Chapter 27

58 2 1
                                    

AFTER A couple of rings, the person on the other line answered. "Hello?"

"Trevin Angeles," Beckett replied as he leaned on his swivel chair and crossed his legs. He also turned his phone to the loudspeaker so Nathan could hear their conversation. "Did I call the right number? This is Beckett Clainfer."

"Beckett Clainfer..." pag-uulit ni Trevin sa pangalan niya, halatang nag-iisip. Ilang segundo ang lumipas bago ito muling tumugon. "Kaibigan ka ni Jeru, hindi ba?"

"Yes." Lumipat ang tingin ni Beckett sa tablet ni Nathan bago inilahad ang kamay. Inilagay naman ni Nathan ang tablet na hawak niya roon. "I have a favor to ask. There's this document we got in the middle of an investigation, but it's heavily encrypted."

"Kayang gawin 'yan ng ordinaryong hackers."

"It's not only encrypted. The whole flash drive was filled with viruses, too," sagot ni Beckett habang binabasa 'yong notes na nilagay ni Nathan sa kan'yang notes app. "It's a flash drive containing different viruses, and it could be a trap."

"Alam n'yo ba kung anong klaseng virus ang nasa loob?" tanong naman ni Trevin bago itinagilid ang ulo. "Kung maraming virus sa loob pero mahihinang klase, mabilis lang 'yan alisin. Pero kung isang malakas na virus, puwedeng matagalan."

Tumingin si Beckett kay Nathan para malaman ang isasagot, pero umiling ito. Ibig sabihin ay wala ring ideya ang lalaki at ang mga nakuha nitong hacker sa virus na nakapaloob sa flash drive. "We don't have an idea, either. That's why I need your help."

Biglang tumahimik sa kabilang linya, dahilan para kabahan nang bahagya si Beckett. He tapped his lap lightly using his fingers to ease his anxiety, but it didn't help that much. Ayaw naman niyang ipagawa sa iba ang trabahong 'to dahil bihira lang ang mapagkakatiwalaan sa mundong 'to.

At isa si Trevin sa mga mapagkakatiwalaan niyang hacker dahil nakilala niya ito kay Jeru.

News flash, Jeru didn't become his friend on the first day they met. In fact, they didn't get along because of Paige. Hindi tuloy niya alam kung may ideya ba si Trevin tungkol doon.

"Alright," sagot ni Trevin, dahilan para makahinga nang maluwag si Beckett. "Ise-send ko sa 'yo ang fee at ang swiss bank account ko. I always take half of the full payment before I do my job."

"Consider it done."

"Kailangan kong makuha ang flash drive para matingnan ko kung gaano katagal ko ide-decrypt." Sumandal si Trevin sa kinauupuan bago tiningnan ang schedule niya. "Kaya mo ba ipadala 'yon sa akin bukas? Ite-text ko kung saan mo ipapadala."

Trevin had lots of clients, though. Beckett needed to wait for a while. Kailangan niyang mas unahin ang mga kasamahan sa Foedus na humingi ng pabor sa kan'ya.

"Sure. I'll ask one of my people to bring it." Ngumiti si Beckett dahil para siyang nabunutan ng tinik. "Thank you, Trevin."

Pinatay na ni Beckett ang tawag. Ibinalik niya kay Nathan ang tablet na kaagad din namang kinuha ng kausap. Aalis na sana si Nathan nang muling magsalita si Beckett.

"Where did you get the file?" tanong ni Beckett habang nakakunot ang noo. "Are you sure that this is related to the warehouse or the Allamino family?"

"Oo, boss. Sure na sure," sagot naman ni Nathan bago ito nag-thumbs up. "Ako mismo ang nakakuha niyan sa warehouse na itinuro mo noong naglibot-libot ako roon, tapos nakita kong tinapon iyan doon sa labas. Mukhang palihim pa nga tapos susunugin na sana. Mabuti na lang at nakuha ko!"

Proud na proud pa si Nathan noong sabihin iyon tapos ay nag-pogi pose pa. Hindi naman sumagot si Beckett. Imbes ay nakataas lang ang kilay nito habang minamasahe ang noo, tila pagod na sa ugali ng katrabaho niya.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon