Chapter 38

54 2 1
                                    

[BECKETT CLAINFER'S Secret: Talaga nga bang nagmamay-ari siya ng drug business?]

"What the fuck?" Tumaas ang kilay ni Beckett nang makita ang sunod-sunod na articles tungkol sa kan'ya. Binuksan niya 'yon lahat, at mas lalo lang sumama ang timpla ng kan'yang mukha nang makita kung gaano kasira ang pangalan niya. "Shit."

No one's cleaning his mess right now, and even the higher-ups from the Syneverse Entertainment were calling him nonstop, too. Ganoon din si Fiona. Mas lalong binalot ng pagtataka si Beckett dahil walang kahit sino ang nagtatanggol sa kan'ya laban sa masasamang articles.

Nasaan ang trolls niya?

Beckett took his phone and called Nathan. "Where are you—"

"Boss, may malaking problema tayo ngayon!" sigaw ni Nathan. May halong kaba at pagpa-panic sa tono ng boses nito. "May nagpasabog ng lugar kung nasaan ang mga naglilinis ng pangalan mo, at nawawala rin si Jeremy! Masyadong magulo rito sa loob ng warehouse ngayon!"

Beckett's forehead creased as he bit his lower lip. "Do your best to minimize the damage. I will call you again later."

"Paano 'yong trolls, boss?" tanong ni Nathan. Nagkakagulo man sa warehouse ay hindi pa rin naman siya nahuhuli sa balita. "Hindi ako sigurado kung may nabuhay pa sa kanila, pero kapag nakita ko sila ay ipapaasikaso ko kaagad ang mga article laban sa iyo—"

"Don't bother. I'll handle them all alone," Beckett interrupted, massaging his forehead. "You should prioritize the formulas and all your safety. And... I'm sorry if I wasn't there while all the chaos was happening."

Nathan was astounded, hearing that their boss apologized to them. Hindi naman iyon kailangan. Bilang sukli sa kabaitang ipinakita sa kan'ya ni Beckett noon ay paglilingkuran niya rin ang lalaki nang buong puso, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng emosyon sa sinabi ni Beckett.

What they may be doing is illegal, but all the emotions they had were real. Totoo rin ang pag-aalala na ipinapakita niya sa amo.

"Inform me once all of you find a safe place," saad ni Beckett, dahilan para mapuutol ang pagmumuni-muni ni Nathan. "I'll go there as soon as possible, but for now... Fight back."

"Masusunod, boss," sagot ni Nathan, at pagkatapos no'n ay pinatay na ni Beckett ang tawag.

"Shit. I'm fucked up." Inihilamos niya ang kamay sa mukha habang pilit iniisip kung ano ang sunod na gagawin. "How did these things get so messed up like this?"

Everything happened in a snap. Iniwan siya ni Vivianne, binaril, at ngayon naman ay nagkakagulo na ang modeling career at ang Dweller Cartel. He tried finding the main source on where the chaos started, and he resulted in one name; Alfred Allamino.

Ganoon pa man, pakiramdam niya ay may nawawala... Parang may kulang pa sa mga nalalaman niya. Dapat niyang alamin kung ano 'yon, pero paano niya 'yon gagawin ngayong wala na ang lahat sa kan'ya?

As Beckett was already drowning in his thoughts, suddenly, Jeru held him on the shoulder. "In this case, why won't you join the corporation I've been telling you about before?"

"Foedus Corporation?" Tumaas ang kilay ni Beckett.

"The one and only." Ngumisi si Jeru bago mas humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat ng lalaki.

Umismid si Beckett nang marinig ang Corporation na iyon. He knew about that because of Paige. Her brother, Trace Dimagiba, was one of the founders of Foedus. Ibang-iba ang itsura nito kay Paige kaya mabilis niyang natandaan ang mukha ng lalaki—Guwapo ito pero mukhang tirahan ng ibon ang buhok.

The other founders he knew were Lev, Jake, and of course, his celebrity friend, Jeru. Hindi alam ni Beckett kung paanong ang isang mukhang malinis at mabait na lalaki kagaya ni Jeru ay naging founder ng lugar na iyon.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon