NAPANGANGA akong pinanood na umiyak ang kapatid ko. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko sa sitwasyon namin ngayon. Pinilit kong kumawala sa tali na nilagay nila sa kamay ko.
Napahinto ako sa ginawa ko dahil nakaramdam ako ng malamig na bagay na tumama sa aking ulo.
"Subukan mong iputok yang baril sa ulo ng anak ko, Miguel."napatingin ako sa taong palapit sa amin na may dala-dalang baril.
"Ano to? Family reunion?"para itong baliw na tumatawa.
Pinutok ng kung saan-saan ang baril nito kaya mas lalo akong nataranta sa ginawa niya.
"Puta! Kayo masayang mabuo samantalang ako hinahanap pa ang katarungan ng pagkamatay ng asawa ko!"
Baliw na siya, hindi ko na siya kilala.
"Okay lang sana sa akin kong Ako lang ang sinasaktan mo...pero hindi ko kayang makikitang pati ang anak ko ginagago mo!"sigaw ni mommy.
Mas titig pa ako sa baril kisa sa mga matang pinapanood kami dito.
Baka kasi kung saan-saan ito po iputok at may matamang ibang tao. Hindi ako nagkamali na nakatutok ang baril kay Lloyd, kaya halos takbuhin ko na ang pagitan namin bago pa niya makalabit ang katilyo at maiputok ito.
"Lollie, baby please look at me."mas lumabo ang paningin ko no'ng nakaramdam ako ng kirot sa aking likod at binti.
Dalawang putok, ganiyan kana talaga ka demonyo, Miguel?
Magkasunod-sunod na putok ang narinig ko pero halos hindi ko na makita kung ano ang nangyari dahil sa panlalabo ng aking paningin.
"Please hold on baby."hindi ako nagkamali sa boses na yun. Halos tatlong araw ko nang hindi yan narinig.
Hindi ko na kaya at tuluyan na akong napapikit dahil sa panghihina ng katawan ko.
I'm weak, I want to help them but how? Halos araw-araw nanga akong nag search sa internet ng nga basic technique para lang may alam ako paano.
Napapikit nalang ako sa sakit.
Nagising ako sa ingay ng narinig ko. Napatingin ako sa kisame. Nasa langit na ba ako? Hindi pa pwede may kailangan pa akong malaman.
"Anak, kumusta na pakiramdam mo?"walang emosyon akong tumingin dito. "Anak, I need to explain."
"I'm okay and then explain."titig na titig ako dito na halos hindi ko man lang namalayan na dumadaloy na pala ang luha sa pisngi ko.
Napatingin ako sa paligid ko nandito sila lahat. Family reunion nga siguro ito. Natawa ako sa sarili kong iniisip. Except sa mga kaibigan ko siguro umuwi na sila o di kaya nagpapahinga na.
"Anak patawarin mo ako dahil senekreto ko lahat."
Napasigaw ako at hindi ko intensyon na sigawan siya"GUSTO KO LANG NAMAN MAGING MASAYA MOMMY!"humahagulgol ako dahil sa subrang sakit." Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin para hindi ako magmukhang tanga kakaisip kong anong nagawa kong mali."tumitig ako sa mata nitong puno ng luha.
"Ginawa ko lang naman yun sayo para dahil yun ay akala kong tama."lalapit na sana ito sa akin pero umatras ako.
Nakita ko sa mga mata nitong nasaktan siya pero walang nakakakumpara sa anong naramdaman ko ngayon.
YOU ARE READING
THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈 (COMPLETED/Under edited)
Action𝙶𝚞𝚕𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚜𝚘𝚔 𝚔𝚘 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚔𝚘 𝚊𝚕𝚊𝚖 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚙𝚊𝚕𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚒𝚗𝚊𝚐𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚒𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚎𝚜𝚝𝚞𝚍𝚢𝚊𝚗𝚝𝚎.𝙼𝚊𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚙𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙,𝚖𝚊𝚜𝚊𝚑𝚘𝚕 𝚙𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚜𝚘 𝚊𝚗𝚐 pinunu 𝚗𝚒𝚕�...