Chapter 16

3 3 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 16
╚════════════. .✯ . ╝

"Magandang araw, mahal na hari"

Nag bigay galang naman kami kay kuya dahil bigla siyang bumisita dito. Diko alam ang sadya niya dahil bigla nalang siya pumunta dito

"Kamusta kana, prinsesa ko" Sabi naman niya sakin at niyakap ako. Niyakap ko din naman siya dahil nangungulila na din ako sa kanila

"Ayos lang ako, ayos lang ba sila sa palasyo? " Tanong ko naman sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa ulo at tumango

"Ayos lamang, mas ikaw ang inaalala ko" Napa ngiti naman ako kay kuya at humawak sa bisig niya at nag lakad na kami paloob

"Bakit ka pala napa rito, kamahalan? " Tanong ni France na nasa tabi niya. Pumunta naman kami sa mga estudyante na nag eehersisyo dahil maaga pa

"Galing ako sa Oleas dahil nagka problema at kailangan ako. Tutal madadaanan ito kaya bumisita nako" Maraming ginagawa si kuya pero nagawa niya paring dumalaw

Sinilayan naman namin ang mga estudyante at nagulat sila nang makita ang hari. Ang iba ay napa takip ng katawan at ang iba ay lumuhod

Mahirap masilayan ang hari at hindi mo siya basta basta makikita kung saan saan. Karamihan din dito hindi pa nakikita si kuya kaya siguro ganon na lamang ang reaksyon niya

May binulong naman si France kay kuya at kay Rosh at natawa naman sila doon. Tinignan ko naman si France para alamin kung ano iyon pero hindi siya tumingin

"Magandang araw, mahal na hari! " Sabay sabay nilang sabi at sabay sabay na yumuko. Tinaas naman ni kuya ang kamay niya para itaas na ang mga ulo nila

"Mag pokus lamang kayo para lumakas, malay niyo isa sa inyo ang hamunin ko sa isang duwelo" Nagulat naman ang iba ang dahil doon

"Masusunod po" Tinuloy naman nila ang pag eehersisyo at inaya na din kami para kumain. Tabi ko parin si kuya at nilalagyan niya ako ng pagkain sa plato

Nagulat naman ako kay France ng lagyan niya din ako ng pagkain "Eat it, it's good for your health" Pinalo naman ang kamay niya ni kuya Xaeious

"What do you think you're doing huh? France Lauxuia"

"Calm down I'm not doing anything wrong, I only give her food" Hindi naman kumalma at tinignan lamang siya ng masama ni kuya Xaeious

"Wag ka mag alala kamahalan, wala namang problema sa ginagawa niya. Kumain na tayo" Doon naman kumalma si kuya at nag simula narin kami kumain

"Too bad you stopped them, it's been a long time since I last saw them tried to kill each other" Sabi naman ni Rosh at tinignan niya sila. Hindi naman na nag salita si France

Nag away na sila? At muntik na silang mag patayan bakit diko alam?. Alam kong nag aaway sila dahil ganon na sila bata palang sila pero diko alam na hahantong yun sa patayan

At wala rin namang kumalat na ganon sa palasyo at wala ring nag sasabi sa akin. Gusto kopa mag usisa ngunit alam kong sasawayin lamang ako ni kuya

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon