BEAT: 3

4 0 0
                                    


"Celestine," tawag niya ulit sa akin. "Hi."

I swear the awkwardness would make me laugh right now, but I can't even bring myself to smile at him. Hindi ako nakapag-ready ng speech, akala ko hindi ko na siya makikita ulit. His life should be happy by now.

Tinitigan ko lang siya. I feel a big lump in my throat that I can't take out. He still had that mullet hairstyle na sinasabi niyang hindi na niya babaguhin dahil nagustuhan niya agad ito nung unang beses na magpagupit siya. Pero parang mas mahaba na ang length kumpara noon.

Gwapo pa rin siya.

"Celeste!" Tumakbo si Jane at pumagitna saming dalawa kaya umatras ng kaunti si Gray. She kept on signalling something with her eye bago siya tumalikod sa'kin. Huh? Ano raw? Morse code ba 'yon o may alikabok sa mata niya?

"Sino ka? Paparazzi? Stalker? Anong ginagawa mo?" sunod-sunod na tanong ni Jane kaya humawak ako sa braso niya. Gray can't answer immediately dahil parang nagulantang pa ito sa nangyari. Of course, may lumitaw ba naman na 'di mo kilala tapos aakusahan kang stalker.

"Jane. Kakilala ko siya." Hinila ko papunta sa tabi ko ang babae at kumapit sa braso niya. "An old acquaintance."

Mas lalong hindi nakagalaw si Gray nung sabihin ko 'yon. But after awhile he gave us a small smile, as if composed na siya.

"Sorry. I'm Gray Barcelona. Photographer ako nung event ng Abys. Nakita ko lang si Celestine," page-explain niya kay Jane at inabot ang kamay niya. Hindi naman nakapalag si Jane dahil siniko ko siya sa tagiliran. She introduced herself too at nakipagkamay rin.

"Ang bilis mo namang tumakbo, pre!"

Bumasag sa katahimikan ang isang lalaki na tumatakbo papunta sa amin. He stopped and was trying to catch his breath bago ipinatong na kamay sa balikat ni Gray. He's the guy who was giving away the iced coffees.

"Hinahanap ka...nung...staff," hinihingal na sambit niya kay Gray at nakaturo pa sa likod niya. Tila hindi niya pa kami napapansin kaya naman pabalik-balik ang tingin ni Gray sa kanya at sa amin.

"Tara, balik na tayo," aya nito sa lalaki bago bumalik ang mga mata sa'kin. "Nice seeing you again, Celestine."

He's still mentioning my name as if it's fragile and soft.

"Aba? May babae pala ah! Hahaha!"

"G@go! Tumahimik ka nga!"

Nauna na silang bumalik sa venue at kami naman ni Jane ay nakatayo pa rin sa pwesto namin. Pagtapos nilang mawala sa paningin namin ay saka ko lang namalayang kanina pa ako nagpipigil ng paghinga.

"Gusto mo na bang umuwi?" Jane asked, trying to weigh the situation. "Papuntahin ko lang si Kuya Marlon dito tapos kukunin ko mga gamit mo."

Tumango nalang ako kay Jane at hindi na nagsalita pa. Na-drain agad ako sa mga nangyari, at hindi ako maka-keep up. I don't know what to do right now. I need my sister.

"Jane, pupunta ako kay Elise," paalam ko sa kanya nang makasakay na kami sa kotse. She glanced at me for a second bago niya sinabi 'yon kay Kuya Marlon. Hindi na rin siya nag-usisa pa tungkol kay Gray at laking pasasalamat ko nalang. Wala ako sa mood mag-kwento sa kanya ngayon.

She looked like she was enjoying the show, tho. Sana lang ay hindi ko nasira ang mood niya.

After almost an hour, tumigil na ang andar ng kotse. Tinanggal ko ang seatbelt ko at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kotse. Jane reminded me to call her or Kuya Marlon kung uuwi na ako. Doon lang din naman sila sa katabing kainan tatambay habang naghihintay sa'kin. Sabi ko nga dati ay sumama nalang sila sa'kin pero ayaw nila.

Escaping Discorded BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon