Chapter 77

34 3 1
                                    

NAGTAGUMPAY si Ylona na gawin 'yon. Nang makauwi ay sinabi niya sa kan'yang asawa ang lahat, kaya naman nagpakalayo-layo sila at nagtago mula kay Alfred. For years, they succeeded in maintaining a simple life.

Akala nga nila ay tumigil na si Alfred sa paghahanap sa kanila noon... pero hindi pala.

Dahil noong saktong papauwi pa lang si Beckett galing sa Milan, saktong natunton sila ni Alfred at kinuha ang buhay nilang dalawa.

"Tangina," napamura na lang si Alfred nang maalala ang lahat ng 'yon. "How dare they betray me like this?" dagdag niyang bulong, naiinis dahil pakiramdam niya ay naisahan siya.

Pero hindi niya hahayaang maulit ang nakaraan. Mahina pa siya no'n at marunong pa magtiwala, pero ngayon ay hindi na.

Alfred took his phone and called someone. "Joan."

"Sir Alfred!" masayang bati ni Joan sa kabilang linya dahil hindi niya inaasahang tatawagan siyang muli ni Alfred. "M-May ipapagawa ka ba sa akin? Gagawin ko ang lahat para lang makabawi!"

"This is the last time I'll give you to redeem yourself." Sumandal si Alfred sa couch. "Find Beckett's drug den, and all the information about Foedus Corporation. He should be removed from that group, no matter what, and I will take my daughter away from him."

SAMANTALA, dinala ni Beckett si Vivianne sa Agrianthropos para roon magpahinga. Inaayos ni Beckett ang pagkakabenda sa sugat ng asawa dahil muli itong dumugo kanina noong nasa biyahe sila.

Beckett wanted to go to the hospital at that time, but Vivianne insisted that they should go directly to the Agrianthropos City instead. Napapagod na rin kasi siya sa dami ng nangyari ngayong araw, at gusto na lang niyang magpahinga.

Habang ginagamot ni Beckett si Vivianne, nagsimula rin siyang magtanong ng mga bagay-bagay tungkol sa Allamino mafia, at sinasagot naman ni Vivianne ang lahat ng tanong niya. She's even giving some of the information that Beckett didn't know before.

"Kapag may iba pa akong nakalap sa lugar na 'yon, sasabihin ko sa 'yo," ani Vivianne bago pinakatitigan ang asawa sa mga mata nito. "Katulad mo, nag-iimbestiga rin ako tungkol sa lugar na 'yon. 'Yon lang ang paraan para magawa ko silang sirain."

"But you should be careful. Just because you're his daughter doesn't mean that you'll be safe from his rage." Itinali ni Beckett ang benda sa braso ni Vivianne. "Try to maintain distance from him for the meantime."

"Imposible 'yan. Doon ako nagtatrabaho." Tumawa nang mapakla si Vivianne dahil kahit ganito ang nangyari, pupunta pa rin siya roon bukas para gawin ang mga naka-pending na trabaho. "Pero dahil sinagot ko ang mga tanong mo kanina, ako naman ang magtatanong sa 'yo ngayon."

"What is it?"

"How can I make sure that you're going to help me save my mom?" tanong ni Vivianne, dahilan para mag-angat ang tingin ni Beckett, at nakakunot ang noo nito. "Kasi baka naghihiganti ka lang sa akin. Muntik na kitang mapatay dati—"

"You didn't kill me," pagputol ni Beckett sa sasabihin ng dalaga. Tinapos niya ang ginagawa bago tumabi kay Vivianne. "You did that on purpose. Gusto mo akong makatakas."

Nag-iwas ng tingin si Vivianne. "S-Sabihin na nating totoo 'yan, pero hindi 'yan sapat para maniwala ako."

"Well, would this be enough?"

Hinawakan ni Beckett ang baba ni Vivianne para iharap ang mukha ng dalaga sa kan'ya, pagkatapos ay hinalikan ito. Malalim kaagad 'yon sa umpisa pa lang. Kaagad napapikit si Vivianne at napakapit sa damit ng binata.

They shared a passionate, wild kiss. Bahagya siyang itinulak ni Vivianne sa dibdib matapos ang ilang minuto. "W-Wait, hindi na ako makahinga..."

Natawa nang bahagya si Beckett dahil doon, pero maya maya ay naging seryoso ulit ang ekspresiyon niya.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon