"EVERYONE, can I borrow my future husband for a moment?" kinakabahan ngunit ma-awtoridad na saad ni Vivianne. "I believe we should rest for a bit before the wedding, right?" dagdag niya pa nang tingnan siya ng reporters bago tumingin kay Beckett.
Maging si Beckett ay nagtaka dahil sa biglaang pagsingit niya sa usapan. Hindi naman kasi 'yon gawain ni Vivianne. Madalas ay nakikinig lang ito sa mga usapan at walang pakialam, ngunit iba ang babae ngayon.
Muli lang nabalik si Beckett sa wisyo nang kurutin siya ni Vivianne. Nakatingin ito sa lalaki nang masama at tila sinasabing tulungan siya nito.
"Ah, right," ani Beckett at naintindihan na ang gustong mangyari ng dalaga. Tumingin siya sa reporters at ngumiti. "I will let you interview me after this. Kindly excuse us."
Naglakad na si Beckett paalis habang nakahawak pa rin siya sa beywang ni Vivianne. Dinala niya ang babae sa isang sulok.
Balak pa sanang makiusyoso ng ibang bisita at ng ibang reporters na sinusubukang kumuha ng exclusive scoop, ngunit napahinto sila nang biglang may humarang na mga lalaking nakaitim na damit sa harapan nila.
Apat na bodyguards iyon ni Beckett, pero hindi mula sa Syneverse. Si Beckett mismo ang nag-hire sa kanila upang bantayan sila ni Vivianne.
"Make sure no one will be able to eavesdrop, even all of you," utos ni Beckett sa kanila, at sumunod naman ang mga ito.
Lumayo pa sila nang bahagya sa kinatatayuan ni Beckett at Vivianne upang bigyan ang mga ito ng privacy. Matapos no'n ay bumalik na si Beckett sa kinatatayuan ng babae. Nakakrus ang mga kamay nito habang nakatingin sa kan'ya nang masama.
"Future husband, huh? I like it," ani Beckett at ngumiti nang nakakaloko, pero hindi nawala ang kaninang ekspresiyon ni Vivianne. "Why are you looking at me like that? Did I do something wrong?"
"Ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?" tanong ni Vivianne, medyo galit ang tono ng boses nito. "Ako ba ang dahilan kung bakit ka sumali sa Foedus?"
Umiwas ng tingin si Beckett. Nagkamot ito ng batok bago nagsalita. "It's none of your business."
Napahilot si Vivianne sa kan'yang sentido nang marinig ang mga katagang iyon. Beckett didn't answer directly, pero alam niya na kung ano ang sagot sa kan'yang katanungan. Sumali si Beckett sa grupong iyon nang dahil sa kan'ya.
"Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon mo noong sinabi ko na baka backer lang ang hanap mo noon. Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin ang totoo?" tanong ni Vivianne, ngunit hindi sumagot si Beckett. Nakatingin lang ito sa pader sa kanilang likuran. "At saka bakit ka sumali roon? Bakit... iniisip mo pa rin ang kapakanan ko?"
"Because I still love you," walang pag-aalinlangang sagot ni Beckett.
Muling nagtama ang kanilang mga mata, dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Vivianne. Tila matutunaw kasi siya sa tingin ni Beckett, maging sa sinabi nito.
Ngunit kaagad ding nawala ang pakiramdam na iyon nang magsalitang muli si Beckett.
"Is that what you want to hear from me?" tanong ng lalaki bago ngumisi. Hindi nito pinuputol ang titigan nilang dalawa. "That I still love you? That I want you to come back to me?"
Tila napahiya si Vivianne sa narinig. Mabilis na umakyat ang inis sa kan'yang ulo kaya tumaas din ang kamay niya. Akmang sasampalin niya na sana si Beckett nang makita niya ang iilang taong sumisilip sa direksyon nila.
Pinilit niyang ngumiti nang pagkatamis-tamis. Pagkatapos ay hinaplos niya ang pisngi ng lalaki. "Gago ka talaga at tarantado, ano? Sinong nagsabi na 'yan ang gusto kong marinig?" tanong niya para mapagtakpan na rin ang hinayang na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
Любовные романыBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...