"MA," pagtawag ni Vivianne sa ina na si Ella habang nakakunot ang noo. "Bakit po kayo nandito? Hindi ba dapat ay nagpapahinga kayo roon sa kuwarto?" aniya bago lumapit sa ina. Inalalayan niya ito. Baka kung mapaano ka."
"Nanghihina lang ako, anak, pero kinaya ko namang maglakad." Ngumiti si Ella sa kan'ya bago itinuro ang pinto. "Tingnan mo, mula sa kuwarto ko ay nakapaglakad ako hanggang dito. Kahit papaano, g-gumaan ang pakiramdam ko..."
Biglang nahirapang magsalita si Ella. Hindi na rin siya makahinga nang maayos. Matagal nang ganito ang pakiramdam niya at hindi niya rin alam kung bakit. Wala siyang ideya sa kung ano ang sakit niya. Siguro ay dahil ikinulong lang siya ni Alfred dito sa bahay kaya naman hindi na rin kinaya ng katawan niya.
"Hay. 'Yan ba ang gumagaan ang pakiramdam, ma? Halos pinagpapawisan na nga ang noo mo." Napailing na lang si Vivianne. Inalalayan niya sang ina para umupo roon sa gilid. "Paano ka pala nakapunta rito, ma? Wala bang nagbabantay sa 'yo roon sa kuwarto?"
"Wala." Umiling si Ella. "May mga ginagawa sila ngayon, at nalaman ko ring nandito ka pala. Sakto at wala rin ang tatay mo kaya nakapuslit ako papunta rito."
Tumango si Vivianne bago tinanggal ang boxing gloves sa kan'yang mga kamay. Inilagay niya 'yon sa gilid, at doon ay napatingin siya kay Ella.
Her mother's condition are not getting any better. Namumutla ang balat at labi nito, at mas lalo ring nangangayayat. Madalas na nga rin itong naka-bedrest dahil sa sobrang panghihina, at nagw-wheelchair kapag hindi na nito kaya maglakad.
Mukhang kaunti na nga lang ay bibigay na ito.
Malungkot na ngumiti si Vivianne at hinawakan ang kamay ng ina. "Gaano na nga ulit katagal mula nang maging gan'yan ang pakiramdam mo?"
"Sa totoo lang, hindi ko na rin matandaan." Bumuntong hininga si Ella. "Hindi ko na alam ang pakiramdam ng maging malakas. Kahit panghinga lang, parang napakalaking trabaho pa para sa 'kin."
Isang himala nga na nakapaglakad si Ella nang ganoon kalayo, at hindi ginagamit ang wheelchair niya. Akala niya ay mas lalo siyang manghihina nang mawalan siya ng gana kumain, ngunit hindi pala. Tila gumanda ang pakiramdam niya.
'Sigurado akong may kakaiba rito,' ani Vivianne sa isip, ngunit sa dami ng galamay ni Alfred, nahihirapan siyang mag-imbestiga sa loob.
"O siya, kumusta ka na, anak? Ngayon lang ulit kita natitigan nang ganito kalapit," muling saad ni Ella, dahilan para mabalik si Vivianne sa reyalidad. "Pumayat ka, at mukha kang malungkot. Nahihirapan ka na ba, anak ko?"
"Hindi, ma." Umiling ang dalaga habang nanatili sa sahig ang tingin nito. "Ayos lang ako. Mahirap lang gawin 'yong mga bagay na hindi mo gusto, pero makita lang kitang maayos ay okay na ako."
Ngumiti nang malungkot si Ella at hinawakan pabalik ang kamay ng dalaga. Napadako ang tingin niya sa sugat nito sa palapulsuhan.
"Alam mo ba kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yon noon?" tanong ni Ella. "Kasi ayokong madamay ka sa gulong ito. Ayokong maramdaman mo na parang nakakulong ka... pero ganoon pa rin pala talaga ang nangyari sa 'yo."
Pumiyok ang boses ni Ella matapos sabihin 'yon. Nangilid na rin ang luha sa kan'yang mga mata.
Napansin 'yon ni Vivianne, dahilan para kumirot din ang puso niya. "Ma, ayos lang talaga ako. Huwag mo akong alalahanin. Alalahanin mo lang muna ang kalusugan mo—"
"Gusto mo ba talagang makawala sa impiyernong 'to?" biglang tanong ni Ella na siyang nakapagpatigil sa pagsasalita ni Vivianne.
"Ma... Anong klaseng tanong ba 'yan?" Pilit na tumawa si Vivianne, pero nanatiling seryoso ang tingin ng ina sa kan'ya. "Opo naman, ma. Gustong-gusto ko nang makalayo sa lugar na 'to kasama ka."
"Kung ganoon, kailangan mo magsakripisyo," ani Ella bago tinitigan si Vivianne nang maigi. "Kailangan mo ng kapangyarihan."
"Ma, hindi kita naiintindihan—"
"Naiintindihan mo ako. Alam mo ang ibig kong sabihin," pagputol ni Ella sa sasabihin ng anak. "Hindi ka makakagawa ng paraan kung puro sunod lang kay Alfred ang gagawin mo. Kung gusto mo akong makuha rito, kailangang ikaw muna ang makawala. Kailangan mo muna akong pakawalan."
Umiling si Vivianne habang nakakagat sa pang-ibabang labi. "Hindi puwede, ma. Paano ka? Ikaw na naman ang pagbabalingan niya kapag ginawa ko 'yon." Tumulo ang luha niya. "Halos hindi ko kayanin noong saktan ka niya sa harapan ko. Pakiramdam ko... Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit nangyayari sa atin 'to..."
"Hindi 'yan totoo, anak... Hindi..." pagpapakalma ni Ella kay Vivianne bago ito niyakap nang mahigpit. "Hindi mo kasalanan ang mga pangyayaring 'to. Please, huwag mong isipin 'yan. Huwag mong pasanin ang mga bagay na hindi naman kailangan. Pakawalan mo na ang lahat."
Yumuko lang si Vivianne at sumandal sa balikat ng ina bilang tugon. Pinipigilan niya ang lumuha. "Ma..."
"Kinaya ko 'to noon. Kakayanin ko pa rin ngayon sa ngalan ng paglaya mo." Hinaplos ni Ella ang likod niya habang pinapakalma si Vivianne. "At alam kong kakayanin mo rin."
"Kakayanin ang alin?"
Napatingin si Vivianne at Ella sa may pintuan nang may magsalita roon. Halos mamutla sila nang makitang si Alfred iyon. Madilim ang ekspresiyon ng mukha nito, at ang galit niya ay ramdam sa buong kuwarto.
"Alin ang kakayanin, Ella?" muling tanong ni Alfred sa isang nakakatakot na tono.
"A-Ah—"
"'Yong pagbo-boxing," si Vivianne na ang sumagot sa tanong ng ama. Naiirita kasi siyang makita kung gaano katakot ang ina kay Alfred. "Sabi ko kasi, maraming mas magaling sa akin sa pagbo-boxing, at hindi ko alam kung kakayanin ko rin maabot 'yong galing nila. Sabi ni mama, kakayanin ko rin daw 'yon."
Tiningnan siya ni Alfred nang masama, halatang hindi naniniwala sa sinasabi nito, ngunit hindi nagpatinag si Vivianne. She looked at her father with the same intensity. Hindi siya nag-iwas ng tingin.
Ilang segundo sila sa ganoong sitwasyon hanggang si Alfred na mismo ang umiwas ng tingin. Tumingin ito kay Ella. "Sino'ng nagsabi na puwede kang pumunta rito? Saka nasaan ang mga tagabantay mo?"
"Hindi pa naman ako nagtatagal dito," sagot naman ni Ella.
"Wala akong pakialam kung tumagal ka na rito o hindi. Hindi 'yan ang tinatanong ko," ani Alfred kasabay ng pagpasok ng mga katulong sa loob ng gym.
Halos hindi maipinta ang ekspresiyon sa mga mukha nila nang makitang nandoon si Ella, maging si Alfred na matalim ang tingin sa kanila ngayon. Alam nilang mapapagalitan sila dahil nakapuslit sa paningin nila si Ella. Hindi naman nila 'yon sinasadya.
"Take her away," utos ni Alfred sa kanila nagpamulsa.
"Opo, Sir," sagot nila bago hinila si Ella patayo, palayo kay Vivianne, bago ito dinala sa labas.
Tumingin si Ella sa kan'ya sa huling beses bago tuluyang isara ng isa sa mga katulong ang pinto. Vivianne showed her a small smile and nodded. Naiintindihan na niya ang gusto ng ina, at kahit ayaw niyang gawin 'yon, kailangan nilang sumugal.
Hindi puwedeng ganito na lang ang maging buhay nila.
"Hindi ka na talaga nakikinig sa akin," saad ni Alfred sa isang mariin na tono. "Sinabi ko na sa 'yo, hindi ba? Hindi mo puwedeng makita ang nanay mo hangga't hindi mo nababalik ang client natin. You should have reported it to the maids when she got here."
"Bakit ko naman 'yon gagawin? Na-miss ko rin naman si mama," ani Vivianne bago ngumisi. Ipinagkrus niya ang dalawang kamay sa harap ng dibdib. "And about the client? I already got him back. Don't worry about it."
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...