" Princess Eleonora, pinapatawag po kayo "
Nilingon ni Eli ang butler na lumapit sa kaniya. Inabot ni Eli ang letter na hawak ng butler. Sinenyasan niya ito na maaari ng makaalis.
" Hey Lucius, wake up. " hinawakan ni Eli ang pisngi ni Lucius.
Dahan dahan namang gumising si Lucius at ngumiti ng bumungad sa kaniya ang mukha ni Eli.
" My princess, you're so gorgeous!"
Ang kanyang mga mata ay puno ng paghanga habang tinitingnan siya, tila ba bawat galaw ng kanyang buhok ay parang himala.
Ngumisi lang si Eli at tumayo. Ganoon din ang ginawa ni Lucius, tumayo na rin siya.
" Saan tayo papunta?" tanong ni Lucius.
" Pinapatawag tayo sa palasyo, meron daw kaganapan." sagot ni Eli sa tanong ni Lucius.
Ilang oras ang lumipas, handa na silang lahat, pati ang mga tao ay nagtipon tipon.
" Hindi ko alam pero kinakabahan ako." sabi ni Eli kay Lucius na naka hawak sa kamay nito.
" Don't be, my princess, nothing's gonna happen." sagot ni Lucius habang kinakalma si Eli.
Bumuntong hininga na lamang si Eli at pumasok sa palasyo ng hari. Nagulat siya nang lumingon sa kanila ang mga tao.
" Sa araw na ito, ipinapahayag namin si Eleonora bilang bagong prinsesa at susunod na reyna ng kaharian, at si Lucio bilang susunod na hari."
" What?" sabay na saad ni Lucius at Eli sa gulat.
Habang nagpalakpakan ang mga tao, nagkatinginan sina Eleonora at Lucio, kapwa may ngiting may halong kaba at determinasyon. Alam nilang mula sa araw na ito, magsisimula na ang kanilang bagong kabanata bilang pinuno ng kaharian.
Sa bawat hakbang nina Eleonora at Lucio, hindi magkamayaw ang palakpakan ng mga tao, puno ng pag-asa at paghanga. Nang tuluyang ipatong ang mga korona sa kanilang mga ulo, lalong lumakas ang sigawan at palakpakan, tanda ng pagtanggap at pagsuporta ng buong kaharian.
Pagkatapos ng seremonya, sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, "Mabuhay ang bagong hari at reyna! Binabati namin kayo, Eleonora at Lucio, sa inyong tagumpay at bagong yugto sa ating kaharian."
Nagsi sayawan at inuman na ang mga tao. Habang ang hari at reyna ay nakangiting lumapit sa kanilang dalawa.
" Binabati namin kayo, nararapat lamang na kayo ang itanghal na susunod na hari at reyna." saad ng hari.
Yumuko lamang sila Lucius at Eleonora, bilang pag galang. Inangat nila ang ulo nila at nakita ang reyna na dumidistansya sa hari, hindi man ganon pinatawad ng reyna ang hari ay nakikita nilang ginagampanan padin nito ang tungkulin bilang isang kasalukuyang reyna.
Pagka alis ng hari at reyna, sunod namang lumapit sila Thadeo at Theodore.
" Congrats brother." sabay na saad ni Thadeo at Theodore.
" What? Brother?" nalilitong tanong ni Lucius.
" Hindi mo pa alam? okay, let me explain. Yes, magkapatid tayong tatlo sa ama, actually nagulat din kami." sagot ni Thadeo.
Theodore rolled his eyes, " pero kahit na magkapatid tayo, hindi padin namin ibibigay sayo si Eleonora."
Sumama ang timpla ng mood ni Lucius. " I don't need anyone's permission, akin lang si Eli." sagot ni Lucius at hinila ang bewang ni Eli papalapit sa kaniya.
Ngumisi lamang si Theodore, " Baka nakalimutan mo, uso ang concubine dito, maaaring magsama ng ilang lalaki ang reyna."
Napabuntong hininga na lamang si Eli at Thadeo.
" But he's right, kahit nasayo si Eli hindi padin kami susuko. Pwede magka harem si Eleo." biro naman ni Thadeo.
" My princess, can I k*ll them? they're so annoying!" inis na saad ni Lucius kay Eli.
" Calm down, ang ibig namin sabihin ay sasamahan padin namin si Eleo, pero.. if she still want us to be her concubine, sure. Hahaha, after all I still like Eleo." kumindat si Thadeo kay Lucius at ngumisi naman si Theodore. Natatawa nilang iniwan si Lucius na nakasimangot na.
" Argh! I really want to bury them alive! " inis na naglakad padabog si Lucius, nagulat siya na hindi nya na malayo na si Eli sa paningin niya kaya tumakbo siya upang habulin ito.
" Bat mo ako iniwan?" nakasimangot na tanong ni Lucius.
" Kasi ang sakit nyo sa tenga " sagot naman ni Eli, napanguso naman si Lucius.
Naglakad si Eli papuntang kuwarto, sumunod naman si Lucius. Napalunok si Lucius, " bakit tayo nandito?" tanong ni Lucius.
" Kasi pumasok ka, magpapahinga ako, ako dapat magtanong niyan sayo, why are you here though?" sagot naman ni Eli.
" Eh kasi.. I just want to be with you palagi, at..." napaiwas ng tingin si Lucius.
" And?" nakatitig lamang si Eli kay Lucius na ikinakaba nito.
" Totoo ba na gusto mo na.. um.. magka concubine? Am I not enough?" seryosong tanong ni Lucius kay Eli na ngayon ay napa buntong hininga.
Tinulak ni Eli pahiga sa kama si Lucius.
" Hindi mo ba maintindihan? Do you want me to prove that I only want you?" malambing na saad ni Eli na ikinatuyo ng lalamunan ni Lucius.
" h- how?" nagbabakasakali ang tanong na iyon.
" By making love.." nakangising saad ni Eli kay Lucius.
" Don't joke around my princess, hindi pa tayo kasal." tinulak ni Lucius ng bahagya si Eli, umiwas ito ng tingin, halatang nagpipigil.
" Pfft, uso pala yun dito." natatawang saad ni Eli, napakunot naman ng noo si Lucius.
" Why are you laughing? um.. aalis muna ako Eli baka hindi ako makapag pigi—" pinatahimik ni Eli si Lucius gamit ang labi nito.
" We're getting married anyway." huling saad ni Eli bago niya halikan ang leeg ni Lucius.
" Hngg, Eli.. I.. I want you.. Ang bango mo.." nagsusumamong sagot ni Lucius.
" I want you too."
sagot ni Eli, nagulat siya ng biglang nasa ilalim na siya ni Lucius.
Nagtitigan sila, at dahan dahang lumapat ang kanilang mga labi. Nasasabik sila sa isat isa, No one can describe their feelings right now.Gosh, This man really brought out my feminine side but I really love him.
Hmm, I'm obsessed with this woman, I really really love her and I want her to be mine only.
Sa kanilang silid, sa ilalim ng mga bituin, nagtagpo sina Eli at Lucius sa init ng kanilang pagmamahalan. Sa bawat haplos at halik, ipinadama nila ang walang hanggang pag-ibig na nagbuklod sa kanila, tinatapos ang gabi sa yakap ng pagnanasa at pangako.
YOU ARE READING
I was reincarnated as a Kontrabida in another world
Roman d'amourPROLOGUE Pagka gising ko nasa ibang lugar na ako at isa pala akong kontrabida sa isang istorya ng mga bida. Eh ano naman? Love story? Ewww, never pumasok sa isip ko unless babae ang magiging partner ko. Kidding! Galit na galit itong mga lalaki sakin...