Kabanata 1

293 4 0
                                    



"Everyone, let's all welcome Governor Ezequil and his beloved children!"

Bumuhos ang malakas na palakpakan ng mga bisita sa hardin nang lumabas mula sa mansion si Governor Leo Ezequil Villamonte II, kasama ang tatlong anak na lalaki at panganay na babae.

Ang mga press na inimbatahan ay kumuha ng mga larawan. Ganoon rin ang ibang bisita

Mula sa pakikipagdaldalan kay Judith, natuon ang atensyon ko sa platform sa unahan. Nakita kong nakatayo na roon si Ate Leanne ang panganay na anak ni Gov, si Kuya Aaron ang sumunod at nanalong konsehal last election, si Kuya Silas ang nag-aral din noo sa Valeria at isang di pamilyar na mukha.

Nasa tabi siya ni Gov. He sported a buzzcut hairstyle complementing his nice bronze skin tone. His tall stature added to his striking appearance.

Nasa genes ng mga Villamonte ang pagiging matangkad. Kahit si Judith ay matangkad rin. Hanggang ilalim lang ng tainga niya ang height kong five feet and three inches. Ang pagiging matangkad ang 'di ko namana kay daddy. Si Rumble ang nagmana niyon.

The new boy looks bored. His hands were lousily, tucked inside his pocket. Pinipilit lang niyang ngumiti kapag tinatawag ng cameraman. Lumipat sa tabi niya si Kuya Silas. He whispered something to him. Ngumuso yung binatang 'di ko kilala. Then the side of his lips rose up, murmuring something back to Kuya Silas.

Ilang taon na akong pumupunta-punta rito sa mansion ng mga Villamonte. Kahit minsan ay 'di ko nakita ang lalaking 'to. Naririnig ko lang ang usap-usapan ng mga kasambahay at kamag-anak ni Judith na darating ang bunsong anak ni Gov. Malamang ay ito 'yong tinutukoy nila.

"Gwapo rin pala ang bunsong anak ni Gov, ano?"

Pasimple kong sinulyapan ang dalawang may edad na babaeng nag-uusap sa table namin. Their eyes were glued to the new boy.

"Nasa lahi nila 'yan. Tingnan mo nga si Don Pañello, matanda na pero makisig pa rin!"

Kinikilig na bumungisngis ang dalawang matanda.

Napangiwi naman ako. Kapag nag-uusap ang mga tito at tita ni Judith, sinasabi nila habulin daw talaga si Don Pañello ng mga kababaihan noong kabataan nito. Pero one man women daw ang matanda. Mula nong mamatay si Donya Felicity, hindi na ito nag-asawa ulit.

"Sus! Ito na naman si yabang."

Binalingan ko si Judith sa aking tabi. Bubulong-bulong siya habang nanghahaba ang ngusong nakatingin sa lalaking bagong dating.

"Siya ba 'yong bunsong anak nia Gov?" Curious na tanong ko.

"Oo siya 'yan! Nakikita mo itsura niyan? Mukhang 'di gagawa ng maganda! Naku, mag-iingat ka, Rain! Sinasabi ko sa'yo!"

Kami talaga ang definition ng magkaibigan na OA at nonchalant.

"Bakit naman? Pinsan mo siya... hindi ba dapat kinakaibigan natin siya?"

"Matinik sa chicks 'yan! Ang daming pinaiyak na babae sa America! Pa'no ko nalaman? Sinasabi sa akin ni Mommy at Tita Beatris!"

Hindi na niya ako kailangang bigyan ng warning pagdating sa mga lalaki. Wala sa priority ko ang makipag-boyfriend hindi dahil sa walang nagkakagusto sa akin at lalong hindi sa pinagbabawalan ako ng parents ko na tumanggap ng suitors.

There's quite a numbers of boys in my school, showing and confessing their admiration towards me. I don't find any boys in my school worthy of my time and effort.

Hindi ko nakikita ang sarili ko na tulad ng mga kaklase kong panay ang PDA sa classroom namin o kahit sa saang sulok na parte ng school.

My parents taught me to value myself. They trust me enough with my decisions.

Good Girl Series 1 : Ruined Where stories live. Discover now