'PAALISIN ang asungot, done!' nakangiting saad ni Vivianne sa sarili habang ipinagpapatuloy ang mga dokumentong inaayos niya kanina.
Pakiramdam niya, nakahinga siya nang maluwag dahil nawala na si Joan sa warehouse. Tila ba nawalan ng mga matang nagmamasid sa kan'ya, at puwede niya nang gawin ang lahat ng gusto mula ngayon.
Siyempre ay hindi 'yon totoo. Alam naman niyang halos lahat ng nasa loob ng warehouse ay loyal kay Alfred. Ganoon pa man, iba pa rin kasi talaga ang inis niya kay Joan. Tipong kumukulo kaagad ang dugo niya kada makikita 'to.
"Sana magtanda na siyang buwisit siya," muli niyang bulong habang nagso-sort ng dokumento.
Dahil si Joan ang nag-aasikaso ng karamihan sa mga illegal na gawain ng mafia rito sa main branch, kailangang saluhin ni Vivianne ang ibang trabahong maiiwan ng babae.
Katulong naman niya roon si Jill, habang kinuha naman ni Alfred ang maseselang trabaho na hindi niya pa kayang ipagkatiwala kay Vivianne.
Imbes na mainis, mas nasiyahan pa si Vivianne roon. Ayaw niya rin naman talaga ng mga illegal na gawain.
Kaya lang, hindi niya inaasahang ipapatawag siya ni Alfred sa office nito.
"Jill may be talented, but the fact that she's still a newbie in this field doesn't sit right with me. Busy rin ako umasikaso ng ibang bagay. So, I'll assign you this one." Alfred slid a red folder on the table toward Vivianne.
Red folder means missions that are highly-prioritized and urgent, bagay na ipinagtaka ni Vivianne. Madalas kasi ay hindi siya pinagkakatiwalaan ni Alfred sa ganitong bagay anuman ang mangyari.
"'Di hamak na mas magaling ako sa 'yo!"
Biglang nag-echo sa utak ni Vivianne ang sinabi ni Joan. Naalala niya kasi na madalas ay kay Joan napupunta ang ganitong klase ng tasks, at ngayon, alam na niyang hindi dahil sa binabayaran ni Alfred si Joan kaya sinusulit niya ang pag-uutos dito.
Joan is talented and intelligent... and it was a bitter truth for Beckett.
'Stop, Viv. Ngayon ka pa ba talaga mai-insecure?' pagsita ni Vivianne sa sarili bago binuksan ang laman ng folder.
Kumunot ang noo niya nang makita kung ano'ng misyon ang ipinagagawa sa kan'ya ng ama.
"That is the list of all the people who had debts from us. Lima lang sila, pero huwag mong mamaliitin ang mga iyan. Maging si Joan ay nahirapang hagilapin silang lahat," pagpapaliwanag ni Alfred. "But I know you can do it. You're my daughter. You should have taken intelligence from me."
Nagdilim ang paningin ni Vivianne bago kumuyom ang noo. Gusto niya nang ihagis ang folder sa pader at umalis doon sa office ni Alfred, pero alam niyang walang magandang maidudulot kung gagawin niya 'yon.
"I don't want to." Ibinalik ni Vivianne ang folder sa lamesa. "Kahit hindi si Jill, pero ibang tao na lang ang ilagay n'yo riyan. Alam kong may iilan ka pang tauhan na mas magaling kay Joan o kasinggaling niya."
"No. You should be the one to do it," Alfred replied, his tone firm.
"But this is a dangerous job! Loan shark debtors are merciless. Maaari akong mapahamak doon kahit handa ako. Wala ka na ba talagang konsensiya?!"
Hindi na napigilan ni Vivianne ang mapabulyaw sa inis at gulat. Hindi rin kasi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng ama. Dealing with loan sharks is a tough job, lalo na kapag sinisingil na ang mga ito. Handa kasi silang pumatay para sa pera.
The same as Alfred. Ang pagkakaiba lang, puro utos ang ginagawa nito.
"Talaga bang 'yon ang dahilan mo, o hindi mo lang talaga kayang maningil?"
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
Storie d'amoreBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...