Chapter 53

48 3 0
                                    

SA ISANG beach sa Batangas igaganap ang kasal ni Beckett at Vivianne. Pamilyar sa dalaga ang lugar, pero hindi niya maalala kung saan nga ba niya ito nakita rati.

Hindi ito isang simpleng Beach Wedding lang. Nagkalat ang mga mamahaling dekorasyon sa lugar, maging ang ilang mga team na kinuha ni Beckett upang masigurong magiging maayos ang kasal at reception nila.

Nagkalat na rin ang ilang reporters dahil si Beckett ang ikakasal, at matunog ang pangalan nito sa media kamakailan lang. Nandoon din ang iba pang mabibigat na celebrities, maging si Jeru at ang partner nitong si Paige, na siyang pinagkaguluhan din sa kasal.

Dahil may inaasikaso pa si Beckett sa loob ng dressing room niya, naiwan munang mag-isa si Vivianne sa photography room. Doon sila kukuhaan ng litrato pagkatapos ng kasal, ngunit ginawa niya munang tambayan 'yon dahil niya pang makisalamuha sa ibang tao.

Pero may isang tao talaga na makulit na ayaw siyang iwan.

"Grabe, sobrang bongga naman pala nito ni Beckett, ano?" ani Lily habang sinisilip ang kabuuan ng beach mula sa loob. "Parang kasal lang ng mga royal blood 'tong pinuntahan ko, eh. Tapos tingnan mo, nakikisama pa 'yong araw sa kasal n'yo. Hindi gaanong mainit, pero hindi rin sobrang dilim—"

Napatigil si Lily sa pagsasalita nang makitang nakatulala lang si Vivianne sa kawalan. Hindi na rin mabilang ng kaibigan kung ilang beses na itong bumuntonghininga.

"'Te, nakikinig ka ba sa akin?" ani Lily, at doon pa lang niya nakuha ang atensiyon ni Vivianne.

"Ha? May sinasabi ka ba?"

Napailing na lang si Lily bago sinapo ang noo. "Hay, naku. Kasal ba talaga 'tong aattendan ko o lamay? Daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura mo ngayon."

Napabuntong hininga na lang ulit si Vivianne. "Hindi ko kasi alam ang dapat kong maramdaman, eh. Nakuwento ko naman na sa 'yo, 'di ba? Hindi 'to totoong kasal."

Naikuwento na kasi ni Vivianne kay Lily ang tungkol sa kanilang dalawa ni Beckett, sa kung paano naging sila, at noong maghiwalay sila dahil may kailangan silang asikasuhin parehas, at ngayon nga ay magpapakasal sila para sa negosyo.

Ang hindi niya lang binanggit ay 'yong parte tungkol sa kan'yang ina. Pinagkakatiwalaan naman niya ang kaibigan. Kaya lang, pulis pa rin ito.

Paano kung bigla na lang nitong sugurin ang bahay nila kapag nalamang parte siya ng isang Mafia? Mahirap na.

"Ah, so kaya ka malungkot kasi hindi 'to totoong kasal?" Tumaas ang sulok ng labi ni Lily.

"Hindi..."

Muling tumingin si Vivianne sa labas mula sa bintana. Tama si Lily. Masaya ang lahat, maganda ang panahon, at mamahalin din ang lahat ng dekorasyon.

Kung tutuusin, lahat ay nangangarap na maikasal kay Beckett. Si Vivianne rin naman. Hindi niya lang talaga kung dapat siyang maging masaya dahil peke lang naman ang lahat.

Bubuntong hininga na sana siya nang biglang nagsalita si Lily. "Imbes na malugmok ka riyan, tingnan mo na lang 'yong magagandang bagay sa paligid ngayon at sa mga susunod na araw. 'Yon ang ginagawa ko kaya nakakangiti pa rin ako kahit sobrang stressful ng trabaho ko."

Napangiti si Vivianne nang marinig ang mga katagang 'yon. Kita niya kasi kung gaano ka-passionate si Lily sa trabaho nito bilang pulis. Ganoon din kasi siya noong dress stylist pa siya, kahit pa bago siya kunin ni Beckett sa Syneverse.

"Mabuti naman at nakangiti ka na. Sayang naman kasi 'yong make-up at wedding dress mo kung hindi ka ngingiti. Ang ganda pa naman din nito!" saad ni Lily nang makitang kahit papaano ay nagiging maayos na ulit ang mood ng kaibigan.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon