Suko (2)

42 2 3
                                    


CALIXTO


"Oh my gosh, Calixto! Can you just wait for a damn second?!"
Naiiritang sigaw ni Bianca sa akin, rinig ko din ang tunog ng kanyang mga takong and knowing Bianca, she will always choose to look good than to be comfortable kaya alam ko rin na nahihirapan na itong humabol sa akin kaya huminga ako ng malalim bago siya hinarap.

"Tangina, Bianca ano bang ginagawa mo dito?"

We both stop right at the alley way papuntang parking, rinig parin namin ang mga tugtog sa magkakatabing club and bar, we also hear people animatedly talking sa background, the night is still young but seeing her struck me like a sad nostalgia. Sayang hindi nag work, sayang yung oras, sayang yung pagkakataon, sayang yung samahang nabuo, siguro ganon talaga, kahit gaano mo kagustong mapasaiyo ang isang tao kung hindi naman itinadhana ng Diyos, hindi talaga mangyayari. Eventually the love that you build for that person will fade away.

She let out a sigh din at napamewang pa, ang arte talaga niya. Cute parin. "I already told you sa message, kung binabasa mo sana 'yon diba? I've been reaching out nonstop to you, Cal."

A month ago, Bianca messaged me. Medyo nagulat pa ako nung umpisa, pero hindi ko masyado pinansin because I was too busy figuring out my feelings for Selene and the matters with my parents. Ang dami ko na ngang iniisip, dadagdag pa ulit siya?

"You know damn well why I don't open those messages. Nagtataka ka pa?"

Napataas ang isa niyang kilay sa sinabi ko. "Why are you being mean to me? I'm already here, alright?"

Natawa ako sa naging sagot niya, ano daw? I look at her again, this time wala akong pag-aalanganing ngumiwi sa harap niya. "Oh God, I forgot how self-centered you are."

"Excuse me?"

"Leave me alone, Bianca."

Patalikod na sana ako ng magsalita ulit siya, inaaksaya niya lang talaga oras koー "Fine with me, Cal! But you will really leave your friend out there?" She said, in a matter of fact tone, and I just knew along the lines she wanted to add 'Iiwan mo talaga iyong kabigan mo doon? Mag-isa? Lasing? at madaling araw na?'

"Shit!" Ang bobo mo Calixto, agad akong nag desisyong balikan si Selene. I wasn't mindful enough sa mararamdaman niya and acted so selfish and impulsively.

Nang madaanan ko si Bianca ay hinawakan niya ang braso ko, halting me half way. "Calixto, please read my messages okay? After that you decide whether to hear me out or not." She then brushed her hair frustratedly with her fingers. "Give me a call or text me."

I didn't gave her an answer pero binitawan niya din ako agad ng mapatingin ako sa kamay niya. I was hesitant din to leave her all alone sa alleyway pero buti na lang hinabol din pala siya ng kanyang mga kaibigan, they stood a few steps away from us to give us some privacy din siguro.

Tumakbo na din ako dahil nag-aalala na din ako kay Sel, kaya ng makita kong andon pa rin siya at tinatapos kainin ang burger at fries na inorder namin kanina ay lumuwag ang pakiramdam ko, napahinto ako saglit at pinagmasdan siya, pero habang kumakain ito ay nagpupunas din siya ng kanyang pisngi. Umiiyak ba siya? Dahan-dahan akong lumapit upang makumpirma ito at tama nga ang hinala ko dahil pati ang tissue nung burger stand ay paubos na kakapunas niya sa kanyang ilong at pisngi.

Ang bobo mo talaga, Calixto. Bakit mo pinapaiyak yan? Akala ko ba mahalaga siya sayo?

"I'm sorry."

Hindi niya ako tinignan. Pero ibinaba niya ang kanyang burger saka uminom sa bottled water.

"Sel..." Pagtawag ko uli sa kanya ng mahinahon.

If you only knewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon