"Adrianne, you need to break up with Arvic."
Padabog kong binaba sa pinggan ko ang hawak kong kubyertos. Pang ilang beses na bang sinabi yan ng Mom ko?? Ewan. Di ko na mabilang.
"Papasok na po ako." Tumayo ako at pinunasan na ang aking bibig.
"Adrianne, would you listen first--" awat sa akin ni Dad pero dirediretso lang ako sa paglabas ng pintuan.
Nakakainis!!! Nakakainis!!!
"Maaayos din ang lahat iha."
Napatingin ako sa driver namin. Nginitian nya ako ng malungkot na ngiti kaya nginitian ko rin sya.
"Salamat po Tatay Rick."
Sumakay na ako sa sasakyan at umalis na kami.
"Paano na tayo ngayon? Bukas na ang kasal at.." tanong sa akin ng nobyo kong si Arvic.
"Di ko alam. Wala akong--agh!! No. I don't wanna lose you." Niyakap ko sya ng mahigpit.
Nandito kami ngayon sa apartment na tinutuluyan nya. Si Arvic ay nobyo ko na ng 4 na taon. Anak sya ng driver namin na si tatay Rick. Payag naman ang parents ko sa relationship namin until the other day na bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at pilit na pinaghihiwalay nila kami.
"Ssshh. Tahan na." Alo nya sa akin. I feel so safe in his arms. I wish i could stay here forever.
"Magtanan na lang kaya tayo." Nabuhayan ako bigla ng loob ng maalala ko. Pwede nga pala. Nanlalaki ang mga matang tinignan nya ako.
"Di ko magagawa yan Adrianne. Isipin mo na lang pati si Tatay." Pagsalungat nya. Napasimangot uli ako. Great. Ang saklap naman.
Bigla nyang inangat ang mukha ko at pinahid ang luha sa mga pisngi ko.
"Do you trust me?" Tanong nya.
"May plano ka na?" Balik tanong ko. Umiling naman sya.
"Mahal na mahal na mahal kita Adrianne. Ikaw lang ang gusto kong bumuo ng habangbuhay ko." seryoso nyang sabi.
"Ako rin. Gusto kong ikaw ang makapalitan ko ng 'i do' sa altar. Mahal na mahal din kita." Sagot ko.
Nginitian nya ako at saka hinalikan. Unti unti, nararamdaman ko ang paghiga ko sa kama nya.
And the rest is history.
*insert wedding march~*
Dahan dahan ay naglakad ako sa pulang carpet na nasa sahig. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang nakatalikod na groom. Ang kapal nya naman at sya pa ang may ganang tumalikod. Dapat nga ay ako itong...
"You look dazzling."
Napapitlag ako sa paghawak sa akin ni Dad. Isinabit nya ang kamay ko sa braso nya. Masama parin ang loob ko sa Dad ko dahil sa shotgun wedding na ito. Pero hindi naman ako galit.
Malapad at matamis ang ngiti ng mga bisita. Karamihan ay mga kasosyo ni Dad sa negosyo at mga amiga ni Mom. Nandoon din lahat ng aming mga kasambahay, maging si tatay rick. Matamlay ang ngiting pinagpalitan naming dalawa.
Sana ay biglang magkahimala at magkaroon ng lindol, o kaya ay buhawi o bagyo. Para hindi matuloy ang kasalang ito. Sana may dumating na terorista para manggulo at pasabugin itong buong simbahan. Sana ay totoo ang mga napapanood ko sa mga palabas at biglang dumating dito si Arvic at sabihing "ITIGiL ANG KASAL!!"
Malabo.
Habang papalapit ay parang dvd na nagflashback sa akin ang masasayang alaala namin ni Arvic ng magkasama. Simple lang kami at masaya. Nagkakaroon din ng mga problema pero naaayos naman kaagad. Dahil nananaig ang pagmamahal namin sa isat isa.
Napangiti ako ng mapait. Ibinigay na ako ni Dad sa groom ko. Nakita ko pa na nagbulungan ang mga ito. Napapikit ako. Sana si Arvic na lang. Si Arvic na lang pakiusap. Tuluyan ng umagos ang luhang pinipigil ko.
"Shall we?"
Napadilat ako ng magsalita ang katabi ko. Pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang likod ng palad ko at tumingin sa nagsalita.
(--.)
Seryoso??
Nakaalok ang braso nya ngayon sa harapan ko. Ano bang klaseng kasal ito?
"Bakit ka nakamaskara?" Takang tanong ko.
"Naghihintay na sila" yun lang ang isinagot nya sa akin at inakay na ako paakyat sa altar.
Ito na ang pinakaweird na kasalang alam ko. Nakatalikod ang groom habang naghihintay sa bride. Then nakamaskara sya. Kabuki mask pa. Ano ba yan.
"You may now kiss the bride." Yan na lang ang narinig ko sa pari after ng mga seremonya nya. Di ko na iisa isahin. Basta nag-i do ako. End of story.
Humarap sa akin ang groom at itinaas ang veil ko. Itinaas nya ng kaunti ang mask nya at hinalikan ako ng magaan sa pisngi.
"Congratulations!" Bati ng pari sa amin.
Akala ko tapos na yun pero nagulat ako nung pinigilan nya ako sa pagbaba ko ng altar.
Mas nagulat naman ako nung unti unti ay tinanggal nya ang maskara nya.
(O.O)???
"Gosh!--y-YOU??!"
"Did i surprised my wife?" Tanong nya sabay ngiti ng pagkatamis tamis sa akin.
"A--Ar.. Arvic??!"
Oh my! I just married my man!!
"Mommy!! Daddy!! Huhu!!"
Napapitlag ako ng yumakap sa akin si Arthur. Nagising din ang asawa ko na nasa kabilang side ng kama.
"What's wrong baby?" Kahit nakapikit ay nagawa paring tanungin ito ng daddy nya at tinapik tapik pa ang pwetan nito.
"Awtur. Bad dween." (Artur. Bad dream.) Sumbong nung bata.
"Come here. Sleep. I wont let them touch you baby." Lumipat sa tabi nya ang bata at niyakap nya. Matapos nito iyong ihele ay nakatulog na rin ito agad.
Tsaka lang nito napansin na gising pa ako.
"Bakit gising ka pa? Masama sa buntis ang magpuyat." Paalala nya at inabot ang tiyan ko para himasin.
"Hey little buddy. Let your mom sleep." Humikab ito at ilang sandali pa ay nakatulog na rin. Dala marahil ng pagod sa trabaho. Hinawakan ko ang kamay nyang nakapatong parin sa tiyan ko.
*sigh*
I've never mistaken choosing him. Ang pinakamamahal kong pinangarap kong makapalitan ng "i do". Ang nagiisang nagpapatibok ng puso ko.
I kissed Arthur's forehead and Arvic on the lips.
I love them both more than my self. Cause they are my life now.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Whoo~!!! Nakaisa rin!! Haha!!
Hello!! Sana nagustuhan nyo ito.
Worth it po ba sa time nyo? Paki vote naman po. Thankyou!!
Arvic on the multimedia
Jheyjhey