Eighth

31 1 0
                                    

Hindi ako pinatulog ng reply ko kay Benjamin kagabi. I turned off my internet para 'di ko makita ang magiging sagot niya. I knew he would say yes, confident ako, 'no! At mas lalong alam ko ring aasarin niya ako, kaya hindi ko na hinintay ang sasabihin niya.

Kinaumagahan, as expected, ang laki ng eye bags ko. Ang pangit tuloy lalo ng umaga ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang phone ko sa may side table. I saw that Ley and Benjamin had messaged me. 'Yung kay Ley lang ang binasa ko.

leyzaneunize
hi, love! manonood ka ba ng finals?

magpapa-reserve ako ng seat for you if oo :)

Finals na nga pala, gosh! Ang sama ko namang kapatid kung hindi ako manonood. Pero mas masamang tao siguro ako kung hindi ko sisiputin 'yung sinabihan ko kagabi.

I shrugged as I typed a reply.

maicahcrizan
i'm sorry huhu but i can't

wag mong papansinin si chad kapag bulok siyang maglaro at natalo siya okay

chz

enjoy kayo!

After that, I searched for Chad's name.

maicahcrizan
hoy bano, galingan mong maglaro!

mahiya ka naman kay ley kung matatalo ka

chadrivas
Ang dami mong alam. Kumain ka na dyan, sis.

At oo, gagalingan ko. May plano ako mamaya, eh. Rawr

Katulad ng plano ko kahapon, pagkakain ng breakfast ay inayos ko 'yung mga halaman sa garden. Gosh, buti na lang talaga at nasabihan ko 'yung kapitbahay namin na laging diligan 'yung mga halaman! Kung hindi, baka patay na ang mga 'to. Abot naman kasi sa gate yung host. Pwede nila 'yon diligan kahit nasa labas sila. Well, sagot ko ang isang tray ng egg nila every other week, kaya nila ginagawa 'yon.

Natapos ako around nine thirty. Agad akong naligo para mag-prepare sa date namin ni Benjamin... Hindi ko alam kung date ba 'yon, pero expected ko na kay Benjamin na 'yon ang iisipin niya. Assuming pa naman ang lalaking 'yon.

I was done getting ready after an hour. Nag-picture agad ako ng whole body pati ipakita kay Phoebe ang suot ko. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong na-conscious. Ha... Si Benj lang naman 'yon!

Emcy
okay lang ba ang suot ko?

Phoebe
Yeah, it's nice naman.

BUTTT

Emcy
but?

Phoebe
Send me a selfie of yours first! I think you're missing something.

Nangunot ang noo ko, nagtataka. Pero dahil may tiwala naman ako sa kaniya, nag-send agad ako. Sa harap pa ng bintana ako nag-picture para may natural light.

Phoebe
Put some makeup, girl

Then match your lippie with the color of your dress

Pink looks good on you, btw 💗

Emcy
makeup? gagi

no way

Phoebe
Then magmumukha kang putla, anemic, pangit

Emcy
daming alam

Phoebe
Then don't

Where are you going anyway?

Emcy
ah sa ano hehe

bye, magme-makeup lang ako

Phoebe
Maicah Crisandy !!!!!

After I did my makeup, umalis na agad ako. I left before 11 and arrived at Sweet Escape just in time. I got my phone out of my bag to message Benjamin. I was about to type a reply when someone touched my shoulder from behind.

"Holy sh—" I stopped when I saw him.

"Language, please," he said teasingly. Katulad ng lagi niyang ginagawa, hinatak niya ako papunta sa isang table. Buti na lang at magkatapat 'yung chairs so hindi kami magkatabi. "What will you have?"

"Limot na agad?" I raised a brow.

He smiled. "Of course not, I'll be back."

A few minutes later, he returned with our order. He handed me my drink. I didn't check the flavor; I just took a sip, tasting if he got it right. I smiled through the cup.

He did remember.

I saw him staring at me. "Anong tingin 'yan?"

"Nothing..." He chuckled. "Ang ganda mo pa rin."

Way Back Into Love | Rekindle Series #2Where stories live. Discover now