Dinner with Sandovals

13 2 0
                                    

Avery's POV

Paglabas ni Tyler sa kwarto ay naiwan akong nakatayo at inis na inis sa ginawa niya. Sino siya para diktahan ako ng ganito?

Napabuntong-hininga na lang ako at alam kong wala akong magagawa kundi sumunod muna sa takbo ng sitwasyon ngayon.

Alam kaya ng mga magulang ko na nasa mansyon ako ng mga sandoval?

Ilang minuto pa lang ang lumipas nang bumukas ang pinto at may pumasok na matandang babae na nasa kalagitnaan na ng edad na may maayos at propesyonal na tindig. May dala itong garment bag at isang maliit na kahon.

"Hi, Miss Avery. I'm Secretary KC," bati niya sa akin na may magalang na ngiti. "I've been instructed to assist you in preparing for tonight's dinner."

Pilit akong ngumiti kahit ramdam ko pa rin ang galit mula sa pag-uusap namin ni Tyler. "O-okay."

Tumango siya at itinuro ang kama. "Simulan na natin ang paghahanda mo. Nandito na ang damit at mga alahas na gagamitin mo."

Tumingin ako sa kama ni Tyler at doon ko lang napansin ang isang eleganteng damit na nakalatag doon. The dress was a deep emerald green, made of silk that shimmered under the room's soft lighting. Sa tabi nito ay may set ng kumikinang na alahas, isang diamond necklace, hikaw, at bracelet.

"Kailangan ba talaga ito?" tanong ko, hindi makapaniwala sa mamahaling mga bagay sa harap ko.

Kaya ko namang bumili ng sarili kong alahas, pero hindi kasing-mahal nito. I swear mahal ito.

Tumango si Secretary KC. "Ipinag-utos ni Master Tyler na bihisan ka nang naaayon para sa hapunan mamaya."

Napabuntong-hininga na lang ako at alam kong wala akong magagawa kundi ang sumunod. "Okay, let's get this over with."

Tinulungan ako ni Secretary KC na isuot ang damit, mabilis at maingat ang kanyang mga galaw. Ang damit ay tamang-tama lang ang sukat sa akin. Ipinakita nito ang hubog ng katawan ko sa tamang paraan.

Maingat rin niyang isinabit ang mga alahas sa akin, ang mga brilyante ay kumikinang sa ilaw na nagbibigay ng dagdag na ganda sa itsura ko. Nagsuot rin ako ng black Saint Laurent opyum sandals na gawa sa glazed leather.

Ganitong kamamahal talaga ang pinasuot sa akin ng bwiset na lalaking yun. Grabe naman ang paghahanda niya para sa dinner ngayon.

Inayos rin ni Secretary KC ang kulot ng buhok ko at nilagyan ako ng light make-up.

Habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ay halos hindi ko na makilala ang babaeng nakatingin pabalik sa akin. Para akong prinsesa pero pakiramdam ko isa nga akong disney princess na nakakulong sa napakagandang lugar.

"We're done," sabi ni Secretary KC na nakangiti. "You look stunning, Miss Avery."

Ngumiti naman ako. "Thank you, Secretary KC."

Bago kami lumabas ng kwarto napansin ko ang mga picture frame sa tabi ng kama na may mga larawan ni Tyler at ng pamilya niya. May kapatid pala siyang babae na halos kasing-edad niya o baka mas bata ng kaunti sa kanya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa iniisip kong mapapasok ako sa pamilyang malayong-malayo sa kinalakihan ko.

Paano kaya nasangkot ang pamilya nila sa mga iskandalo at mga panlolokong negosyo? Mukha namang mababait ang mga magulang niya.

Nakasunod lang ako sa likuran ni Secretary KC pababa ng grand staircase. Ang bawat hakbang ko ay nag-e-echo sa mansyon at mas lalo akong kinakabahan sa bawat segundo.

Nang papalapit na kami sa dining hall ay bumukas na ang malalaking pinto at tumambad sa amin ang isang marangyang silid, the table was set with fine china and crystal glasses.

A Journey Through Love and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon