BECKETT WAS astounded because of the sudden information Vivianne gave him. It was as if Vivianne knew what he was doing all along. Ilang taon na rin niyang iniimbestigahan ang mga Allamino dahil sa koneksyon nito sa ina, pero wala siyang nalaman. Wala siyang natuklasan.
Never in his wildest dreams he expected Vivianne, the sole heir of the Allamino family, to speak about their illegal business—Lalo na kung siya dapat ang nagtatago ng tungkol sa bagay na ito.
But the mere fact that she brought him to this place wasn't the only thing that confused him.
"What do you mean by that?" tanong ni Beckett. Ang tinutukoy niya ay ang huling pangungusap ni Vivianne. "Why would I pull you to hell?"
"Dahil makasalanan din ako. Hindi ako magmamalinis dahil iyon ang totoo." Nakapokus lang ang tingin ni Vivianne sa kalsada habang mahigpit nitong hawak ang steering wheel. "I am sinned, flawed, and heartless. Alam ko ang lahat ng nangyayari pero nanatili lang akong tahimik... Wala akong magawa para iligtas sila."
Sa ilang saglit ay naglakbay ang memorya ni Vivianne papunta sa nakaraan. She suddenly remembered how Alfred made her be accustomed to violence at such a young age. Bata pa lang siya ay sinanay na siyang makakita ng mga bangkay, o kaya naman ay brutal na pagkamatay.
Pero kailanman ay hindi siya nasanay. Instead of being used to it, they became Vivianne's horrible nightmare that haunted her even when she was fully awake and doing her job. Her father, despite her facade, was the most horrible person she ever met.
Ang kumpanya lang at ang mafia ang tanging mahal nito. Ni walang pakialam si Alfred sa gusto nilang mag-ina. Alfred controlled them like a puppet, and she needed someone to cut the string.
And she hoped that it was Beckett.
"Habang nasasaktan ang iba, wala akong ibang ginawa kun'di tumakas at protektahan ang sarili ko, pero kahit iyon ay hindi ko rin magawa..."
As Vivianne reminisced her traumatic past, she suddenly felt the shivers running down her spine. Tila nararamdaman niya ang bawat suntok at atake ng ama kada mayroon silang training.
Pakiramdam niya ay mayroong maliliit na karayom na tumutusok sa katawan niya, papunta sa kan'yang puso at kaluluwa.
Beckett, on the other hand, just listened silently as he clenched his fists, his knuckles white. Kinonsumo ng galit ang buo niyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, pero sa isang bagay ay sigurado siya.
Vivianne didn't have a good relationship with her father, Alfred. At hindi man lang niya iyon napansin. Akala niya ay isang tipikal na rebeldeng tagapagmana lang si Vivianne mula sa isang mayamang angkan, pero hindi niya inaasahang may mas malalim na lamat pa pala sa relasyon ng mag-ama.
"We have this organization called the Allamino Mafia. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit bigla kaming yumaman kahit wala kaming koneksyon sa ibang tao," ani Vivianne, pahina nang pahina ang boses nito. "Hindi ko alam kung paano ito nabuo o kung ano ang ginagawa nila sa loob dahil matagal na akong umalis sa mansyon... pero gusto ni papa na ako ang humawak riyan."
Hindi na nagulat doon si Beckett. Alam niya ang kalakaran sa mafia dahil iilang beses na rin siyang nakakita ng mga mafia noong nasa Italy sila. One of his classmates before was also a mafia heir, and his destiny was already written by his bloodline.
Pero kita niya sa mga mata ni Vivianne na gusto nitong ibahin ang kapalaran niya. Sa gitna ng takot at pangamba sa ekspresiyon ng babae, kita niya rin ang katapangan dito. He couldn't help but fall for her more.
"That's why you're working like a cow to sustain your needs..." saad ni Beckett habang pasulyap-sulyap sa dalaga. "You don't want to build a debt."
"Ayokong may magamit na naman siyang alas para makontrol niya ako nang husto," sagot ni Vivianne. "Gamit na gamit na nga niya ang nanay ko. Ayoko nang dagdagan pa iyon. Hostage niya si mama sa punyetang bahay na 'yon.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomansaBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...