Avery's Point Of View
Nagsimulang bumagsak ang malakas na ulan kasabay ng pag-ring ng school bell. Hudyat ng pagtatapos ng isa na namang nakakabagot na subject.
Lunch break na.
Nakapatong ang mga daliri ko sa bintana habang sinusundan ang landas ng mga patak ng ulan na dumadaan sa salamin. Nakakapanatag ang tunog ng ulan sa kabila ng dami ng iniisip ko. Para itong tahimik na tugtog sa gitna ng ingay ng utak ko.
By the way, I'm Avery Autumn Miranda,
twenty-two year old and I'm a graduating student of Bachelor of Science in Nursing at Sierra Heights University, one of the most prestigious schools in the philippines.Pero kahit pa sabihing sikat ang eskwelahan na ito, parang isang kulungan ito na pinalamutian ng gintong rehas. Payabangan at pataasan ang mga estudyante dito.
Sinukbit ko na yung handbag ko sa balikat ko at lumabas na ng room namin. Punong puno ng mga estudyante ang hallway. Nagkalat sila kung saan saan at nag-uusap tungkol sa mga plano nila sa darating na weekend at mga paparating na exams.
Tahimik lang ako habang naglalakad at iniiwasan kong makipag-eye contact kahit kanino.
Medyo nagulat pa ako ng biglang sumulpot si Ruth sa tabi ko. Siya lang ang kaibigan ko sa school na 'to. Her vibrant personality a stark contrast to the gray day.
"Avery!" bati niya. "Narinig mo na ba ang balita tungkol sa mga bagong transferee?"
Umiling ako dahil hindi naman ako interesado. Madalas ang mga bagong estudyante sa Sierra Heights. Kadalasan mga anak ng mayayamang negosyante o mga celebrities na naghahanap ng bagong kapaligiran. They came with their own entourage of expectations and privileges.
"Sobrang hot daw," patuloy ni Ruth at yung mga mata niya ay punong puno ng excitement. "At eto pa, lilipat sila sa business law department. Mga future handsome lawyers natin."
"And so?"
"Isa sa kanila si Tyler Sandoval."
Napatigil ako sa paglakad at medyo napataas ang isang kilay ko. "Tyler Sandoval? Yung tigapagmana ng Sandoval Empire? Sa pagkakaalam ko notorious ang pamilya nila."
Tumango naman si Ruth. "Oo, nasa admin office ako kanina at narinig ko na pinag-uusapan duon na lilipat daw si Tyler dito kasama ang mga kaibigan niya. Apparently, Tyler's family still maintains a high profile despite the issues of their company."
Nakaramdam naman ako ng curiosity sa narinig ko. Ang pamilya Sandoval ay madalas na pinag-uusapan sa mga tabloids para sa iba't ibang dahilan kagaya ng mga iskandalo, away sa negosyo, at kahit mga imbestigasyong kriminal. Pero wala pa nakapagpatunay ng mga binibintang sa kanila.
Nakakagulat lang na ang isang tao mula sa pamilyang iyon ay magta-transfer sa university na 'to dahil madami pa naman school ang mas kilala bukod sa Sierra Heights.
Siguro nagtataka kayo kung bakit kilalang-kilala ko ang mga Sandoval. Actually, they are friends of my parents and talagang close sila mula noong bata pa ako. Pero never pa akong umattend o sumama sa mga gatherings nila kaya hindi ko pa sila nakilala in person.
Habang papalapit kami ni Ruth sa mga lockers namin yung usap-usapan tungkol kay Tyler ay mas lalong dumadami. Parang lahat ng estudyante ngayon pinag-uusapan siya, inaalam kung bakit siya nandito at ang magiging epekto niya sa social hierarchy ng Sierra Heights.
Napairap na lang ako. Wala akong pakialam sa drama nila ngayon. Mas may mga pressing concerns ako kagaya ng kung paano ko matatapos ang huling taon ko nang hindi nadadala sa web ng elitist politics na nagde-define sa Sierra Heights.
BINABASA MO ANG
A Journey Through Love and Loss
RomanceAvery Sandoval, a spirited and determined woman, faces a devastating diagnosis that threatens to upend her life and the future she envisioned with her husband, Tyler. As they navigate the emotional and physical challenges of her illness, their love...