Chapter 78

105 3 1
                                        

HINDI nagtagal ay ginawa na ni Beckett at Vivianne ang mga bagay na pinlano sa Agrianthropos. Ipinaalam na rin nila kay Ella ang mangyayari nang sa gayon ay hindi ito magulat kapag nakaramdam na siya ng sakit sa kan'yang puso.

Now, they were at the Allamino mansion. Dalawa lang sila dahil nasa office lang si Alfred at nagbabasa ng mga dokumento. Kumakain ng dinner ang mag-ina, at nilagyan na ni Vivianne ng gamot ang inumin nito.

Nagkukuwentuhan sila habang kumakain. Si Vivianne naman ay pasimpleng tumitingin sa orasan. Her and Beckett planned this specifically, kaya may kailangan silang sundin na oras. Inabangan 'yon ni Vivianne.

"Anak, oras na yata para manood ako ng paborito kong KDRAMA," saad ni Ella.

It was a code. Nagtatanong si Ella kung oras na ba para inumin niya ang tubig sa lamesa na may lamang gamot.

Tumingin si Vivianne sa orasan bago tumango. "Oras na nga, ma. Ihahatid na ulit kita sa kuwarto pagkatapos natin kumain."

"Sige." Tinapos na ni Ella ang pagkain, at nilagok ang tubig pagkatapos no'n.

Hindi pa kaagad nakaramdam ng kahit ano si Ella sa kan'yang katawan kahit tapos na siyang inumin ang gamot. Ayon kay Beckett, maaaring tumalab ito matapos ang ilang minuto kaya naman naging mapagmasid si Vivianne.

"Halika na, ma," saad ni Vivianne.

Nakangiti siya sa pag-aakalang maya maya pa tatalab ang gamot, pero laking gulat na lang niya dahil nagsimulang dumugo ang ilong ng ina. Muntik na itong sumubsob sa sahig ngunit nahawakan niya kaagad ito at naalalayan.

"Ma... Ano'ng nangyayari?!" tanong ni Vivianne nang makitang napahawak si Ella sa dibdib at marahang pinapalo ito. Tila nahihirapan din itong huminga.

Vivianne isn't acting anymore. Talagang nag-aalala siya para kay Ella, lalo na at totoo ang sakit na nararamdaman nito. Napatingin siya sa guards sa paligid na wala man lang ibang ginawa para tulungan sila.

"Ihanda n'yo ang sasakyan. Dadalhin ko siya sa ospital!" natatarantang sigaw ni Vivianne habang palipat-lipat ang tingin sa ina at sa mga guwardiya, ngunit wala man lang gumalaw sa mga ito. "Ano bang ginagawa n'yo? Hindi n'yo ba nakikita kung ano ang nangyayari rito?!"

"Pasensiya na po, Ma'am Vivianne. Kailangan po muna namin ng permiso ni Alfred bago tumulong—"

"Putanginang 'yan!" Hindi na napigilan ni Vivianne ang sarili. Dahil sa galit, nabato niya ang baso sa sahig, at nagkalat ang mga bubog nito. "Permiso? Nasasaktan na ang nanay ko, at kailangan niya nang dalhin sa ospital. Kailangan pa rin ng permiso?!"

"Bring her to the hospital."

Biglang may nagsalita sa may hagdanan. Napatingin silang lahat doon, at nakita nilang si Alfred pala 'yon. Nalaman niya ang mga pangyayari dahil may isang katulong na nagsabi sa kan'ya tungkol sa nangyayari kay Ella.

It was a maid who was genuinely concerned about Ella.

"Quick. She might die," dagdag ni Alfred sa isang seryosong tono nang makitang wala pa ring kumikilos sa mga tauhan niya.

Doon pa lang nagsimulang gumalaw ang mga guwardiya. Ang isa sa kanila ay mabilis lumabas para ayusin ang sasakyan, habang ang iba naman ay lumapit kay Ella upang buhatin ito palabas.

Nakahinga nang malalim si Vivianne roon, ngunit sinamaan niya pa rin ng tingin si Alfred bago sinundan ang ina sa labas. Pumasok siya sa back seat ng sasakyan, at habang papunta sila sa ospital ay nakakapit lang si Vivianne sa kamay ng ina.

Vivianne comforted her mother by squeezing her hand tightly. "Ma, kapit lang..."

"O-Oo... anak," ang huling saad nito bago tuluyang nawalan ng malay.

Beckett Clainfer (Wild Men Series #24) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon