Chapter 4
Zielle POV
1 week have passed and my life as a student of Fifth High is not as good as you think, GOD! That damn Mr. J is always ruining my day. Hindi na siya pumalya sa pananarantado sakin matapos ng sagutan namin nung nakaraan.
The day after we got into a little argument, pumasok ako at pagbukas ko ng pinto ng room ay biglang bumagsak ang isang baldeng punong-puno ng pintura. Buti nalang talaga at mabilis akong umiwas, laking pasalamat ko rin at yung sapatos ko lang ang nalagyan ng pintura.
Then the next day, dahil puyat ako nakatulog ako sa upuan, at yawa talaga dahil nagising ako na puno ng sulat ng pentel pen ang mukha ko na pinagtulungan namang tanggalin nila Cheska. Bukod pa diyan may nginuyang bubble gum din sa kamay ko.
Hindi pa diyan nag tatapos, when I was in the cafeteria with the girls and peacefully eating, the dimwit came in the picture.
He poured a hot soup on my head at hindi pa siya nakontento, ibinuhos niya rin sa ulo ko ang dala niyang shake para naman daw malamigan ako. Hanggang sa nag tuloy-tuloy na yun.
Diba ang saya, sa sobrang saya gusto ko na siyang sakalin. Ngunit hindi ko na siya pinatulan at binawian pa, sayang lang sa oras yun. I will never waste my time just for that kind of thing, that's so immature. Marami akong bagay na kailangang pagkatutukan, at hindi siya kabilang run.
I'm walking at the hallway when someone grab my hair at the back, nagdulot ito sakin ng sakit at gulat kung kaya't ako'y napasinghap. "Hey slut! Kamusta naman ang paglalandi kay Brent!"
Teka nga parang di' pa nagsisink in sakin yung sinabi niya eh. Ano daw, landi? Kay Brent? At ano, slut?! Eh may sapak naman pala to eh.
"What are you trying to say?" Tanong ko na may kasamang daing dahil hila niya parin ang buhok ko. "Acting like you don't know anything, huh." Hindi ko naman talaga alam ang pinagsasasabi ng babaeng to. Nabaliw ka te.
Mas lalo niyang hinigpitan ang pakakahawak sa buhok ko habang ang dalawa pang babae na kasama niya ay nakatayo at masama ang tingin sa akin.
Akmang tatanggalin ko ang kamay niya sa buhok ko nang bigla niya kong itinulak papunta sa kabilang parte ng hallway. "Shuta lakas nun ah." Bulong ko sa sarili habang dahan-dahang tumatayo dahil sa kirot na nararamdaman ko sa likod, shet tumama ako sa pader.
Siguro ang tinutukoy nito ay yung minsang kasama ko si Brent. Si Brent ay yung isang lalaking katabi nila Timothy sa upuan at si Timothy naman ang nagturo sakin kung nasaan ang Dean's Office nung nakaraan.
Hindi ko naman nilalandi si Brent, siya kaya ang lumalapit sakin para lang manghingi ng pagkain at makipagdaldalan. Kaya ba't ako ang sinusugod ng damuhong to? Bukod dun buong class A naman nakakausap ko, pwera nalang siyempre dun sa demonyo.
Pati narin yung dalawang kaibigan nun na si Timothy at Ian. Well kaibigan din naman nila si Brent sadyang friendly lang talaga yun unlike dun sa tatlo na tahimik lang most of the time.
Nang makatayo ako ng tuluyan nakita ko ang babaeng nanabunot sakin na papalapit na at ambang sasampalin ako. Ngunit sinalubong ko ito at mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay.
"I don't know what heck are you saying but if you think that there's something between the two of us, then you're wrong. I don't like Brent and I don't flirt with him." May matigas na boses kong pag-usal.
Nang akmang sasampalin nanaman niya ko gamit ang kabilang kamay, ay hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kamay niyang hawak ko at unti-unti itong inikot kasabay ng malamig at walang emosyong pagtitig ko sa kaniya.
Napasigaw siya at napaluhod sa sakit. "Faith!" Sigaw ng dalawang babaeng kasama niya habang papalapit at mga nakataas ang kamao. Bago pa sila makalapit ay binuhat ko ang babaeng tinawag nilang Faith at ibinalibag sa kanila dahilan ng kanilang pagtumba.
YOU ARE READING
Fifth High: Mission
ActionZielleangel Sky Mercader, a girl who will do everything just to get the justice she deserves. Justice for her grandparents, family and herself. Her vengeance will start with a mission to take down a school. Through her journey she will faced a lot...