CHAPTER 11
Review
Patapos na ang July kaya naghahanda na ang mga estudyante para sa Buwan ng Wika. Sa first week naman ng August, doon gaganapin ang Student Week. May team building, pageants, recreation day, at kung anu-ano pang event na para sa mga estudyante lang at ibig sabihin, walang subjects. Parang academic break din at puro saya muna, bago ang midterms sa huling linggo ng Agosto.
Dahil forty ang bilang ng students sa bawat section, thirty ang assigned na magdisenyo sa bawat classroom at sampu naman ang sa hallway ng floor para sa Grade 5 students. Kinansela ang mga klase sa panghapon para sa activity na 'to.
Excused sa pagde-design ang mga kasali sa pageant, ang mga muse at escort, kaya wala rin si Karim at Ariana ngayon. Gavin's with the ten who will design the hallways. Ako naman, kabilang sa mga estudyanteng magdidisenyo ng classroom at ang pinili ko ay ang magpintura pagkatapos ma-drawing-an iyon ng ilang kaklase namin.
Panay lingon ako sa pinto, inaabangan kung nakabalik na ba si Karim. Ang alam ko ay paghahandaan din yung individual pageant, pagkatapos ay yung by partner naman. Kasama rin yata sa paghahanda yung pagpa-practice nila noong sayaw namin sa PE.
"Hi..."
Napatingin ako sa gilid ko nang may magsalita.
"Jeremiah!" Bati ko sa kanya.
"Phoebe, pakibigay nga kay Ara 'to," Sabi noong isang kaklase.
Tinanggap ko yung inaabot sa aking paint brush at nilibot ang tingin sa classroom para hanapin si Ara. Nang makita ko siya sa may sulok ng classroom, nagpipintura doon, nilapitan ko siya.
"Ara, pinapabigay ni—"
"Thanks!" Kinuha niya sa akin iyon nang hindi ako nililingon dahil abala rin siya sa pagdidikit noong tarpaulin.
Bumalik na ako sa kinauupuan ko at pinagpatuloy ang pagpipinta.
"Tapos na kayo?" Tanong ko kay Jeremiah.
"Yup. May matutulong ba ako rito?"
"Uh..." Tinuro ko yung puno na wala pang pintura. "Iyan na lang yung kulang ko."
"Sure!" At naghanap siya ng materyales.
"Ito!" Mayroon akong nakuhang brush na hindi naman na ginagamit at sa tabi noon ay watercolor.
"Salamat," aniya at kinuha iyon mula sa akin bago nagsimulang magpinta.
Ang kinukulayan ko ay langit sa napakalaking papel. Ito ang backdrop para sa likod ng classroom namin kaya limang estudyante dapat ang gagawa nito pero nasa kalahati palang, umalis na yung dalawa kaya nadagdagan yung trabaho naming tatlo na naiwan para gawin ito.
"So tiring!"
Agad akong napatingin sa pinto dahil kaboses noon si Ariana pero hindi pala siya. Bagsak ang balikat na bumalik ako sa pinipinta ko.
"Halos tatlong oras na kitang napapansing tumitingin sa pinto. Are you waiting for someone?"
"H-Ha? Wala... naman."
Natawa siya nang mahina. "Talaga? Hindi mo hinihintay si Karim?"
Natigilan ako at mukhang napatunayan ko pa sa kanyang tama yung iniisip niya.
"Crush mo siya?"
"Hindi!" Agad kong tanggi pagkatapos ay tinuloy na ulit ang ginagawa. "Bakit ko naman siya magiging crush?"
"Bakit mo naman siya hindi magiging crush?"
"Kasi... kaibigan ko siya?"
"Ako pa yung niloko mo! Feeling ko nga, crush ka rin noon, eh."
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomantikWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...