba naglalaro ng PS5? Sabagay, hindi naman lahat ng babae, naglalaro—"
"Pheebs!"
Napalingon ako sa classroom at nakitang kumakaway si Kat sa akin.

BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...