Kabanata 2 - Sino?

2 2 0
                                    

Someone's pov

Masayang pumasok ang mga mag-aaral, nagkakatuwaan at nag-aaral ng mabuti. Akala nila'y normal ang lahat ng mapansin nilang hindi na pumapasok si Jetpherson. At kakaiba na din kumilos sina Sam at Gab.

"Andrei, bat hindi na pumapasok si Jetpherson?" Tanong ni Nix dito.

"H-Ha? Ewan k-ko." Nauutal na sagot ni Gab. Pinagpapawisan at parang nababalisa pa.

"Hindi naman sa ano pero nag sha-shabu kaba?" Tanong naman ni Avril dito at nag tawanan ang mga nakarinig.

"Grabe ka naman kay Gabriel Janelle." Sagot ni Kate.

"Eh kasi parang lagi siyang kinakabahan." Sagot ni Avril at pumasok na ang guro nila na si Ma'am Kristel.

"Good afternoon class, everybody sit down and listen carefully. We will be having a quiz after our discussion." Anunsiyo nito at sinumulan nang magturo.

Maganda ang pag tuturo nila sa eskuwelahang ito. Madaling naiintindihan ng mga bata at matataas ang mga markang nakukuha nila kaya naman siguradong makakapasok sila sa mga malalaking unibersidad.

"Okay, pass your papers now." Saad ni Ma'am Kristel at ibinigay naman ng mga estudyante ang papel nila sa kanya. "Tacbalan come forward." Tawag nito kay Chesvin. Pumunta naman ito sa harap.

"Yes ma'am?" Tanong nito.

"What happened? Bakit ang baba ng score mo?" Tanong ni Ma'am Kristel at napakamot naman ng ulo si Chesvin. "Sa lahat ng section kayo lang ang may ganitong score, come with me." Saad nito at lumabas. Sinundan naman siya ni Chesvin.

Matapos ang ilang minuto at bumalik na si Chesvin. Pawis at tila takot na takot.

"Anong nangyari?" Tanong ni Merlinda dito ngunit hindi ito sumagot at bumalik kaagad sa kaniyang upuan.

"Hoy!" Huling tawag ni Merlinda dito pero hindi talaga siya nito nilingon. Minatahan ito ni Merlinda. "Edi wag mong sabihin." Isip niya sabay irap.

Flashback

"Hindi dapat malaman ng kahit na sino ang pinag-usapan natin ngayon. If word gets to me that you told someone, alam mo na." Bulong ni Ma'am Kristel dito bago umalis.

Bago pa magtangkang magtanong ang ibang mga kaklase ni Chesvin sa kanya ay dumating na ang sumunod nilang guro.

Pumasok ito ng walang emosyong makita sa mga mata at parang hindi maganda ang timpla. Tumayo lang ito sa harapan hanggang sa tumahimik ang lahat.

"Okay. Hindi muna ako mag le-lesson. We're gonna have a group activity." Anunsiyo niya kaya ginanahan ang mga estudyante. "Ehem, group yourselves into 5. You have 3 minutes to pick your members." Dagdag nito at nag mamadaling nag kumpulan ang mga estudyante.

46 silang lahat ngunit wala nanaman si Jetpherson kaya naman sakto lang sila para sa siyam na grupo.

"Ganito ang gagawin, makinig. Mag-usap kayo at magtatanong sa isa't isa. Hawak ko dito ang mga itatanong niyo. Isulat niyo sa papel ang mga sagot niyo." Isa-isa niyang pinamigay ang papel at nag simula nang magsagot ang mga estudyante.

"Ako muna, kung pwedeng kainin ang...tao ano ang gusto mong matikmang parte..?" Pahina nang pahina ang boses si Karl habang binabasa ang tanong sa mga ka miyembro niya. "Bat ganto yung mga tanong?" Sa isip ni Karl.

Tinaas ni Mark ang kamay niya upang magtanong. "Ma'am pwede po bang mag pass?" Tanong nito at sinamaan naman siya ng tingin ni Ma'am Cristina.

"No. You must answer every question on that paper." Madiing sabi nito.

"Sagutan niyo na lang." Bulong ni Merlinda kaya sinagutan na ng mga estudyante ang mga tanong.

"Uh siguro yung utak hahaha kasi baka parang jelly ace lang pala." Sagot ni Dayshaun dahilan para mabaling sa kanya ang tingin ng lahat. Ang iba ay natawa, ang iba naman ay nandiri.

"Sabi dito, if kailangan mong pumatay would you choose your father or mother-hala bat ganto mga tanong dito." Bulong ni Nix.

"Mama ko, wala naman ako non eh." Diretsong sagot ni Avril at natawa pa.

"If someone you loved committed a gruesome murder, would you help them cover it up?" Basa naman ni Charmaine sa tanong.

"For me, hindi. Kasi mali yon, kahit na mahal ko pa siya di ko pagtatakpan ginawa niya." Sagot naman ni Ralph at sumang-ayon naman sila.

Tahimik namang nakikinig si Trixie. "Ako oo, gagawin ko yon." Isip nito.

"Would you rather murder three innocent children or watch three of your loved ones die in front of you?" Tanong naman ni Ria sa mga kagrupo niya.

"Hala, parang tanga naman." Sagot ni Melo.

"Ayon nga yung tanong, basahin mo pa." Sagot ni Ria.

"Di naman ikaw, yung tanong kasi teh."

"Ehem..." Tahimik na nakikinig ang guro nila at gagawa lamang ng ingay kapag hindi nagustuhan ang sagot ng mga bata.

Nagpatuloy ang mga estudyante sa pag-sagot sa mga tanong at nang matapos na ay ibinigay na nila sa guro ang mga papel.

"Del Castillo, babaguhin mo ang sagot mo o ibabagsak kita?"

"S-San po ma'am?" Kabadong tanong ni Melo.

"Wala po because I don't want anyone to die?" Basa ni ma'am sa sagot ni Melo. "You won't last in this school." Bulong nito. "Baguhin mo yan ngayon na." Utos ng guro kaya agad binago ni Melo ang sagot niya kahit na medyo naiinis.

"T*angin*ng toh, ang arte!" Sa isip ni Melo at umirap.

"I will deduct one point from your section. If your points reach zero...hmm I can't imagine what will happen to all of you." Sabi nito at nginitian ang mga estudyante bago umalis.

Inayos na nila ang mga gamit nila, nagdasal at naghanda nang umuwi.

"Mag-ingat kayong lahat." Sabi ko sa lahat ngunit walang nakarinig nito ni-isa.

Hindi na ako papalya ngayon. Gagawin ko ang lahat mapatumba lang ang mala-demonyong eskwelahang ito!

B6 11 - Unang TaonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon