"Don't stop ...doing what you're doing~"
Napatakip ng tenga si Jane nang magsimula akong kumanta. 'Yon kasi ang kantang pinapatugtog sa radio kaya hindi ko mapigilang sumabay. Hello?! 5 Seconds of Summer yan?! Si Kuya Marlon nga, sanay na sa ingay ko.
Papunta na naman kami sa isang photoshoot ngayon at laking pasasalamat talaga na nakatulog ako ng mahimbing kagabi. Hindi ko rin alam kung bakit tanggap nang tanggap ng calls 'tong agent ko! I mean, alam ko namang para sa'kin rin 'to. Ah, ewan!
Jokes on me, hindi niya nga pala alam na ginagawa ko para kay Ate 'to.
It's been two days since I went to her. Medyo bitin dahil nga umulan, pero pwede pa naman akong bumalik sa ibang araw. Hmm, kailan kaya ulit?
Tumigil na ang sinasakyan namin at bumaba na kami ni Jane. Dahil walang underground parking ay ibinaba muna kami ni Kuya Marlon sa harap ng building. Then we went inside first, dahil medyo late na kami as per the schedule. Nakita namin si Issa at Kiana na papunta sa elevator. OMG, sila ba ulit ang head and make-up ko?
"Issa!"
May kasunod kaming pumasok na tila nagmamadali kaya hindi niya kami napansin. Saktong paglingon ko ay nabunggo niya na ako. My phone slipped from my hand, and it fell to the floor. Agad naman akong yumuko para pulutin ito.
"Sorry!"
The person also kneeled down to get my phone at nagkasabay kami sa pagkuha. I got a good look on their shoes at pamilyar na pamilyar yung sapatos niya. It was a pair of white sneakers with random doodles that looked exactly the same as I did with... Gray's...
Tumingala agad ako para kumpirmahin kung sinong nagmamay-ari nung sapatos. And I'm right, it is Gray. Halatang nagulat din siya nang makita ako at ni isa sa amin ay walang gumagalaw.
"Para kayong nasa K-Drama habang pinapanood namin," biro ni Kiana kaya napatayo agad ako. Gray got ahold of my phone and handed it to me as soon as he stood up.
"Thank you," I uttered.
"Wala bang gasgas? O sira?" Tanong niya sa'kin. Hala, oo nga! Tinignan ko naman ang lagay ng phone ko kung sakali.
"Wala naman," sagot ko. "Shock-proof yata 'tong case ko. Nakalimutan ko na."
Natawa si Gray bago siya tumango-tango sa'kin. Kinurot ako ni Jane kaya naman tinignan ko siya ng masama. Ano na naman kayang iniisip nito? She also kept on nudging me kaya pakiramdam ko ay may pang-asar ito sa'kin.
"Ay, Issa. Nandito na ba yung nasa schedule ko?" Gray lifted the camera hanging around his neck para ipaalam kay Issa ang tinutukoy niya. So, he pursued photography? ...Good for him.
And before I knew it, Issa was pursing her lips towards me. Huh?
"Siya ang shoot mo today," nakangiting sagot pa nito na parang hindi pa sapat ang pagturo niya sa'kin. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Gray bago siya muling tumingin sa'kin.
"Ah, nakalimutan kong sabihin sa'yo," nang-aasar na bulong ni Jane sa'kin. I mentally facepalmed myself after that. Sabi na, may kalokohan na naman 'tong babaeng 'to!
Yeah, good luck for me, I guess.
Kinwento nung dalawa na nagulat raw sila at first, knowing na aayusan ulit nila ako then got excited as they said. Saka ko lang din nalaman—kay Jane—na I'm doing a shoot for an album cover. Hindi ko narinig ng maayos yung banda, pero they were specific with the vision that they wanted so calls for this album were made.
"Sinabi agad nila kung sino ang photographer kahit wala pa 'kong tinatanong," chika ni Jane. "I thought familiar yung Gray and turns out my gut was right!"

BINABASA MO ANG
Escaping Discorded Beats
RomanceFor Celestine, singing is her heart's desire ever since she was a kid. The sound of music is what she like to wake up to everyday, and sleep to every night. Until she had to leave it for her sister, whom she believes is more worth than her own first...