Chapter 3: Umbrella

17 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw na tahimik na ginagawa ang kadalasan kong ginawa: ang magtrabaho, bahay, trabaho, at bahay. My life revolves around those things.

"Hindi ka pwedeng sumama," sabi ko kay Max nang hindi ito tumitigil sa pag kuskos ng kanyang ulo sa aking binti.

*Meow*

Yumuko ako, at binuhat siya. "Babalik naman ako, palagi. Alam mo 'yan," malambing kong pag-alo sa kanya. "Okay." Hinalikan ko siya sa pisngi at ibinaba.

Pagkalabas ko ng apartment, napansin ko kaagad ang makulimlim na langit. Uulan pa yata. Nagmamadali akong lumabas ng gate at pumara ng tricycle para hindi ako maabutan ng ulan.

"Salamat po," sabi ko sa driver, at bumaba na.

Habang naglalakad ako papasok sa property, biglang may kumalabit sa'kin. Si Aira lang pala 'yon. May tinuro siya harap. Isang building na hindi kalayuan.

"Pasok nga tayo jan," sabi niya.

Napatingin naman ako sa tinuro niya. "Bakit?"

"Iinom?"

Napatawa ako. Nitong nakaraang linggo niya lang huling sinabing gusto niyang pumasok sa Hard Core. Medyo may kamahalan rin kasi kaya hindi matupad tupad ang gusto niya.

"Tsaka na 'pag birthday mo," biro ko.

Napatigil siya kaya napitigil rin ako sa paglalakad.

"Paano ba 'yan? Birthday ko sa makalawa," nakangisi niyang saad.

Nanlaki ang mga mata ko. "Di nga?" Hindi makapaniwala kong saad.

Mas lumaki ang ngisi niya. "Oo nga." Lumakad ulit siya kaya lumakad rin ako. "Pero hindi na jan. Sa GibShot na lang tayo," may halong panghihinayang niyang sabi.

Hindi pa ako sanay sa mga bars pero dahil birthday niya, hindi na muna ako tatanggi. Dalawang beses pa ako nakapasok sa mga ganyan pero hindi naman ako inosente sa mga inumin.

Gaya nong nasa Oasis kami, hindi ako masyadong uminom dahil kargo ko pa rin ang sarili ko kahit nandiyan siya. At dahil nalasing talaga siya sa gabing 'yon, mabuti na lang at hindi, dahil baka nadagdagan pa ang pinasan ni Khled.

"Good afternoon, Sir. Welcome to Frosco. Here's the menu, sir," nakangiti kong sabi sa guest.

Umalis rin ako pagkatapos kong ibigay 'yon, at tumayo sa may gilid para hintayin ang kaniyang order. Pagkaraan ng ilang sandali, tinawag niya ako. I kept the smile plastered on my face as I walked towards him.

Ngumiti ito. "Rib-eye steak with mashed potatoes and uh..." he paused. "And château latour. That's all, thank you."

Hindi ko na napansin na alas singko na pala. Dalawampung minuto na lang at tapos na ang trabaho ko ngayong araw. Huminga ako ng malalim at sumulyap ulit sa aking relos. Parang gusto kong hilahin ang oras para bumilis iyon at para makauwi na ako.

Gusto ko ng tanggalin ang pumps na suot ko dahil nanibago ako at medyo masakit ito sa paa. Kakabili ko lang nito noong nakaraang araw pero parang ayaw ko na itong suotin sa pangalawang pagkakataon.

Napatuwid ako ng tayo, at nawala ang sakit sa aking mga paa ng masilayan ang medyo kunot noong mukha ni Mr. Versailles na naglalakad papasok. Ang mahahahaba nitong binti ay kapansin pansin habang humahakbang. Iilang guests ay hindi mapigilang mapatingin sa gawi nito.

Sino ba namang hindi? Isa ba namang napakaguwapong nilalang, na parang kakababa lang mula sa mount olympus. He looks intimidating. He looks like he's capable of mauling anyone who would attempt to block his way. I can even see Gwen's face flushing as she walks him to his table.

Bewitching ScarsWhere stories live. Discover now