Chapter 10

71 1 0
                                    

CHAPTER 10

Crush

"Are you and Karim okay na?" Bungad ni Kat pagkaupo ko.

Si Gavin, pumila pa para bumili ng pagkain niya, habang si Donovan at Katianna naman ay mayroon nang nabili para sa kanila.

"He's not around. Are you still nag-iiwasan? I thought you're good na." Sumubo siya at binalik ulit sa akin ang tingin.

"Okay na kami. Sabi niya, akala niya ipinagpapalit ko na kayo kay Jeremiah," kwento ko habang nilalabas ang baon ko. "Nagsorry na rin siya kay Jeremiah sa ginawa niya."

Tumawa nang mahina si Donovan at tumango. "Mabilis mapikon si Karim, eh. Mainitin din ang ulo. But if he knows he's at fault, he apologizes, too. Mabilis ding makonsensiya iyon."

"Yup! My kuya's reasonable naman din. Minsan lang, he's ruled by his emotions but then again, he'll apologize if he realizes he made a mistake."

"Pero nasaan siya?" Si Donovan, bago sumimsim sa iced tea.

"Susunod daw siya, eh. Kausap pa niya si Ariana."

"Ariana Ong?" Naningkit ang mga mata ni Kat.

Dahan dahan akong tumango. "Bakit?"

Umirap siya at bumuntong hininga. "It's not like I don't like her, but she's too clingy to Karim."

"Syempre, Kat, gusto ni Ariana si Rim, eh." Sagot ni Donovan.

"Yeah, I know. But I am particular on who's gonna end up with my brother. I don't like Ariana for him 'cause she's got an attitude din. Like I've seen her mistreat other people who's not a friend of hers."

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Kat. Hindi naman siya masamang tao, gusto lang niya yung makabubuti para sa kuya niya. Lalo na't nag-iisang kapatid lang naman niya si Karim at sobrang close sila sa isa't isa.

"Pero... paano kung nagustuhan nga siya ni Karim at... naging sila?" Usisa ko.

"I have no choice naman kasi it's still his decision when it comes to his relationships, but I can't promise I won't be the epal sister in his love life. If he gets hurt, at least I warned him na Ariana's not good for him."

Nagkibit balikat si Donovan, "Fair. Pero tingin ko, hindi naman magugustuhan ni Karim iyon. Sa ating lahat, he's got the better judgment and decision-making."

Tumango ulit ako. Nakikita ko rin naman iyon kay Karim. He's mature and responsible in his own ways. Mainly for Kat, pero nadadamay din doon yung mga taong nasa paligid niya, lalo na kaming mga kaibigan niya.

"Ang dami kong natutunan sa lesson namin," humalakhak si Gavin nang dumating siya dala ang tray ng pagkain niya.

"What was your lesson ba?" Sinulyapan siya ni Kat.

Sumubo na ako at in-enjoy ang lasa ng pritong manok. Nakasahod na kasi si mama kaya maayos ayos na yung pagkain namin.

"Sex."

Namilog ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Hindi lang naman tungkol doon!

"Oh, that's our topic na for Health class?" Excited na tanong ni Kat. "That's our subject na after Math later!"

"You're... interested about... sex?" Napakurap kurap si Donovan kay Katianna.

"Well, I'm curious about it."

Pati si Kat! Ang ipinagkaiba lang namin, kaya niyang sabihin na curious siya sa sex!

Tumikhim ako, "Tungkol sa puberty lang naman talaga yung topic. Mayroon kasing nahiya na kaklase namin dahil sa lesson tungkol sa changes ng katawan ng mga nasa puberty stage, kaya nabanggit na rin yung safe sex at gaanong ka-importante na ma-educate yung mga batang tulad natin tungkol doon," Paliwanag ko.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon