CHAPTER 4

20 6 0
                                    

"Sabi ko na nga ba dadating ka" Masayang salubong sakin ni Stef na naghihintay sa labas ng bahay nila.

"Hindi ikaw pinunta ko rito 'no" Mainit naman na salubong ko sa kanya.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit siya yung napapa-buntongan ko ng galit eh.

Hindi ko rin maintindihan sarili ko kung bakit nakikita ko siya ay naalala ko lang pagkawala nang magulang ko. Siguro nung araw na pina-alala niya sakin kung ano ba ang nangyari nung gabing yun.

Isa pa, ayoko sa mga taong makukulit at gumugulo sa buhay ko.

"Ang harsh mo lagi sakin" Pagrereklamo niya kaya inirapan ko nalang ito at pumasok nalang.

"Ate Bhea your back!" Tumakbo sakin at agad na niyakan kaya niyakap ko ito pabalik at yumuko upang magkasing tangkad na kami.

"Kumusta ka?" Nakangiting tanong ko sa kanya habang ginugulo ng kaunti ang buhok niya.

Kung gaano kabigat ang pakiramdam ko kay Stef ay siyang kagaan naman ng pakiramdam ko sa kanyang kapatid.

"Okay lang naman po, ikaw po ba ate?" Napa cute niya magsalita.

"Okay lang din, ilang taon kana pala?" Tanong ko.

"Six po"

"Sige na, kumain na kayo rito" Tugon sa amin ng mama nila na naghahanda ng mga pagkain sa hapag kasama si ate Dianna.

"Good evening po..." Pagtigil ko habang palapit na kami sa kanila kasi hindi ko pa alam ang pangalan niya eh.

"Tita Linda, yan nalang ang itawag mo sakin. Buti naman dumating ka, kala ko hindi na eh" Aniya.

I smiled at her and turned to Stef to glare at him.

"Sige na maupo na kayo" Sumunod naman kami.

Pabilog ang mesa nila kaya ang lapit lang namin sa isa't-isa. Tumabi ako kay Princess at kay ate Dianna, si Stef naman ay katabi ang mama niya.

Ate Dianna was wearing eyeglasses, and she now looks like a professor, unlike then. Mas gusto ko ang aura niya ngayon dahil sa suot niyang salamin. Mukha siya terror na prof pero maganda.

"Uhm! Sa nangyari po pal-" Hindi na ako pinatapos magsalita ni Tita Linda nang magsalita ito.

"Naku, kalimutan mo na yon. Wala lang yon samin. Kumain nalang tayo" Hindi na ako nagsalita at tumango nalang.

Nagsimula na kami kumuha pagkain sa mesa. Kunting kanin lang kinuha ko dahil medjo nabubusog pa ako eh. Kumain muna kami nina Eunice at Knchnle sa labas bago ako pumunta rito. Pero mukhang mapapadami ata ako sa pagkain, nagkataon ba 'to na ang paborito kong ulam ang nasa harapan ko?

Hindi na ako nag-atubili at kumuha na ako ng adobo. Ito yung paborito ko simula bata palang ako. Lagi akong nilulutan nito ni mama at ni isa hindi siya pumalya sa pagluto, ang sarap talaga ng adobo kung siya ang nagluluto nito.

Kumuha ako ng kanin at adobo gamit ang kutsara sa kamay ko at isinubo ito sa bibig ko. When I taste it, a few tears drop from my eyes. Bigla kong namiss ang mama at papa ko.

~FLASHBACK~

"Mmm! Sigurado akong masarap 'to" Puri ko kay mama nang ilapag niya sa mesa ang kanyang nilotong adobo.

"Para sayo talaga yan, paborito mo yan eh" Nakangiting sambit ni mama habang hinihimas-himas nito ang buhok ko bago siya umupo sa tabi ko.

Kumuha na agad ako ng kanin at ulam upang makakain na. Napakasarap pa rin talaga ang luto ni mama, walang pinagbago.

Till the End (Love Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon