Nagsimula ang lahat noong lumipat si Maloi sa Maynila para magtrabaho sa isang malaking kumpanya. Simple lang ang buhay sa probinsya, ngunit napilitan siyang makipagsapalaran para makatulong sa pamilya. Kasama niya ang kanyang best friend na si Sheen, na laging handang sumuporta.
Maloi: (while walking down the office hallway) Grabe, Sheen! Hindi ko akalain na ganito kalaki ang building nila.
Sheen: (laughter) Ay oo, bes. Sanayan lang 'yan. Kaya mo 'yan. Dito ka muna mag-focus, okay?
Maloi: (smiling) Salamat, bes. Sa supporta mo palagi.
Sa unang araw ng trabaho ni Maloi, nakilala niya si Cole Salvador, ang CEO ng kumpanya. Isang makisig at matipunong lalaki, ngunit may asawa na si Jhoanaa, isang kilalang fashion designer.
Cole: (in the boardroom) Welcome, Ms. Maloi. Sana'y magustuhan mo ang trabaho dito.
Maloi: (nervous) Opo, Sir. Gagawin ko po ang lahat para maging maayos ang trabaho ko.
Sa paglipas ng mga araw, napapansin ni Maloi na laging napapalapit sa kanya si Cole. Madalas siyang kinakausap nito kahit sa labas ng trabaho. Isang gabi, habang pauwi si Maloi, nakita niya si Cole sa labas ng building.
Cole: Maloi, hatid na kita. Gabing-gabi na, mahirap mag-commute.
Maloi: (nag-aalinlangan) Ah, Sir, hindi na po. Okay lang po ako.
Cole: (mapilit) Hindi, sige na. Ayokong may mangyari sa'yo. Sumakay ka na.
Sa loob ng kotse, napansin ni Maloi ang malalim na mga tingin ni Cole.
Cole: Maloi, alam mo bang napaka-espesyal mo?
Maloi: (confused) Sir, hindi ko po alam ang ibig niyong sabihin.
Cole: Matagal na kitang minamasdan. Iba ka sa lahat ng empleyado dito.
Samantala, sa kabilang banda, nakilala ni Maloi si Gwyn, ang driver ni Cole, na tahimik ngunit maaasahan. Lagi siyang nandiyan tuwing kailangan ni Maloi ng tulong.
Gwyn: (a day in the pantry) Maloi, kailangan mo ba ng tulong sa report mo? Mukhang nahihirapan ka.
Maloi: (smiling) Salamat, Gwyn. Ang bait mo talaga. Buti na lang nandiyan ka palagi.
Habang lumilipas ang mga buwan, nagiging mas kumplikado ang buhay ni Maloi. Nagsimula siyang magkaroon ng espesyal na damdamin kay Cole, ngunit alam niyang mali ito. Hindi rin niya maiwasang mapalapit kay Gwyn, na laging nandiyan para sa kanya.
Isang gabi, nagkaroon ng malaking party ang kumpanya. Dumating si Jhoanaa, ang asawa ni Cole, na agad napansin ang kakaibang closeness ni Maloi sa kanyang asawa.
Jhoanaa: (talks to Maloi on the side) Ikaw ba si Maloi? Madalas kitang nababanggit ni Cole.
Maloi: (nervous) Opo, Ma'am. Ako po si Maloi.
Jhoanaa: (critical) Sana'y ingatan mo ang sarili mo. Mahirap makipaglaro sa apoy.
Nang gabing iyon, hindi mapakali si Maloi. Alam niyang kailangan niyang magdesisyon. Pumili sa pagitan ng kanyang nararamdaman at kung ano ang tama.
Maloi: (talks to Gwyn) Gwyn, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalilito ako.
Gwyn: (holding Maloi's hand tightly) Maloi, nandito lang ako para sa'yo. Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan.
Sa bawat desisyon ni Maloi, unti-unting nagiging kumplikado ang kanyang mundo. Sino ang pipiliin niya? Si Cole, ang makapangyarihang lalaking nagbibigay ng kakaibang saya sa kanya? O si Gwyn, ang simpleng lalaki na laging nandiyan para sa kanya? Ang kanyang kwento ay isang malaking laban ng puso at isip.
To be continued...
YOU ARE READING
The Mistress
Random- Ship Responsibly - Fictional, do not reflect the characters personality - My au's are made with pure imagination. Please separate fiction from reality - All photos used in my Au are not mine; credit to owners -