The Arrangement

16 2 0
                                    

Avery's POV

Kinagabihan pagkatapos ng insidente kanina sa cafeteria ay nakaupo lang ako sa study table ko. Nagbubuklat ng mga pahina sa textbook ko kahit hindi naman talaga ako nagbabasa.

Wala ako sa sariling pag-iisip ko at paulit-ulit ko na nire-replay ang mga pangyayari ngayong araw. Ang close encounter ko kay Tyler Sandoval, ang mga titig ng mga estudyante sa amin, ang pakikialam ni Analea—lahat ng yun ay parang hindi totoo.

Nagvibrate ang phone ko kaya napatigil ako sa pag-iisip. May message sakin si Mama at pinapatawag niya ako sa baba. Gusto daw nila ako makausap ni Papa.

Napabuntong-hininga na lang ako. Alam kong malamang tungkol na naman ito sa negosyo ng pamilya namin.

Ang kompanya namin na Miranda Enterprises ay nahihirapan na nitong mga nakaraang taon at ito'y laging nagiging dahilan ng stress sa pamilya namin. Hindi naman ganoon kalaki ang kumpanya namin pero sakto lang para maprovide ang mga pangangailangan namin.

Bumaba na ako ng hagdan habang iniisip kung ano na naman ang pag-uusapan namin tungkol sa mga plano sa negosyo para hindi ito tuluyang bumagsak.

Nursing student ako pero dahil sa pagbabasa ko ng mga libro about business marami na rin akong alam tungkol sa mundo ng negosyo.

Pagdating ko sa sala namin ay nagulat ako nang makita kong seryoso at tensyonado ang mukha ng mga magulang ko. May isang hindi pamilyar na matandang lalaki na nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa tabi ng fireplace namin.

"Avery, please umupo ka," sabi ni Papa.

Umupo naman ako sa katapat nilang upuan.
"Anong nangyayari?"

Lumapit ang matandang lalaki sa akin at nagpakilala. "Good evening, Miss Avery. I am Mr. Fernandez, a legal representative of the Sandoval family."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit nandito ang legal representative ng mga sandoval?

"I'll get straight to the point." Patuloy ni Mr. Fernandez. "Malaking problema na ang kinakaharap ng company ng mga magulang mo. The Sandoval family has agreed to help bail it out, under one condition."

Tumingin ako sa mga magulang ko. Ang mga mukha nila ay puno ng halo-halong desperasyon at pag-asa.

"Anong kondisyon?" Tanong ko.

Huminga nang malalim si Mr. Fernandez bago ulit nagsalita. "They propose an arranged marriage between you and the heir of sandoval empire... Mr. Tyler Sandoval."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Seryoso ba sila?

"Ano?! Arranged marriage? You're not serious." Di makapaniwalang sabi ko.

Inabot ni Mama ang mga kamay ko. Ang mga mata niya ay nagmamakaawa. "Avery, anak, makinig ka. Ito lang ang paraan para mailigtas ang kompanya natin. Kung hindi natin tatanggapin ang tulong ng mga sandoval mawawala sa atin ang lahat."

Tumayo ako at ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. "You can't be serious! Gusto niyo akong ipakasal sa isang taong halos hindi ko kilala, isang tao na kanina ko lang nameet."

"Iyon ang utos ni Sir Art Sandoval sa anak niya na lumipat sa eskwelahan na pinapasukan mo para makilala ka." Sabi ni Mr. Fernandez.

So, ako pala ang dahilan kung bakit sila nag-transfer sa Sierra Heights? Kaya pala ganon na lang ang reaksyon nila nung malaman nila ang pangalan ko.

"Wala tayong ibang choice," tahimik na sabi ni Papa. "Ang mga Sandoval na lang ang huling pag-asa natin."

Naiiyak ako habang tinitingnan ang mga magulang ko. "Pero Papa, diba maraming issues ang Sandoval empire. Sigurado ka bang makakatulong sila sa atin?"

A Journey Through Love and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon