Chapter 30

36 2 0
                                    

Author's Point Of View
Proposal scene


Matapos ang araw kasama ang pamilya ni Alliyah. Napagpasyahan nila ni Hance na umuwi na ng mansion upang don nalang din makapagpahinga matapos ang mahaba-habang byahe nila.

Sa pag-gising ni Alliyah sa kwarto nila ng nobyo ay hindi nya namalayang wala na pala si Hance sa tabi nya.

Nakapikit ang mga matang kinapa nya ang binata sa tabi. Ngunit wala syang kahit na anong nakapa kundi ang malambot na kama lamang na hinihigaan nya.

Nang maimulat ang mata ay napabalikwas sya ng bangon saka bumaba sa kama hinagilap nya ang tsinelas at lumabas ng kwarto.

Sa pagmamadali ay hindi na nya naayos ang kanyang buhok basta lamang ay dirediretso ang kanyang lakad pababa ng hagdan.

Naabutan nya ron ang dating kasambahay ng lolo at lola ni Hance na si manang tesa. Inalok sya nito ng umagahan ngunit umiling sya.

“Nasan po si Hance?” hindi sumagot ang matanda bagkos ay tinuro ang sala sa mansion.

Lakad takbo ang ginawa ni Alliyah papunta ron subalit wala ni anino ni Hance ang nakita nya. Sumulpot bigla si Heduz sa tabi nya, mukhang kakagising lang nito dahil nakasoot parin ng pajama.

“Good Morning, Sandoval.” bati nito sa kanya habang kinukusot ang mga mata.

“Good Morning, Wudler. Napansin moba si Hance?” tanong nito ulit.

Humikab lamang ito sa kanya. “ I just woke up, baka nasa garden.” sagot nito.

Tumakbo sya patungo ron ngunit tulad kanina ay nadatnan nya ang isang tahimik at pulos lamang magagandang bulaklak ang naroron.

Huni lang din ng mga ibon ang maririnig, lumabas mula sa gilid si Husefa. Kumakain pa ito ng pickles habang nakatingin sa kanya.

“Magandang araw, Mahal na Reyna.” bati nito sa kanya.

“Si Hance, nakita moba?” hinihingal na saad nya. Umiling ito sa kanya kaya naman napapikit sya sa hingal. Napapagod na sya ngunit hindi parin nya mahanap ang kanina pa hinahanap.

pinaglalaruan ba nila ako?  tanong nya sa kanyang isip.

Babalik na sana sya sa loob subalit may naaninag syang isang anino sa likod ng isang pinto.

Pero agad syang napaisip dahil bilang isang bampira ay hindi tatagos ang anino at reflection mo sa salamin. Pero dahil nais nyang makita si Hance ay sinundan nya yon.

Dinala sya nito sa pool Area ng mansion, naroroon ang kaibigan nya kasama ang mga hayop na inaalagaan nito.

“Hey! Okay ka lang?” tanong agad nito sa kanya ng makita syang nahihirapan ng maglakad dahil sa pagod.

“Pinaglalaruan ata ako ng mga bampira dito, kanina kopa hinahanap si Hance. Sabi nila ay nasa hardin, tapos ang sabi baka nasa sala pero pumunta ako ron kanina ni anino wala akong nakita.” naiinis na wika ng dalaga sa kaibigan.

Natawa lamang ito sa kanya saka pinakawalan ang paru-paro na hawak sa isang daliri.

“See you later.” bulong ni cleofa sa mga ito. “Kumain kana?” baling nito sa kanya.

“Hindi! wala akong ganang kumain, uuwi nalang ako.” wika nya.

“Uuwi ka ng hindi mo nakikita si Hance at nakakapag paalam sa kanya?” saad ng kaibigan.

“Pano nga e, niloloko naman ako ng mga nandito. Pinapapunta ako sa kung saan saan wala naman ron ang hinahanap ko.” tugon ni Alliyah.

“Kain muna tayo, tapos saka na natin hanapin yang hinahanap mo. Pumasok ata si Doc e.” usad naman ni cleofa.

Your DoctorWhere stories live. Discover now