Chapter 67

28 3 0
                                    

SUGATAN SI Dylan at takot na takot. Nakasiksik lang ito sa dulo at halatang iwas sa mga tao. Maging sa mga nagligtas sa kan'ya ay malayo ang loob nito. Mukhang na-trauma ito dahil sa sakit na naranasan.

Vivianne suddenly remembered herself upon seeing Dylan's situation. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit sa kan'yang puso dahil doon. She crouched on the floor, looking at Dylan.

"Dylan..." pagtawag niya sa bata, ngunit sa gulat ni Vivianne ay biglang lumayo si Dylan at mas siniksik pa ang sarili sa dulo ng upuan. "S-Si ate Vivianne mo ito. Hindi mo na ba ako... natatandaan?" dagdag niyang tanong.

Hindi naman siya tiningnan ni Dylan bago ito lumayo, kaya nanlaki ang kan'yang mga mata nang marinig ang sinabi ni Vivianne. Dahan-dahang humarap ang bata kay Vivianne upang tingnan kung nagsasabi ito ng totoo.

"A-Ate Vivianne..." pagtawag ni Dylan sa isang mahinang tono. Takot pa rin ngunit hindi kagaya kanina ay nagkaroon ng pag-asa sa mga mata nito.

Pag-asang ligtas na siya... at wala nang masamang mangyayari sa kan'ya dahil nandito na ang kan'yang ate Vivianne upang protektahan siya.

Huminga si Vivianne nang malalim at inilahad ang magkabilang kamay. Alam na kaagad ni Dylan ang gagawin pagkatapos no'n. He stood up, ran toward Vivianne, and gave her a hug.

Masaya ang bata habang nakayakap sa dalaga, at ganoon din ang nararamdaman ni Vivianne. Ang pagkakaiba lang, mas lamang ang konsensiyang nararamdaman.

"I'm sorry..." bulong ni Vivianne, halos hindi na nito marinig ang sariling boses.

Nagtaka naman si Dylan sa narinig. "Bakit po?"

"Basta... Sorry. Sorry sa lahat ng nagawa ko." Niyakap ni Vivianne nang mahigpit si Dylan bago pumikit nang mariin. Ayaw niyang umiyak sa harap ng lahat, lalo na at kasama niya si Beckett.

Pero mas lalo lang siyang nahirapang pigilan ang sarili dahil sa ginawa ng bata. Mas yumakap ito sa kan'ya nang mahigpit bago nagsalita. "Thank you po, ate Vivianne. Dahil kapag natatakot po ako, ikaw ang nandiyan para sa akin. Ikaw po ang hero ko..."

A tear fell from Vivianne's eyes as she bit her lower lip, hard, until it bleeds. Walang katotohanan ang lahat ng 'yon. Binalak nga niyang pabayaan si Dylan kahit alam na niya ang tunay na nangyayari rito.

Naging duwag siya. Ganoon pa man, sobrang laki pa rin ng tiwala sa kan'ya ni Dylan... and that made her guilty even more.

MATAPOS ang naging pag-uusap ni Beckett at ng iilang opisyal ng pulis doon sa police station, naging maayos na ang lahat. The government took Dylan under their custody.

Para masigurong hindi makakagawa si Alfred ng paraan para muling lapitan si Dylan, sinigurado niyang ang mga hawak na tauhan ang mag-aasikaso sa bata. Sa ganoong paraan, wala ring makakagalaw rito na kahit sino.

"Nakahanap na kami ng lugar kung saan siya puwedeng tumira. Magiging kasama niya roon ang iba pang bata na kaparehas niya ang sitwasyon," ani ng isang babaeng police officer. "I will send him there now. Ipapahatid ko siya sa isang tauhan ko roon. Gusto mo bang malaman kung saan 'yong lugar?"

Tumango si Beckett. "Yes, please."

She took a pen and paper on the table and wrote something on it. Pagkatapos ay ibinigay niya 'yon sa binata. "Here."

"Thank you." Beckett showed a small smile before taking the paper. Tumingin siya kay Dylan, at nakita niyang nakatitig lang ito kay Vivianne habang hindi nawawala ang ngiti sa labi nito.

"Ate Vivianne, bibisitahin mo po ba ako roon?" tanong ni Dylan habang abot-tainga ang ngiti nito. "Bisitahin mo po ako, ha? Para po mapanatag ako."

"Soon. I will." Hinaplos ni Vivianne ang buhok ng bata bago ngumiti. "Mag-iingat ka roon. Magkikita pa tayo ulit."

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon